Chapter 35

566 15 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon dahil ihahatid ko si Persley at dad sa airport. Ngayon kasi ang alis nila pero hindi ko na muli kinakausap si daddy dahil tuwing kakausapin ko siya ay naaalala ko ang pag iwan niya sa amin noon sa HongKong

"Ingat kayo" sambit ko kay Persley at inabot ang luggage niya

"Thanks. Kayo din ni Aemi" tumango naman ako sa kaniya

"Azriel, take care of your sister"

"I will" walang emosyong sambit ko

Hindi niya naman ako katulad na pababayan ko yung taong mahal ko.

"Mauuna na kami" nakangiting sambit ni Persley

Ngumiti ako sa kaniya at tumango bago sila pumasok sa gate.

Tumalikod na ako at lumabas ng airport ng maka receive ako ng message sa instagram

Zaaack: bro babae anak mo!

AzrielDG: paano mo nalaman?

Zaaack: nakasabay ko si Atasha tapos nag ultrasound siya. Kita ko yung anak mo!

AzrielDG: walang picture?

Zaaack: ay wala boi. Hehe sensya

Napakamot na lang ako sa ulo ko at pinatay ang cellphone.

Hindi man lang nakuhaan ng picture para sana makita ko. Sana ay may copy si Tita ng ultrasound ni Atasha.

Umuwi na ako sa bahay at nadatnan ko na si Aemi.

"Kuya"

"Saan ka ba nanggaling. Alam mong ngayon ang alis nila daddy"

"Sorry kuya..."

"Tsk. Hindi mo man lang nakausap si ate mo at si dad bago sila umalis" sambit ko

"I'll call them na lang"

"Oh siya sige. May pasok pa ako" sambit ko at umakyat sa kwarto.

Hapon pa naman ang klase ko kaya naihatid ko sila daddy at iyang si Aemi ay walang pasok.

Nang nakapag abyad na ako ay umalis na ako sa bahay para pumasok.

"Azriel" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Uy Kayla"

"Nakita mo ba si Zack?" tanong niya sa akin

"Ay hindi ko pa nakikita, kapapasok ko pa lang e" sagot ko naman

"Ah ganun ba? Sige salamat. Mauna na lang ako" at tumalikod na si Kayla sa akin at nag lakad palayo.

Pumunta na ako sa building namin at ramdam ko ang tingin ng ilang kababaihan dito. Sanay na ako kaya hindi ko pinapansin ang mga ito.

Ayaw kong maattach sa babae lalo pa at alam kong mag kaka anak ako. Sasabihin ko kay Atasha ang tungkol doon. Humahanap lang ako ng tyempo.

Naupo na ako at nakitang dumating si Zack

"Hoy!nakita mo si Kayla?"

"Ha? Andito siya?" tanong niya ng maupo sa tabi ko

"Oo"

"Hala!" umarte pa itong gulat  "Oo nakita ko" sabay tawa niya

Saltik ampota.

Umiling na lang ako sa kaniya tsaka nag basa ng libro dahil may gagawin kami mamaya sa isa sa mga subject namin.

Nag basa na din naman si Zack kaya natahimik kami.

Maya maya ay dumating na din ang prof namin at nag start na ang class hanggang sa padilim na at dumeretso na ako sa bahay para makapag pahinga.

Waves Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon