Chapter 28

22.9K 561 31
                                    

Date uploaded : 2-3-15

AN"

Haaay salamat,... nakapag-update din. Masyado akong bz ngayon kaya wag muna kayong mag-expect ng update. sinisingit singit ko lang ang pagsusulat. kaya cool lang kayo mga pare! hehehehe.

Chapter 28

Ysabelle

"Ano ba talaga ang hinahanap mo?" Nagpunta kami sa condo ni Shaun at ngayon ay nakatayo ako sa pintuan ng kwarto ni nya, habang sya naman ay halos itaob na ang buong kwarto sa kakahanap ng kung ano man yon. 

"Just stay put, I'm concentrating." 

"Ummm, just to remind you, you have been turning your room upside down for the past hour. HIndi mo naman kasi sinasabi kung ano yung hinahanap mo para naman makatulong ako. " 

Huminto sya sa paghahanap at humarap sa akin. 

"O sige na nga. I'm looking for your scrapbook. And in case you can't remember what it looks like, it's brown with the size of a usual big scrapbook tied in a pink lace. It's a big fat scrapbook with lots of junk." 

"Scrapbook ko? " 

"Oo, you keep tabs of everything. Kahit yung unang ballpen na binigay ko sa 'yo, pinagsiksikan mo sa scrapbook mo. "

Oo nga, I'm a very sentimental person. Mahilig talaga din akong mag-scrapbook. Pero puro kay Clyde ang laman ng mga scrapbooks na ginawa ko. Well, he's the one thing that really means to me. 

Na-excite akong bigla! Gusto kong makita kung anong mga nakalagay sa scrapbook na yon. Palagi ko ngang iniisip kung anong itsura ko noong bata ako, dahil wala man lang akong makitadng childhood photo. Kahit si Clyde, he keeps on asking me kung sino daw ang kamukha nya noong bata kami. Naghahanap sya dati ng old pictures ko at ni Brandon para daw maicompare nya kung sino sa aming dalawa ang kamukha nya. We never knew, dahil nga nasira na daw lahat ng mga albums ko noong nasunog daw ang bahay namin, well, that is according sa sinabi ni Brandon, na puro kasinungalingan naman. Maybe, I can find something to show my son and and maybe, just maybe, I can put in place some pieces of the missing puzzle in my head. 

"Teka, paano naman napunta sa 'yo ang scrapbook ko? Hindi ba dapat ay nasa bahay namin yan?" 

"Ninakaw ko, bakit?" 

Genius ba talaga ito? O sira ulo?

"Wirdo mo!"

"Wala namang naghanap e. So I kept it. As a remembrance. " 

Natahimik ako because I saw in his face that he really meant it. Nakakhanga naman ang pinapakita nyang loyalty sa akin. I guess he's really a true friend that no matter what happens, he'll stick to me till the end. 

"Thanks Shaun. For everything." 

Ngumiti lang sya at nagpatuloy na maghanap. 

Tinulungan ko nang maghalungkat si Shaun sa mga gamit nya. Nakakatakot nga lang kasi baka may biglang tumuklaw sa akin dito! 

"Shaun, Mukhang kailangan mo ng katulong. Look at all these mess! EEEEEWWWWWW! " Hawak ko sa isang daliri ko yung isang pizza crust na may amag-amag na! Tinignan ito ni Shaun. 

"Aaaaaa, iyan pala yung nangangamoy. " 

"Ilang araw na ba ito dito?" 

"Last week pa ata yan. Kaya nga ang baho. Mabuti naman at nakita mo na." 

"My Gulay Shaun! You're such a pig!" 

Lumabas muna ako ng kwarto, dala dala ang inaamag na pizza. Kadiri talaga itong lalakeng ito! Naghanap ako ng garbage bag at itinpon ko ito. Dinala ko na pabalik sa kwarto yung garbage bag dahil mukhang marami pang mailalagay doon, sa gulo at dumi ba naman ng kwarto ng lalakeng iyon. Mukhang mapapalaban ako sa linis nito a! Haaaaayyy.... 

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Where stories live. Discover now