02 HOURS; CLOSURE

9 6 0
                                    


02 HOURS;
Closure

Nagkukwentuhan kami ni Ezra habang naglalakad pabalik ngunit bigla na lang siyang natigilan. Nawala ang ngiti sa labi niya habang tila gulat ang mga mata.

"Bakit?" Sinundan ko ang tingin niya't napansin ko ang pagtitig niya sa isang tao. Sa isang babae. Pamilyar ito sa'kin dahil minsan na itong dumalaw sa school. Actually, every school events. Sa pagkakaalam ko nga lang, isa siya sa mga ex-student sa campus namin— 'yung mga bumibisita na dating batch para kamustahin ang mga teachers.

Nagtuloy si Ezra sa paglalakad.

"Sino ba 'yun?" Sinundan ko siya.

"My ex," sagot niya na nagpabilog sa pretty kong mga mata.

"Eh?" Reak ko. "Bakit hindi ko alam? I mean, you were in love?"

Malamig lang niya akong tinignan at pumasok sa maingay na venue. Dumiretso siya kaagad sa table nina Mama, na siyang kinakausap ang Mom ni Ezra.

"Or maybe you still are," I whispered with a grin on my lips.

How come I didn't notice that?! I saw them hanging out sa school canteen or bench together with Ezra's gang kapag bumibisita siya sa school. Akala ko close lang sila.

Lumapit na din ako kina Mama at relieved naman na ako nang makita ko siyang nakangiti at hindi na batid ang pag-aalala. Binati ako ng Mommy ni Ezra so I smiled back and said, "Nagmeet na po pala kayo ni Mama."

"Mama mo siya?" Tanong niya. Nagtaka naman ako ng slight nang malaman na hindi pa pala niya alam. Parang kanina pa nga ata sila nagkukwentuhan base sa ngiti at tawa nila.

Tumango ako, "Opo."

"Wow!" Tumawa siya, "Kanina pa kami naguusap dito, ikaw pala 'yung kinukuwento niyang nagiisang anak," sabi niya. "Finally! Akala ko ba hindi makakapunta Mama mo, Yiesha," I just awkwardly smiled.

"I invited them, Mom. It's a surprise for Yiesha so she can stay here a little longer," sagot ni Ezra nang may malawak na ngiti.

"Anak mo si Ezra?!" Medyo gulat na tanong ni Mama sa kaniya.

"Oo. Ang guwapo ano?"

"Aba! Pagkakataon nga naman ano? Hindi natin alam na magboyfriend at girlfriend ang mga anak natin e' kanina pa tayo nagkukwentuhan tungkol sa kanila!" Pareho silang tumawa. "Ang cute nila 'no? Dati daw silang magkaaway, hays. Ang bilis ng panahon. Soon, magcocollege na sila at magaasawa—"

"Mama naman! Ang advance mag-isip."

"Sadya. Hanggang ngayon nga naalala ko pa rin kung paano kita ihele at palitan ng diaper. Now, look at you. May boyfriend ka na," parang maluluha pang saad ni Mama.

"True, Mariela. Madalas pa ring sumasagi sa isip ko 'yung panahon na pinagsasabihan ko si Ezra na huwag magtampisaw sa putikan tuwing umuulan at paglaruan ang sarili niyang ta—"

"Mom, pinapahiya mo ako," awat agad ni Ezra sa mommy niya bago pa maituloy ang sasabihin sana nito. Napabuntong hininga na lang ako. I knew they'll get along by the way they are alike about some things. They are both simple, open-minded, and.. dramatic. Hays.

"Gano'n din si Yiesha! Mahilig din siyang maglaro sa putikan. Kaso madalas napapaaway at pinagkakatuwaan ang mga kalaro niya. Kahit na nagiisang babae sa mga kapitbahay at kalaro niya, sila pa mismo ang sumusubok makisama sa kaniya," kuwento ni Mama.

"Nako, parang si Ezra din noon. Talagang makulit at maloko kaya laging nasusuot sa away. Ang hilig magprank- alam mo ba, dati hindi ko siya pinapasok ng isang taon dahil sa pambubully niya," kuwento naman ng mommy ni Ezra.

Love You 24 Hours ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon