00 HOUR; TIME'S UP

7 4 0
                                    

"Goodbye, alligator!" Biro ni Ezra pagkasara niya ng pinto paglabas namin ng kuwarto. Lumakad kami papuntang hagdanan pababa.

I grinned. "Happy birthday, tsonggo," bati ko na nagpalaki sa mga mata niya. Napatigil siya saglit.

"Woah. Akala ko talaga hindi mo na ako babatiin e'."

Tumawa ako, "Wala bang thank you?" Nagsimula siyang maglakad ulit at pinantayan ako.

"Kapal. Ikaw na nga 'tong sinurprise, dinate, at pinakain sa party ko, ako pa dapat ang mag-thank you? Wala ka ngang regalo e'. 'Kala ko love mo 'ko? Buti pa si Mama," ayan at nagbalik ang pagnguso niya.

"Tsh. Isip bata ka pa rin pala," natatawang sabi ko sa kaniya at inunahan siyang bumaba.

Pagkarating namin sa baba, naghiwalay kami ng landas. Ako, upang hanapin si Mama at Manang. At siya naman, upang hanapin ang magulang niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa table na hinahanap niya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

Sinabi niya sa akin kanina ang password ng wifi kaya naka-connect ako sa internet nila. Nagbukas ako ng facebook at agad na bumungad sa akin ang sandamakmak na messages at tagged posts or comments. Pero hindi iyon ang pinagtuonan ko ng pansin. Naalala ko ang sinabi ni Ezra kanina sa may kotse kaya pinindot ko ang friend request icon. Natawa ako nang makita ko ang profile at account name ni Ezra.

"Ezra Papi Garcia- what the f? Anong Papi?" Komento ko sa sarili. Pinindot ko ang profile niya at nagtingin lang ng ilang litrato. Ang daming bumabati sa kaniya ng birthday greetings sa timeline niya. Natawa ako sa ilang tagged pictures niya na puro siya naka-wacky face at epic pics niya.

Sumulyap muna ako saglit kay Ezra na ngayon ay kausap ang Mama niya bago ako nagdesisyon na i-accept ang friend request niya at i-chat siya.

Ezra Papi Garcia

You are now friends with Ezra Papi Garcia.
Lives in Tanauan, Batangas, Philippines

Hoy!
Thank you sa 24 hours. Happy birthday 🎁
sent with gift effect.

Virtual gift muna sa ngayon ha. Bawi ako sa susunod. Muah!
Delivered.

Napaisip muna ako bago ko itype at isend and susunod kong message.

I love you, jerkie
Seen. 11:13 pm

Muli ko siyang sinulyapan at nahuli siyang ngumingisi. Naiiling pa nga amp habang nakatingin sa phone niya. Luminga-linga siya sa paligid. Siguro hinahanap ako o para icheck kung may nakakita ba sa kaniya na natatawa mag-isa.

Ilang minuto akong naghintay ng reply niya at medyo nairita ako nang makita siyang nagtanggal ng tingin sa phone nang hindi man lang nagrereply.

"Ang kupal o'. Balak pa nga ata akong i-seen zone," pinaningkitan ko siya ng mata. "Tch."

Nagtipa ulit ako ng sasabihin.

Ezra Papi Garcia

Hoy hindi ako fan wag mo ako iseen
Delivered.

Sinulyapan kong muli siya. Nakatingin siya sa phone niya pero naka-ngisi lang ito. Hindi man lang sineen amputa.

Hoy alam kong nakita mo na message ko
Magreply ka ugak
Seen. 11:22 pm

Finally. Nakita ko na siyang nagtitipa ng sasabihin.

Love You 24 Hours ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon