Chapter 40

496 13 0
                                    

"Daddy will you sleep here tonight?" tanong ni Z ng sunduin kami ni Azriel sa bahay.

Hindi pa kami nag sasama ni Azriel kahit pa may anak na kami. Dad wants us to married first bago mag sama at humiwalay sa kanila ng bahay

"Sleep here tonight daddy" pangungulit ni Z

"Yeahyeah, I will" sambit ni Azriel tsaka humalik sa noo ni Z.

Sanay naman na kami na dito siya natutulog kaya walang problema doon.

Sumakay na kami sa kotse para ihatid si Z sa school. Pumapasok na kasi siya sa kindergarten.

"Bye daddy, bye mommy" sambit ni Z tsaka humalik sa pisngi namin ni Azriel

"I'll pick you up later, or your mom. Depende sa schedule mamaya sa hospital okay? And remember na wag sasama sa kung sino sino" paalala pa ni Azriel

"Yes po" sambit niya tsaka bumaba na nung kotse.

Pinanuod namin ang pag takbo ni Z dala ang lunch box niyang pink at sumalubong sa mga kaibigan niya.

Nag katinginan kami sandali ni Azriel at ngumiti sa isa't isa bago siya nag simulang mag maneho uli patungo sa hospital dahil may trabaho kami

"Goodmorning doc Zade, goodmorning Nurse Tasha" bati ng guard

"Goodmorning po" nakangiting bati ko habang si Azriel naman ay tumango sa kaniya.

"Congrats to our newly engaged couple" salubong ni Jerrah

Lumapit ako sa kaniya para humalik sa pisngi at nag pasalamat.

Nag trabaho naman na kami at si Azriel ay nag rounds na.

Pumunta na din ako sa pedia section to checks some patients.

Dito din pala naka assign ngayon si Zack kaya naman nakita ko siya.

We greet each other pero hindi din naman kami ganoong katagal nag usap dahil may pasyente din siya.

Azriel is assigned to other section kaya di ko siya nakita hanggang nag breakfast na.

Si Jerrah ang kasabay kong mag lunch at mag pahinga.

Nakaupo lang kami ni Jerrah sa harap ng table para mag check ng papers hanggang sa tumunog ang emergency.

Agad kaming napatayo ni Jerrah at nag tanong sa nag tatakbuhang nurses at doctor.

"What happen?" tanong ni Jerrah

"Emergency. Almost thirty students from CFU kindergartens got food poison" sambit ng isang nurse tsaka tumakbo

Napatakbo din ako ng maalala ko si Z.

Is she one of them?

I tried to find her ng dumating na ang mga bata. But it was so hard dahil nag kakagulo sila.

I don't have choice but to assist the first patients.

Inakay ko na ang mga bata papunta sa wards at inayos ang higa nila doon.

Hindi pa din ako napatigil sa pag linga para makita si Z.

Kinakabahan na ako. Nagulat na lang ako ng may humawak sa braso ko.

"Where is Zelaine?" tanong ni Azriel

"I don't know" iling ko sa kaniya "hindi ko pa nakikita. Azriel"

"Zade! Zade!" sabay kaming napalingon sa sigaw ni Zack.

Akay akay nito si Z na nanlalambot na. May hawak itong plastic at sumusuka doon.

Waves Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon