17 HOURS; NOTIFY

8 7 0
                                    


17 HOURS;
Notify

"PUTANGINA," bulalas ko. Itinulak ko siya agad wala pang ilang segundong maglapat ang mga labi namin. Ew. Ew. Ewww!

I pushed him away out of my surprise, causing his head to be hitted on the upper part of the car. "Ow!" He muffled. Napapadura ako at pinunas-punasan ang labi ko dahil kahit smack lang 'yun, feeling ko dumikit pa rin. Ugh! Kairitaa!

He massages the part of his head that was hitted and glared at me. "Ang arte mo!" Saad niya. ".. para wala pang dalawang segundong kiss. Tsaka suwerte mo, ako 'to."

"Gago! Malas ko 'ka mo kasi ikaw 'yan! Ehh! Kadiri huhu! Nalasahan ko 'yung hotdog na kinain mo kanina!" Naiiyak kong tugon.

"Mas kadiri 'yung labi mo. Lasang saging na isinubo mo kanina!" Pasimpleng pinunasan niya din ang labi niya at saka nagdesisyong lumabas na ng kotse.

"Chancing ka talaga 'e 'no?!" Sigaw ko pagkababa ng kotse.

"Luh! Ikaw nga 'tong nagpatulong tanggalin 'yung seatbelt kahit maalam ka naman," depensa niya. "Ikaw ang chancing. Siguro naiinis ka sa'kin kasi crush mo ako!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Yuck! Si Daniel Padilla crush ko, hindi ikaw!"

"Many people say I look-a-like Daniel Padilla so..."

"Sinong many? You, yourself, at ikaw? Thank you, next," inirapan ko siya. Naglakad siya patungo sa malawak na lupain kung saan may ilang mga bata ang naglalaro. Maraming mga halaman at puno, merong ilang pamilyang masayang magkakasama, nagpipicnic. So, this is it. We're going on a picnic date?

Sinundan ko si Ezra dahil wala naman akong magagawa. Hindi ko din naman alam kung paano ba umuwi mula dito. I roam my eyes at the place and a smile immediately forms my lips as I am amazed by how beautiful, simple yet full of nostalgia place. Ang sarap sa ears ng bungisngis ng mga bata. Ang sarap panoorin kung gaano sila kasayang pamilya.

Whenever I will survey my surroundings and watch how a family looks happy and complete, masaya ako na malungkot. Masaya akong kumpleto sila pero may halong lungkot dahil hindi ako isa sa mga naging masuwerteng magkaroon ng buong pamilya. Pero at least, we're happy. Even without Papa.

I weakly smiled at a family, not realizing I was being jealous again.

"Bitch!" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Nakita ko si Jia na kumaway-kaway sa'kin habang may malawak na ngiti. Nilapitan niya ako.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Nakita ko din na kasama niya sina Josh, Jason, Ethan and... Kaye? Buntot talaga ni Ezra ang babaeng 'to 'no? Kala mo aagawan kaya sunud-sunuran.

"Obviously, to check you guys out," Jia giggles. Naglakad kami tungo sa kanila and there, I noticed a thin carpet lying on the ground with some baskets and boxes, probably where foods are.

"Why?"

"Aba! Malay ba namin kung ano na ang ginagawa niyo. We have to be sure na walang mangyayari sa inyo," sagot ni Jason.

"You guys are crazy! Of course nothing!" I said.

"He means, baka magsaksakan na kayo dito. We are just making sure you both are safe on your date," Josh says with a smile.

Love You 24 Hours ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon