Chapter 24

483 16 0
                                    

I woke up early to get ready, para na din maayos ko na ang gamit ni Z habang tulog pa siya at walang mang gugulo sa akin.

Hindi ko alam kung kanino nag mana yung batang iyon, napaka kulit at napaka daldal. Lahat ay inaalam talaga niya. Gusto niya ay madaming sagot sa tanong niya.

Lagi niyang tinatanong sa akin kung nasaan ang daddy niya at hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Iyon lang ang tanong niya na hindi nakukuha ang sagot mula sa akin.

Pati si Acxel at Lucas ay tinatanong niya kung sino ang daddy niya at sinasabi na lang ng dalawa na huwag na hanapin ang daddy niya dahil dalawa naman daw silang daddy.

Minsan nga ay tito daddy at ninong daddy ang tawag niya sa kambal e, dahil silang dalawa naman ang lagi niyang kasama maliban kay daddy.

"Uy goodmorning" sambit ko ng mapansing bumangon si Khloe

"Hmm goodmorning"

"You okay?" tanong ko dahil bahagya siyang napangiwi at humawak sa bandang tiyan niya

"Yeah. I'm good. I'll just go to the bathroom" paalam niya kaya tumango ako.

Dumeretso naman agad siya sa bathroom at napatingin ako sa kaniya ng nag aalala dahil baka may nararamdaman siyang sakit at ayaw lang sabihin sa akin

"Goodmorning mommy!" yakap agad sa akin ni Z ng magising ito.

"Goodmorning anak" sambit ko at humalik ako sa kaniya

"Goodmorning tita" masiglang sambit niya ng bumukas ang pinto ng bathroom

"Hello Z, goodmorning" bati naman ni Khloe

"You sure you're okay?" alalang tanong ko ulit sa kaniya

"Yeah, I just feel some pain here" turo niya sa baba ng tiyan niya "I always feel that everymorning naman and thats normal daw sabi ng doctor ko" nakangiting dagdag pa niya at inayos ang gamit at higaan

"You have meds naman right?"

"Yeah. I'll take it after breakfast" she said with a smile at nag paalam sa akin na maliligo lang siya ng makuha niya ang kaniyang gamit

Tumango naman ako sa kaniya at nag labas na din ng susuotin ko at para kay Z.

Pinaliguan ko naman si Z ng matapos si Khloe bago ko inintindi ang sarili ko. Mabuti na lang at sumunod kay Khloe si Z ng puyuran siya nito at hindi nag pasaway

"Hello everyone" bati ni Iyah ng makapasok sa room namin at humalik naman agad si Lienel kay Z

"Nangnang" sambit ni Z at yumakap kay Lienel

"The twins are still sleeping pa" sambit ni Lienel ng buhatin si Z

"I guess so" sambit ni Khloe na nakatingin sa phone niya.

"Nag one on one ba naman kagabi doon sa alak" biro ni Iyah dahil kagabi ay nag yatch kami at pinaghatian nila ang isang boteng alak na nasa hapag namin.

"Acxel got drunk" sambit ni Khloe

"Yeah, si Lucas din. Nawala ang pagiging classy" natatawang sambit ni Lienel

Paano ba naman ay napaka lakas ng boses at napaka lagong. Tapos ang mga salita ay puro kabalastugan na hindi mo maririnig kapag nasa wisyo siya.

"Gisingin niyo na yung kambal para makapag breakfast na tayo" utos ko at inayos ang suot na sandals ni Z

"Tawagan mo si Acxel, Khloe" sambit ni Lienel

"He is not answering" sambit ni Khloe at pinakita sa amin na kanina pa tinatawagan si Acxel "why don't you call Lucas?"

Waves Of LoveWhere stories live. Discover now