Chapter 16

24.8K 583 17
                                    

Date uploaded : Dec. 10, 2014

AN. Maikli lang to

Chapter 16

Francine

Napaatrasako ng sigawan ako ni Lovely. Sa lakas ng boses nya, sigurado akong narinig ng ibang mga empleyado yon. Hindi ko alam kung ano ang pwede nilang isipin. Alam kaya ng mga tao dito sa opisina ang nangyari sa engagement party ni Spencer at ni Lovely? Hindi kaya alam na ng lahat kaya ganon na lang makatingin sa kin yung sekretarya ni Spencer?

This is too embarrasing! Kahit kelan ay hindi ako nasangkot sa kahit na anumang eskandalo. Nananahimika ang buhay ko noon, pero ngayon, parang may sumabog at bigla bigla na lang nagimbal ang mundo ko! Just because I've attended that party!

"Anong ginagawa mo sa opisina ng fiance ko?! You have no right to be here!"

"I'm just doing my job. May kinuha lang akong papeles na kailangan ng boss ko. Pasensya na po."

Paalis na ako ng hawakan nya ang braso ko at marahas na hinila pabalik. Kung hindi lang ako mas matangkad at mas matatag sa kanya, baka sa sahig na ako pinulot nito!

"On second thoughts, I want to talk to you. Gusto ko na once and for all ay magkaliwanagan tayo." Lumingon sya sa may pinto at nakita kong nakangisi ang sekretarya ni Spencer na para bang aliw na aliw sa mga nangyayari. "Candy, close the door. Kakausapin ko lang itong babaeng ito."

"Yes ma'am."

Nang maisara na yung pinto ay hindi naman agad nagsalita si Lovely. She crossed her arms over her chest and looked at me from head to toe.

"Sino ka talaga? Ikaw ba talaga si sab?!"

Sab? ysabelle?

Umiling-iling ako. "I don't know. Hindi ko talaga alam."

"Liar! Tell me! Ikaw ba talaga si YsabellE?! " I can see the hate in her eyes. Nakakatakot na syang tignan dahil sa sobrang galit ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. "You tried to ruin me! Everything's so perfect. We're already getting married. Bakit mo kami ginugulo? Sino ka ba talaga?"

Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o matatakot. Tumutulo na ang mga luha nya. Hindi lang galit ang nararamdaman nya, may halo ding sakit. Gusto ko man syang pakalmahin, pero hindi ko alam kung paano. Maybe telling the truth is the best way to deal with this situation, dahil hindi ko din naman alam kung ano dapat kong sabihin sa kanya.

"I am Francine Santos. Assistant ako ni Sir Aldrin from the Cebu branch. Noong tinanggap ni Sir ang posisyong inalok sa kanya ni Sir Spencer. Sinama nya ako sa lugar na ito. noong umattend kami ng engagement party nyo, doon na nagsimulang gumulo ang buhay ko. They told me that I am Ysabelle del Castillo, pero hindi ko nga talaga alam kung ako nga ang babaeng tinutukoy nila until this morning when Sir Aldrin told me that Francine Santos did not exist."

"W-what do you mean?" Takot naman ang nakita ko sa mga mata nya. "Bakit ka nila kailangang diktahan. Hindi mo ba kilala ang sarili mo?"

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, pero wala akong naaalala sa mga nakaraan ko. Ang alam ko lang ay ang pangalan ko, at nakatira ako sa Cebu. Pero ngayon, hindi ko na alam kung ano talaga ang totoo."

"Kahit katiting sa nakaraan ay wala kang naaalala? Ako, kilala mo ba ako?"

"Ang pagkakakilala ko lang sa inyo, ay kayo ang fiance ni Sir Spencer. "

Natahimik sya ng matagal. Pagtingin nya ulit sa akin ay bumalik na naman sa mga mata nya ang galit. "Tama ka dyan. Ako ang fiance ni Spencer, at ako lang ang may karapatan sa kanya. Hindi ko alam kung anong laro nyo ni Aldrin at ginugulo nyo kami ngayon. Akin lang si Spencer " lumapit sya sa akin na para bang gusto nyang ipamukha sa akin na hindi sya nasisindak sa akin. "Hindi ikaw si Ysabelle, dahil ang Ysabelle na kakilala namin ay.... Matagal ng patay!"

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon