Chapter 22

505 12 0
                                    

"Nasaan na si daddy mo?" tanong ni mommy

"Nasa likod. May kinukuha lang daw po" sagot ko naman

Paalis kami ngayon para pumunta sa simbahan dahil ngayon ang binyag ni Z. Inaayos ni mommy ang gamit ni Z habang ako ay karga si Z.

"Tara na" sambit ni daddy mula sa kusina

"Nasabihin mo na ba sila mommy?" tanong ni mom sa pag tutukoy niya kila lola.

"Oo hon, papunta na din sila, sila mama ba?" pag tutukoy naman ni dad kay lola Sioly, ang nanay ni mommy

"Nasundo na daw nila Shawn" sagot naman ni mommy.

Sabay sabay na kaming lumabas at sumakay sa sasakyan. Si daddy ang driver at nasa tabi niya si mommy, habang kami ni Z ay sa likod.

Nag kwentuhan lang kami nila mommy sa sasakyan hanggang sa makarating na kami sa simbahan. Sinalubong naman kami ni ninong Shawn at lola Sioly na kinarga agad si Z.

"Naandyan na ang ibang ninong at ninang" sambit ni ninong Shawn "Tasha sino yung isang lalaki doon, hindi pamilyar sa akin"

"Alin doon ninong?" tanong ko at sabay sabay na kaming pumasok

"Yung matangkad na medyo maputi"

"Ahh si Zack yun" sagot ko dahil sa mga kinuha kong ninong ay si Zack lang naman ang hindi kilala doon ni ninong.

Si Saint, Jarvin at Mark ay kilala niya naman dahil minsan niya na iyong nakita noong pumunta sa bahay ang org mate ko.

"Ahh I see"

"Si Kiana po? Tsaka si Kester at ninang?" tanong ko

"Si Kiana ay di makakapunta, si Kester naandyan kasama si Acxel tapos ang ninang Kiara mo kasama na nila Mau"

Pinsan ko si Kiana at Kester na anak ni ninong Shawn at ninang Kiara

Nag simula na ang binyag at pinasa na sa mga ninong at ninang ang anak ko, nag pirma na din sila ganun din ako at nag picture taking.

"Sa bahay na tayo" sambit ni Lola dahil sa bahay nila ang handaan.

"Sige po tara na" dinig ko namang sambit ni mommy.

"Tara na kila lola" sambit ko at tumingin sa mga ninong at ninang

"Kay Lucas na ako sasabay" sambit ni Lienel

"Kila Acxel na lang din yata sasabay sila Saint" sambit naman ni Lucas

"Asige" sagot ko "Zach, may kotse ka naman diba?" baling ko kay Zack

"Oo"

"Sunod ka na lang sa amin papunta doon" sambit ko at tumango naman siya.

Ganoon nga ang nang yari. Lumabas na kami sa simbahan at sumakay na sa kotse tsaka sabay sabay na umalis papunta sa bahay nila lola.

Pag dating naman namin doon ay may mga taong nag ayos ng handa para kay Z.

Nag simula na din silang mag kainan at may mga nag bigay ng regalo

"Ah Atasha, excuse me" binaling ko naman kay Zack ang tingin ko ng kulbitin niya ako.

"Mauuna na din ako. Pero may ibibigay ako sayo" sambit niya

"Oh sige. Ano yun?"

"Nasa loob na ng bahay niyo e" sambit niya naman

"Ah ganun ba? Tara muna doon at titingnan ko"

Nakay mommy si Z ngayon dahil nalilibang siya sa mga kumare ni mommy na nilalaro siya kaya naman hindi ko na kailangan mag alala kay Z.

Pumasok naman kami ni Zack sa loob ng bahay at tinuro niya ang isang kahon sa gilid. Hindi naman malaki iyon pero naka balot pa din ng gift wrap

Waves Of LoveWhere stories live. Discover now