Chapter 14

559 18 0
                                    

Kagagaling lang naming mag pipinsan sa pool at nag paalam akong mag babanlaw na din dahil medyo nilalamig na ako kahit alas kwatro pa lang naman ng hapon.

Naka one piece swimsuit ako at nag tapis ng makaahon na mula sa pool

"Huy mauuna na ako ha" paalam ko sa kanilang tatlo at tumango sila sa akin kaya nag lakad na din ako.

Liliko na sana ako ng may makasalubong akong lalake.

"Uy Azriel"

"Hey, pauwi na kami" sambit niya

"Ahh I see, ingat kayo"

"Yeah... by the way" hinila niya ang isang babaeng nag lalakad kaya napatigil iyon at humarap sa amin. She looks older than me but younger than Azriel. "This is my sister Aemi"

"Hi, I'm Aemi, younger sister ni Az" bati niya sa akin at nakipag shake hands. She is more jolly than Azriel

"Hi, I'm Atasha, his friend" sagot ko at inabot ang kamay sa kanya

"Friend?" nag tatakang tanong nito at nilingon ang kapatid "ah friend. Oo friend. Hi nice meeting you"

"Nice meeting you too, ingat kayo sa pag uwi" sambit ko

"Thanks. Congrats to you. Kailan ka manganganak?" bigla ay napatingin ako sa tiyan ko ng mag tanong siya.

"Next month" nakangiting sambit ko.

"Can I be a ninang?" napamaang ang labi ko sa sinabi niya

"Ang daldal mo Aemi" sabat ni Azriel

"Hahaha I'm just joking, I got to go. Iaayos ko pa tong gamit sa van" paalam niya.

"Hmm ingat" sambit ko bago siya umalis

"Pasensya ka na ha, napakadaldal ng kapatid ko" paumandin ni Azriel

"Okay lang hehe, sino pang kasama niyong mag kapatid dito?" tanong ko

"Sila tita" sagot niya

"Ah, parents niyo?"

"Wala na..."

"Oh sorry..." nahihiyang sambit ko

"It's okay. Sanay na akong tanungin iyon sa akin" sagot niya "mauuna na ako ha. See you in Manila when I see you" sambit niya tsaka kumaway paalis at kumaway naman ako pabalik.

Ng mawala na sa paningin ko si Azriel ay nag patuloy na ako sa pag lalakad papuntang room namin ni Iyah at naligo na.

Naupo naman ako sa kama at nag suklay ng buhok para matuyo ito dahil wala kaming dalang hair dryer.

Matagal tagal din akong nasa room and when I'm about to lay in bed may kumatok naman kaya tumayo ako pinagbuksan iyon.

"Dinner na daw muna" sambit ni Lucas

"Oh asan si Iyah?" tanong ko dahil mukhang nakapag banlaw na itong si Lucas

"Doon naligo sa room nila ninong Migs" sagot niya

"Sige, ayusin ko lang gamit ko" sambit ko at pumasok sa kwarto.

Hinayaan kong bukas ang pinto para pumasok si Lucas na siya naman niyang ginawa pero sumandal lamang siya sa pinto habang pinapanuod akong ayusin ang tote bag ko kung saan nakalagay ang iba kong gamit.

"Malapit ka ng manganak noh?" sambit niya

"Oo, isang buwan na lang. I wish I can do it. Sana makaya ng katawan ko"

"I'm sure you can, I believe in you. Matapang ka kaya"

"You think so?"

"Hmm" tango niya at tumayo na ako ng maayos ko ang gamit ko

Waves Of LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin