07 HOURS; DEFINITION

11 6 0
                                    


07 HOURS;
Definition


So I did. I punched him before opening the door and stepped out.

Kala niya ha.

Nakita ko siyang ngumingibit sa sakit habang hawak ang pangang sinapak ko. Tinignan niya pa iyon sa salamin bago ako sinamaan ng tingin. Lumabas siya ng kotse.

"Wala pa 'yan sa katiting ng pagmamahal ko sa'yo, gago ng buhay ko," nakangiting saad ko.

"Baliw ka."

"Sakit ko bang magmahal?" Tanong ko pa, "You deserve it though."

"Thanks," he said, "At least may regalo ka sa'kin na magmamarka ng ilang araw. Appreciated it," he added with his sarcastic smile.

I laughed. "You're welcome, my jerk," I giggled, "I love you!"

__

Nagalanganin akong pumasok sa bahay nila noong una dahil sa eleganteng design nito. May magagarang vases at napakamoderna ng interior designs. Ang spotless ng sahig— na hindi mo man lang siguro makikitaan ng gabok. Mahihiya ang walis tambo, mop, at medyas ko na pasadahan ito.

Teka, akala ko ba may kainan dito?

Nagtatakang pinagmasdan ko ang paligid dahil wala man lang mga bisita. Until Ezra leads me towards their outdoor pool— where lots of students in our school are having fun, eating, at may kumakanta pa sa karaoke. May ilan ding mga kamag-anak na kasama at nakakatuwa lang isipin na kahit mayaman sila, hindi masyadong pormal ang selebrasyon. Akala ko, halos ng mga bisita ay magsusuot ng semi-formal clothes or 'yung tipong kelangan naka suit or dress. Pero ang simple lang. Despite how elegant, fancy, and rich his family and properties looked, marunong parin silang makibagay sa mga middle-class.

Agad kaming sinalubong at binati nina Josh at Jason na may kani-kaniyang pagkaing nginangata. "Here comes the birthday boy!" Ani Josh. "And of course the girlfriend of the day!" Dagdag pa niya.

"Happy birthday, bro!" Bati ni Jason.

"Thanks," sagot ni Ezra.

"Woah woah woah," si Jia. Nang lingunin namin siya ay may dala siyang plato na may pansit at puto. Umiinom din siya ng Juice. Nang makarating siya sa harap namin ay kumikinang ang mga matang pinasadahan niya ng tingin ang suot namin. "Ang cute ng couple shirt niyo, omg," she cooed.

May nahahagip ang medyo may pagkamarites kong mga tenga na mga komento sa paligid tungkol sa amin. Napapatikhim na lang ako dahil nagiging hindi ako kumportable dito. Malamang, feeling ko, wala akong karapatang tumungtong sa ari-arian nila dahil hindi naman kami magkasundo ni Ezra. Isa pa, naalala ko din 'yung mga sinabi ni Ezra kanina. Base sa tingin nila sa'min— lalo na sa'kin!— nabatid ko na totoo nga na ang alam ng lahat ay hindi kami nagbibiro. Kinabahan tuloy ako na paano kung bigla kong makasalubong ang mga magulang ni Ezra? Tapos tinanong ako? Kinausap? Hindi ko alam kung papaano kumilos o magsalita kapag nakaharap ko na sila.

Pero bakit ba nagaalala ako masyado? Kalma lang, Yiesha. Just be yourself. Wala kang paki kung anong maging impresyon ng mga magulang niya sa'yo. E' hindi naman talaga kayo, 'di ba? At saka sabi ni Ezra, sasabihin niya din naman sa kanila ang totoo pagkatapos.

Ilang minutong chikahan at may lumapit na lalaki sa amin. Nakangiti itong binasag ang usapan namin nang batiin niya si Ezra at hiningi ang kanyang oras para daw makipaghalubilo sa iba pa nilang mga bisita. Kaya nagpaalam siya sa amin at umalis. Sinundan ko sila ng tingin. Tumigil sila sa isang table kung saan nakapuwesto ang mukhang mga malalapit na kaibigan or kamag-anak ni Ezra. Tito or Tita niya ata.

"Hoy, bitch," pagkuha ni Jia sa atensyon ko. Nilingon ko siya.

"What?"

"What nga? Ano? Kumusta?" Suminghap ako ng hangin.

Love You 24 Hours ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon