Chapter 36

542 16 0
                                    

Finally! I'm a licensed doctor.

I also do have time today for Z kaya naman sinundo ko sila para lumabas and she wants to go to amusement park kaya naman doon kami papunta.

Ang dami niyang gustong kainin pero pinigilan ko siya dahil baka masayang lang ang mga iyon

Napapreno ako at nilingon si Z.

What the heck...

Napakamot na lang ako sa ilong ko at huminga ng malalim.

Natapunan ni Z ang sasakyan ko ng icecream pero wala naman na akong magagawa kaya pinalinis ko na iyon ng madalian.

Nakarating at naenjoy naman namin ang amusement park maliban sa bump car dahil doon sa isang lalaki.

Kung hindi lang ako nakatiis baka kung ano na ang nagawa ko sa taong yun. Makatingin kay Atasha.

We enjoyed a lot at naihatid ko na sila sa kanila bago umuwi dahil may duty pa ako sa hospital.

Pag pasok ko sa kwarto ko ay napangiti ako ng makita ko ang stethoscope na regalo sa akin ni Atasha noong christmas.

Naligo naman ako at nag bihis bago kunin ang stethoscope at lumabas na ng bahay para dumeretso sa hospital.

Before I leave my car ay nag vibrate naman ang cellphone ko and when I open it, may message sa akin ang kapatid ko.

She is already in New York, Presley and Uncle Jon want us to be there but I have duty so si Aemi lang ang nakapunta.

I told her to enjoy her new year there tsaka ako pumasok sa hospital.

"Goodevening Doc Zade" bati ng isang nurse sa akin

"Goodevening" nakangiting sambit ko naman at dumeretso sa doctors mess para mag suot ng coat at lumabas na para mag check ng patient.

"Az, akala ko ba ay may family bonding ka?" salubong no Zack sa akin

"Naihatid ko na sila sa kanila" sambit ko at sumabay siya sa akin sa pag lalakad.

"Wews. Saya ka dyan?" asar naman ni Zack "Anong plano mo bukas bro? Ikaw lang nasa inyo?"

"Z wants me to spend new years eve with them" kaswal na sagot ko

"Ay puta! Welcome na welcome ka na sa pamilya. Sabihin mo na sa kanila!"

Napalingon naman ako sa kaniya at napaisip.

Bakit nga ba nakakalimutan ko laging sabihin ang tungkol doon. Na ako ang tatay ni Z?

Hindi ako makahanap ng tiyempo kung paano ko sasabihin kay Atasha. Tuwing ibubukas ko ang topic ay papalaging nauudlot.

"Doc Zack hanap ka po ng patient mo" bigla ay may sumulpot naman na nurse kaya di na kami nakapag usap pa ni Zack.

Kibukas naman ay natapos ako sa duty kaya nag paalam na akong uuwi na.

Pag tingin ko sa aking relo ay alas sais na ng umaga kaya naman maliwanag na nang lumabas ako sa hospital.

Hindi ko na naintindi ang gamit ko dahil dere deretso na ako sa aking higaan nang makarating ako sa bahay at nakatulog.

Saglit pa ay tumunog na ang alarm ko.

Wala pang tatlong oras akong natutulog pero kailangan kong bumangon dahil susunduin ko sila Z at Atasha.

I wanted to sleep more dahil halos wala akong tulog ng dalawang gabi. But I badly wanted to spent time with my daughter kaya bumangon ako para maligo.

Nag luto lang din naman ako ng mabilisan para maka kain ako dahil ang huling kain ko pa ay dinner.

Waves Of LoveWhere stories live. Discover now