Chapter 22

28.6K 622 42
                                    

Date uploaded : 1-6-14

AN. Malapit-lapit na tayo sa finished line! 

Chapter 22

Spencer

Nakita kong nakabukas ang mga ilaw sa salas pagkapasok ko ng gate ng bahay ko.

So I guess I have company. Why am I not surprised? At alam ko na din kung sino ang taong nag-iintay sa akin sa loob ng bahay ko. I braced myself for a round of nagging and rants. Isa din iyon sa mga dahilan kung bakit ako bumili ng sarili kong mga properties. Para hindi kung ano ano ang mga naririnig ko, at ayoko ding mahawa ng pagka-negative ni Mama. In some ways, I commend my father for putting up with her for so many years. May mga taon nga lang na hindi naging faithful si Papa, kaya nga nagkaroon kami ng kapatid sa ibang babae. Pero pinagsisihan naman iyon ni papa at naging faithful na sya sa pamilya hanggang sa sumakabilang buhay na sya. 

Don't get me wrong, I love my mom, I just don't approve of her ways, O talagang magkaiba lang kami ng mga pananaw sa buhay. Masyadong mahalaga sa kanya ang status and reputation na kung minsan ay natuturingan syang matapobre. Kaya nga ayaw na ayaw ni papa na patungtungin sa  Altamerano Industries, dahil nayayanig ang mga empleyado kapag nandoon sya. 

I remembered her outburst earlier. Mabuti na lang at kami pa lang ang customers sa cafe, kaya hindi naman nagmukhang kahiya-hiya ang mama. I was just wondering why she never heard that Ysabelle was back, kung nandoon naman sya sa engagement party. Kung sabagay, tama naman sya at nag-p-prepare nga sya noon para sa bakasyon nya. At baka wala din talagang nakarating na kahit na anong balita doon sa pinagbakasyunan nya. Pero bakit hindi nasabi ni Lovely kung sya ang nagbalita kay mama? Napalapit si Lovely kay Mama noong panahon na inakala naming namatay si Ysabelle. Nagkakilala ang si Mama at ang magulang nila Lovely sa isang charity event at simula noon ay napadalas ang pagdalaw ni Lovely sa bahay namin na noong panahon na yon ay doon pa ako nakatira sa magulang ko. At dahil sa madalas kaming nagkikita ay napalapit ako sa kanya at doon nagsimula ang relasyon naming dalawa. 

Kung alam ko lang talaga na buhay pa si Ysabelle ay hindi na sana ako nagkaroon ng relasyon sa ibang babae dahil siguradong masasaktan lang sila ngayong nalaman kong buhay pa ang babaeng pinakamamahal ko. Ysabelle was the one who holds my heart and she will forever owns it. 

Napakunot ang ulo ko ng maalala ko ang tungkol kay Ysabelle. Naalala ko ang sabi ni doktor na posibleng nabagok ang ulo nya kaya may amnesia sya ngayon. Hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa akin ang nangyari sa kanya. Wala akong kilalang may galit sa kanya para gawin iyon sa kanya. She was well loved among her peers, kahit si Shuan na mahirap makahanap ng tunay na kaibigan ay naging malapit sa kanya. Or is it an accident? Pero kung aksidente ang nangyari, dapat ay nagkaroon ng mga police report. At paano sya napunta sa Cebu? At sino si Brandon? Wala akong kakilalang naging kaibigan nya na may pangalang ganon?  At paano sya nagkaroon ng anak ng hindi ko man lang nalaman na buntis sya? 

Napaka-imposible naman na nagkaroon sya ng relasyon sa iba noong kami pa lang! She will never do that to me! Or would she? 

Iniyugyog ko ang ulo ko. I should never doubt her. Alam ko, at ramdam ko na mahal na mahal namin ang isa't isa kahit na noong bandang huli ay naging busy ako sa trabaho. But no... Ysabelle will never do that to me. IMPOSIBLE! Malakas din ang kutob ko na anak ko si Clyde. Kahit na hindi ko pa nakikita ang resulta ng DNA test ay ramdam ko na ako ang ama ng bata. 

Kailangang maibalik na ang alaala ni Ysabelle. Nakakulong sa isip nya ang napakaraming sagot sa mga katanungan. At kung mamaalala nya ang lahat, ay hindi na ako mahihirapan pang suyuin sya. Pero kahit na hindi pa nangyayari ito ay gagawin ko ang lahat para lang maibalik ang dati naming mga pinagsamahan. Hindi ako papayag na mawala syang muli sa akin. Hindi ko din hahayaan na humadlang si Aldrin kahit na kapatid ko pa sya. Ysabelle is rightfully mine. 

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Where stories live. Discover now