03 HOURS; TROUBLE

12 7 0
                                    


03 HOURS;
Trouble

"What happened?" Ezra asks. Nagdesisyon kaming maglakad-lakad hanggang sa makarating kami sa may hardin. Nakaupo kami sa may damuhan.

Kahit na balak na naming umalis kanina, we still found ourselves staying. Wala kaming nagawa sa kakulitan niyang magstay muna kami lalo na't kararating lang nina Mama at ayaw niyang umalis sila kaagad. Hindi din namin alam kung paano kami makakalusot sa tensyon na 'yon kaya't sumangayon na lang kami.

Nasa paa ko lang ang tingin ko habang lumulutang ang isip. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kani-kanina lang: Nang batiin ni Mama at Tito Manuel sa malamig na tono at walang ganang ngiti ang isa't isa; Nang magtagpo sila ni Papa; At nang tawagin ni Ethan si Papa ng "Dad".

Kapatid ko si Ethan.

Haha. Who else saw that coming? Ilang taon kaming magkaklase pero never kong nakita silang magkasama. Never ko siyang nakitang dumalaw sa school. Never ko iyon napansin. Alam kaya niya na magkaklase kami ng anak niya? Alam kaya niyang pareho kami ng pinapasukan kaya ba hindi siya pumupunta ng school? E' si Ethan kaya? Alam kaya niyang magkapatid kami? Alam na kaya niyang may iba pang pamilya ang Dad niya?

"Yiesha," pagkuha ni Ezra sa atensyon ko.

Suminghap ako ng malalim na hininga. "Sabihin mo na kung anong kailangan mong sabihin," tugon ko. Naalala ko na may dapat siyang sasabihin sa'kin.

"I have no idea what kind of scene happened earlier. What have I missed?" Tanong niya. Pinaglaruan ko ang damo sa may paanan ko.

"I don't know," I breathed.

"Paanong hindi mo alam?"

Tinapunan ko siya ng tingin, "Chismoso ka 'no?"

"'Di naman. Concern lang ako," sagot niya.

"Concern?"

"Yeah."

I grinned, "'Wag mong sabihing—"

"O' 'wag kang assuming nanaman. Hindi porket sinabi kong concern ako, ibig sabihin no'n ikaw iyon at nagkakagusto na ako sa'yo. Palawakin mo 'yang imagination mo," depensa niya kaagad. Natawa ako.

"Okay, sige," tangu-tango kong sabi na lang.

"Seryoso. Anong nangyari kanina?"

"Bakit ba curious ka? Chismoso ka talaga ano?"

"Kasi kilala ko sila? Si Tito Raph, nando'n din si Ethan, and my Dad," halos magtagpo ang kilay ko. Kilala niya si Papa? And his Dad.. Tinutukoy ba niya si Tito Manuel?

Ilang segundo akong napatitig sa mukha niya bago ako bahagyang natawa. What a joke for small world.

"Hey," tawag niya.

"Tsaka ko na ikukwento. It's too much para sa birthday mo," sagot ko na lang. "By the way, noong paalis na ako kanina sabi mo may sasabihin ka?"

"Ah, yes," tugon niya at humiga sa may damuhan, looking at the cloudy sky. It could be more beautiful when there's a lot of stars pero natatakluban ng mga ulap ang mga bituin.  If it weren't because of the lamps, it's a bit darker.

"Hindi ito ang best birthday na naranasan ko. It's just like usual, with a little change," simula niya. "May mga bisita akong mga kaklase, kakilala, kaibigan— and of course you, my fav enemy."

"Then?"

"Napansin mo ba na nag-improve tayo ng konti ngayong araw?" Tanong niya. "Akalain mong pwede naman pala tayong magkasundo sa ibang bagay e'. Not bad for one day. 24 hours is somehow worth it."

"You know what, Ezra— don't beat around the bush, please. Baka isipin kong aamin ka na may gusto ka talaga sa'kin tapos kaya mo pala ako laging iniinis kasi nga may gusto ka sa'kin! At kapag gano'n nga, ibig sabihin lamang no'n, talo ka na in the first place kasi nga simula pa lang noon, may crush ka na nga sa'kin!" I blurted. "Oh my god— mababaliw na ata ako ngayon."

"Yes." Tatangu-tanong niyang sagot. Suminghap ako ng hangin at kunwaring napatakip ng bibig.

"Omg, yes? As in yes, tama ako? May crush ka sa'kin?—"

"Yes, hindi ka lang mababaliw ngayon kasi matagal ka nang baliw. Sabi ko palawakin mo 'yang makipot mong imahinasyon pero nasobrahan naman yata na feeling mo nasa pocket book ka nakatira," sarkastiko niyang sagot. Tumawa ako.

"E' ang dami mo pa kasing paligoy-ligoy. Scripted ba 'yan?" Sabi ko sa kaniya. May dinukot siya sa bulsa niya saka siya muling umupo.

"Ano 'yan?" Tanong ko, tinutukoy ang maliit na kahon na kinuha niya sa bulsa niya. Isinenyas niyang kunin ko iyon pero nagpabalik-balik muna ang tingin ko sa kaniya at sa bagay na hawak niya.

"Peace offering," sagot niya. Muntik na akong maniwala na panaginip lang ang mga oras na ito.

Who knows, bumalik pala ako sa higaan ko noong ginising ako ni Mama ng sobrang aga tapos hindi naman pala talaga pumunta si Ezra sa bahay namin para sunduin ako't piliting makipagdate alang-alang sa pangalan ng 24-hour dare na 'yon ano? Gosh, at least sa panaginip nagoffer siya ng peace, right?

"Nakikipagbati ka? Seryoso?" Tumango siya. "Nag-17 ka lang, nagmature ka na?" Natatawa kong tanong. Natuto siyang magpaikot ng mata sa'kin.

"Ayokong mag-iwan ng kaaway sa high school," sagot niya.

"Tsh. Weh?"

"Seryoso. Kunin mo na."

"Ano bang laman nito?" Tanong ko pagkakuha ko mula sa kamay niya at medyo inalog ko pa ito.

"Edi buksan mo. Nilagay ko pa sa kahon kung sasabihin ko lang din sa'yo." Kaya gaya ng sabi niya, binuksan ko iyon. Parang tumigil 'yung oras para sa'kin nang tumambad ang laman niyon sa akin. Sinulyapan ko si Ezra na naghihintay sa reaksyon ko.

"'Yan naman ang dahilan kung bakit ka nagalit sa'kin diba?" Aniya. "I didn't care about how you value it so much. Wala din akong paki no'n kung may sentimental value 'yan. I just stole it to annoy you."

"Pero apat na taon na. Tinago mo pala?" Tanong ko. "Akala ko sinangla mo na."

"Tinago ko."

"Bakit, ha?" Siniko ko siya at inalaska. "May crush ka talaga sa'kin noon 'no? Lumalakas na tuloy kutob ko."

"Kapag pinagpatuloy mo 'yang pagaassume mo, baka ikaw pa ang unang magkagusto sa'kin." Natakot naman ako kaya tumahimik na lang ako. Pagkatapos no'n ay hinayaan ko siyang kuhanin ang relo na iniregalo sa akin ni Papa at siya na mismo ang nagsuot niyon sa palapulsuhan ko. Aww. Sweet. Pafall. Isa siguro ito sa mga natutunan niya kay Ethan.

"I love you," bulong niya pero may sapat na lakas para marinig ko. Bigla naman akong natigilan at ramdam ko ang pagtibok ng puso ko sa gulat. Ano daw?

Naglagay siya ng nakakalokong ngisi sa labi at saka muli akong tinignan, "Naestatwa ka nanaman. Lamang nanaman ako ng puntos," sabi niya.

Nang matauhan, nalaman ko na ulit kung paano humigit ng hininga. Oo nga pala. The lie about 'I love you'. Gosh! Kinabahan ako do'n a'! Ito siguro ang pinakahihintay niyang pagkakataon para masabi 'yon, ano? Pakana naman niya 'yon e'.

"Ehem. Excuse me. Chancing ka nanaman po," sabi ko at binawi sa kaniya ang kamay ko. Pinagmasdan ko ang relo ko. Umaandar pa din ito. Or probably pinalitan niya ng bagong battery. Sobrang tagal na noong huli ko itong isunuot. Habang pinapanood ko ang pagusad ng bawat segundo dito, hindi ko mapigilang maging emosyonal. I missed it so much.

I missed Papa so much.

"Ang childish talaga ng away na'tin. Parang isip elementary pa rin tayo," sabi pa niya. "Gagraduate na tayo ng JHS. Kaya kailangan na nating magmature," he chuckled.

I stretched my lips for a small smile, "Thanks."

"So.. no more trouble?" He asked.

I smiled, flashing my teeth and replied him, "Trouble no more."

Ngumiti siya. "Siguraduhin mo lang ha. Hindi talaga kita aatrasan," sabi ko sa kaniya.

"Aye aye, my peach!" he replied, saluting with his brows connected and lips pouted. Natawa kami.

Love You 24 Hours ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon