Chapter 7

32.6K 776 64
                                    

Date uploaded : Nov 7, 2014

Chapter 7


Aldrin


Nasa condo kami ngayon ni Shaun at kanina pa kami nakaupo sa salas at hanggang ngayon ay tulala pa din sya., na paminsan -minsan ay napapailing. Alam kong malalim ang iniisip nya, pero lumalalim na ang gabi. May pag-uusapan daw kami, but at the rate that we are going, parang kailangan ko munang matutong bumasa ng isip para makapag-usap kami ng matino.


I stood up and finally gave up.


"I'll go ahead Shaun. Bukas na lang tayo mag-usap."


"Kahit na anong sabihin mo, without a doubt, sya talaga si Ysabelle. "


"You can't possibly know that. Nagkataon lang siguro na kamukha lang ni Frans yung sinasabi nyong si Ysabelle. Nakita mo naman diba, hindi nya kayo kilala. So, para sa ikapapayapa ng lahat, you might as well drop the idea."

Paalis na ako nang tumayo si Shaun.

"Ok, so explain to me why she knows that I only drink root beer without ice, and how the heck did she knows how i love to dip the chips on mayo with tobasco?"

"Nagkataon lang yon."

"Really? Nagkataon lang talaga? I know that deep inside, alam mo na si Ysabelle yon. Ayaw mo lang magpakatotoo dahil magiging komplikado."

Napailing ako. Complicated is an understatement. But a part of me wants to know the truth. Naupo ulit ako at tinignan ko sya ng malalim.

"I don't even know the person you're talking about. This Ysabelle! Paano ko masasabi na sya ang kaibigan mo?"

"Ok sige ganito na lang. Let's make it a little bit easier for you. Ano ang pagkakakilala mo kay Francine?"

"Well, katulad nga ng sinabi nya kanina, she's already a widow. Noong namatay ang asawa nya, saka ko sya naging assistant. Actually, tinanggap ko sya kahit na hindi sya tapos ng collage dahil alam kong smart at mapagkakatiwalaan at sya---"

"What I want to know is who is she before she came to the company? Ano ang background nya?"

"Well, she told me that she lives in Cebu all her life. She got married at the age of 18, and got pregnant with Clyde. Namatay daw ang mga magulang nya sa sunog. Wala syang naipakitang mga dokumento nya sa mga schools, kahit yung birth certificates nya ay wala din dahil kasamang nasunog yon sa bahay nila."

"E bakit hindi sya kumuha ng copy sa NSO?"
Hmmmm bakit nga ba hindi?

"And how about her other credentials? NBI clearance? Police clearance? Kailangan lahat yon a para malaman na legit ang isang empleyado. "

"Hindi ko na na-followup na hingin pa sa kanya yon dahil medyo mahihirapan syang kumuha ng mga dokumento dahil nga nasunog. I told the HR not to bother anymore dahil sa maganda ang naging performance nya on her first week of work. At ayoko na ring mahirapan sya, because she badly needed the work in order to raise Clyde. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinag-daanan nya. So, if you were in my place, you would understand."

Mukhang tinanggap naman nya ang rason ko at tumango-tango na lang sya.

"How about her childhood? May mga naikwento ba sya sa 'yo tungkol don?"

"Lately pa lang kami nagiging close. Hindi naman kami masyadong nag-ku-kwentuhan dati, puro trabaho lang."

Tinignan nya ako ng masama.

"I can't believe you! For a guy who likes a girl so much, hindi mo man lang nagawang magtanong tungkol sa kanya?! And you tell me that I'm weird!"

"I never said that you were weird!"

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Where stories live. Discover now