14 HOURS; COUPLE SH*TS

9 6 0
                                    


14 HOURS;
Couple Sh*ts

"CATCH ME IF YOU CAN," aniya habang may malawak na ngisi sa labi. Pagkasabi niya n'on, agad niya akong tinulak at saka siya parang batang tumakbo palayo sa'kin.

Tumigil siya nang mapansin niyang hindi ko siya hinahabol. "Hoy, Flat! Plywood! Pader! No boobs, no puwet!" Sigaw niya.

"A-ano?" Tumawa siya ng nakakaasar nang simulan ko na ding tumakbo at habulin siya pagkalapag ko sa gamit. Sinubukan ko siyang hulihin pero ang lawak ng hakbang niya kumpara sa mga hakbang ko.

Para kaming mga bata. May ilang mga tao at mga bata din ang naenganyong magtayatayaan sa ulan hanggang sa naging kalaro na namin ang mga bata ng ayain sila ni Ezra. For the first time, Ezra and I laughed together which is really odd from what we used to do.

Utas na kami kakatawa nang magtwerk siya para asarin ako habang kami hinihingal. Dumidila pa siya tapos kinakanta 'yung WAP ni Cardi B habang nagtho-throw it back amputa. Hindi ko talaga siya magawang mataya. Partida. Apat na kaming humahabol sa kaniya dahil ang tsonggo nagmayabang na kahit lahat kami ang taya ay bilib siyang sabihing magaling daw siya sa tayaan. Kahit puso ang itaya, alam daw niyang siya ang mananalo.

Korni amp.

"Habulin niyo ang lalaking 'yan!" Sigaw ko sa mga bata. Nang makaipon ulit ng lakas ay tumakbong muli kami. Nataranta siya at dali-daling tumakbo. Kaso sinasadya niya atang tumigil bigla para magparaya ngunit naging dahilan ito para pareho kaming bumagsak sa damuhan.

Nagtama ang mga tingin namin. Doon ay namalas ko kung gaano pala kaganda ang mga mata ni Ezra sa malapitan. His face looks fair as well na parang wala kang maipipintas. Akalain mong guwapo pala itong tsonggong ito kapag pinagmasdan sa malapitan? Marami ang nagsasabi— I mean yeah, most of them compliment his looks even my Mom at si Manang. Pero ngayon ko lang naappretiate— hey! If anyone thinks I'm catching feelings dahil sa pinagsasabi ko, cringe. Ekis pa rin. He's still annoying despite his looks.

Pero may sariling isip yata ang mga mata ko at dumako ang paningin ko sa basa niyang labi. His lips is naturally pinkish and thin as if alagang lip balm o kaya vaseline lip theraphy. And his breath slightly fans against my face as he breathes heavily. It smells mentol candy na parang kinain niya after niya kumain ng mga saging at snacks mula sa dala nila. He just chased at me and then he playfully grinned.

"Mukhang nahulog ka na ata," it brings me back to realization.

Itinikom ko ang bibig ko at agad na tumayo. " ew!" I blurted out, "'Wag kang assuming! You're still not my type, tsonggo!" Tumawa siya at umupo.

"Hindi naman ako mahirap gustuhin 'e," pagmamayabang niya. "Pa-hard-to-get ka pa. Ampanget mo kaya, lalo na sa malapitan. Tsaka umuutot ka ba sa bibig?" Sabi niya. ".. Buti na lang maganda ang mga mata mo," dagdag niya. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"In this game.." he trails, ".. we had a deal," kumunot ang noo ko. "We, hostiles were dared to be a couple for only a day. And mentioned that there is no backing out. It's a challenge, my peach. Isipin mo. Kapag nagback-out ka, talo ka."

I scoffed. ".. I know. And who says I'm backing out? Yeah, I was. But I realized it's also fun. I am daring you not to fall for me, Ezra."

"Then good! Kapag nahulog ka sa'kin, talo ka," nakakalokong ngisi ang gumuhit sa mga labi niya. Ngumisi ako. So that's the spice. I think, I'm going to enjoy this game. Makikiride na lang ako tapos bahala na. Kapag nahulog si Ezra sa'kin, dudurugin ko siya.

"Hoy flat! Give me a hand," utos niya. Napairap ako sa hangin. Hindi na peachy or my peach? So ako na si flat ngayon? Akala ko ba trip niyang suyuin ako para mafall sa kaniya?

"Aba! 'Di nga ako flat! Meron naman ako, hindi lang malaki! At least, sexy pa rin ako." Angal ko. ".. Parang kanina lang gusto mo akong "mahulog" sa'yo for you to win this so-call dare but look at your attitude. Still the same Ezra I used to hate. So nah! I won't ever fall for you. Ekis sa'yo," ani ko at nagsign ng X gamit ang mga kamay.

"Ikaw naman, mainit agad ang ulo. Just help me get up 'o. Para sweet. Hold my hand."

"Ulol. Help yourself."

"Please?" Ngumuso siya at inextend pa lalo ang kamay na parang batang gusto akong abutin. Nagpacute pa ito.

I groaned and rolled my eyes in the air at hahakbang na nang hilahin niya ang kamay ko pababa at padag-anan ako. Malaki ang pagkagulat ko sa ginawa niya at parang ang bilis lang ng pangyayari.

"I am amazed by how you can resist my charm. But now you are under me," he said, smirking. "... at 'wag ka nang masyadong maarte, Yiesha. I will get you. I know you'll love me just the way how this behavior of mine attracted you to despise me," tumayo na siya pagkatapos ng mga litanyang nagpacringe sa'kin.

"Tapos na ang ulan. Take my hand and I'll bring you somewhere," curious, tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad at tinulungan niya akong makatayo.

"Saan?" Tanong ko. Ngumiti ito.

"Let's change our clothes first."

___

Naggala-gala kami ni Ezra sa lugar. Mukhang alam niya ang pasikot-sikot dito since madalas nga daw siya dito. And he had both cherished and damned memories here so he knows. Dumaan kami sa may souvenir shops at may ilang stalls din na puwedeng kainan at maliliit na tindahan kung saan may iba't ibang binebenta tulad ng damit, sumbrero, shorts, bags at marami pang iba.

"Ate magkano rito?" Tanong ko habang sinisipat ang T-shirt na nakadisplay lang sa baba.

"150 pesos po," sagot niya. Tinignan ko ang damit at mukhang malaki ito sa'kin. Si Ezra naman ay nagtitingin-tingin din para sa kaniya.

"Meron po ba kayong ibang size neto?" Umiling ang babae.

"Wala na po. Last na po iyan. Out of stock na po. Madami po kasing dayuhan ang napunta dito lalo na kapag sabado at linggo," aniya. Tumango na lang ako. Sayang naman. Bet ko pa naman 'yung design at kulay. Simple lang tapos light pink ang kulay.

"Peachy!" Tawag ni Ezra. Nilingon ko ito. Tuwang-tuwa ito sa T-shirt na nahanap niya. " Bagay 'to sa'tin," ipinakita niya ang mga T-shirt. It were a couple Tees na kulay gray. Nagcringe ako sa nakasulat.

"I like his biceps...?" I unbelievably stared at the women shirt then shifted my gaze at the other. ".. I like her booty— seriously?" I gawked.

"No," he answered with a tone sarcasm. " I don't like your booty pero gusto ko 'yung design. Tsaka totoo namang gusto mo 'yung biceps ko 'e. Hilig mo nga 'yun suntukin at pisil-pisilin. 'Di ba?" Bumungisngis naman 'yung babaeng nagtitinda.

"Cringe. Ayoko niyan," sabi ko at binalik ang tingin sa ibang mga damit.

"Eto den 'o! Ang ganda din neto, peachy. Swak na swak sa'ting dalawa. Tignan mo!" Excited na ipinakita niya sa'kin ang isa pang pares ng mga damit. Kulay puti naman ito at oo inaamin kong cute iyong design yet still... cringe pa rin sa nakasulat.

"Peach please! Chocolate is mine," basa ko sa nakasulat sa pambabae na T-shirt. My eyebrow cocked when I mentally read the other one.

"I'm chocolate, return to my peach," basa niya doon. He wriggles his eyebrows, teasing me.

_____

Thanks for reading! Vote, comment and follow! Love you❤

Love You 24 Hours ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon