Chapter 24

23.9K 538 22
                                    

Date uploaded : 1-16-14

AN... Part 1 lang muna... sa susunod na ang karugtong... medyo wala pa ako sa mood magsulat... pagpasensyahan nyo na muna yan. ehehehe

Chapter 24 

Shaun

"Well, well, well. If it isn't the not so Lovely she-devil from the underworld. Mukhang kailangan ko na namang ipatawag ang mga espiritista para palayasin ang mga masasamang espiritu na ikinalat mo na naman sa opisina namin." Nginisian ko sya para maasar sya ng husto. I really hate it when she's around. Alam naman nya na ayoko syang nagpupunta dito, but since he's the girlfriend of the company's CEO, wala akong magawa noong nakaraan. 

Kakarating ko lang sa top floor at nagkasalubong kami ng ex-fiance ng kapatid ko sa elevator. Mabuti naman at mukhang pauwi na sya. I really don't know why she keeps on coming back here. Bakit nga ba nandito na naman sya? Hindi pa ba pinapa-ban si Kuya Spencer iong babaeng ito? Kahit kailan ay hindi na sya magiging parte ng pamilya namin. So, she has no right to be here any longer, kahit pa ba sabihin nyang close sila ni Mama. Ipapaayos ko na ang pag-ban sa kanya dito, effective immediately. 

"Go to hell Shaun!" 

"Sorry, hindi ako tatanggapin doon. I'm too good to be associated with your kind." 

Nanggagalaiti sya sa sobrang pagkainis sa akin at kung makatingin parang gusto nya akong kainin. Kung sabagay, papasa naman talaga syang cannibal.

O baka naman, ginatungan ko lang ang masama na nyang mood? Tinignan ko sya ng mabuti. There's something in her eyes that tells me that she's bothered or something. I know that Spencer had already broken their engagement, but there's something else and I can't put my finger into it. I was intrigued, so I've decided to stick around while she's waiting for the lift. I'll try to torment her some more, para madala na talaga syang pumunta dito. 

"Mabuti naman at nauntog na ang kapatid ko. Hindi talaga pwedeng magkaroon kami ng lahing aswang."

Parang gusto nya akong sugurin pero tinitigan na lang nya ako ng pailalim. 

"I'm warning you Shaun... Kung hindi..." 

"Kung hindi, ano? Ipapakidnap mo din ako katulad ng ginawa mo kay Ysabelle?" 

Nakita ko ang takot sa mga mata nya. Nagulat din ako sa reaction nya. I really don't know anything, I was just baiting her. Pero dahil sa reaksyon na ginawa nya ngayon ay naintriga ako. 

"I don't know what you're talking about. " Mabilis na pagtanggi nya at bigla na lang nagkaroon ng interes sa bag nya na kunwari ay may hinahanap sya. 

"Really. Are you sure? Your face and your actions tells otherwise. "

Itinigil nya ang paghahalungkat sa bag nya at tumingin sa akin ng diretso. Yung mukha nya ay tinanggalan nya ng kahit na anong emosyon.

"Lahat tayo ay hindi alam kung anong nangyari kay Sab. Paano mo nasasabing na-kidnap sya?"

"I have my sources.  " I bluffed. 

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Mabigat na paratang yan Shaun. Hindi ako masamang tayo para pagbintangan mo ng ganyan."

Tahimik kong pinagmasdan si Lovely. She has changed, a lot. She's very far from the girl I used to know. The one that I called friend. Tahimik lang sya dati, mahiyain. Di hamak na mas maingay si Sab compared sa kanya. Sab was everybody's friend when we were in highschool, that's why she was every popular, not only to the guys but to the girls as well. Lovely was satisfied to be the bestfriend of the campus queen until the time that we went to college and he saw my brother. 

Hindi naman sinekreto ni Lovely na may gusto sya sa kuya ko. In fact, she was very vocal about it. Well, every girl in campus does, even Sab.  Kahit na tinatago nya, na-o-obvious ko naman na may pagtingin din sya sa kuya ko noon pa lang, kunwari lang wala. One of the reasons din siguro kung bakit nya tinago sa amin ay dahil patay na patay nga si Lovely kay kuya. At dahil kaibigan ni Sab si Lovely, pinili na lang ni Sab na itago ang nararamdaman nya kay Kuya, until the time that my brother persued Sab. At first, tinatanggihan pa ni Sab si kuya for Lovely's sake, pero noong lumaon, hindi na rin nakayang pigilan ni Sab ang nararamdaman nya kay Kuya. That's the time when Lovely became bitter, at hindi na sya naging tulad ng dati. She even called Sab a traitor. Kung ano ano ang ginawa nya para masira si Sab, she even tried to manipulate our friends to go against her. Pero, syempre, Sab is more credible than Lovely that none of her tactics was successful.

Nakita ko kung paanong nasaktan si Sab sa mga ginawa ni Lovely, pero despite of everything, kaibigan pa din ang turing ni Sab sa kanya. At one time, she even blamed herself kung bakit nagkaganon si Lovely.  

I don't feel sorry for her, kahit na masakit ang pagkakahiwalay nila ni Kuya. My brother was not really meant to be hers. And she's not meant to be an Altamerano. And right now, there's something about her that needs to be investigated. 

"What happened to you Lovely? HIndi ka naman ganyan dati. We used to be friends." 

"Yeah right. Friends? Kayo lang ni Sab ang magkaibigan. Palagi nyo akong ine-eche-pwera." 

"You know that's not true. You we're just so wrapped up being sorry for yourself. "

"'Wag mo na akong sermonan, alam mo namang hindi na tatalab sa 'kin ang mga yan. Alam ng lahat na ako ang naargabyado dito. Inagaw sa 'kin ng magaling mong kaibigan ang fiance ko. And for that, hindi ko sya mapapatawad." 

"He was not meant for you from the very beginning. Alam na alam mo, even from the start, that my brother only has eyes for Ysabelle. There's no room for any other woman in his life." 

She clenched and uncleched her fist. The look on her face is full of rage. That got me into thinking, is she capable of doing something just to get what she wants? Pero hindi e, I know that deep inside, mabait pa din sya. Maski paano, may pinagsamahan sila ni Sab. O kaya ba nya talagang ipa-kidnap si Sab para lang makuha nya sa Spencer? Or am I just reading her wrong?  Shoot! This is so mind boggling!

"Bakit ba palaging si Sab ang kinakampihan mo? I was the one who was cheated. Ako ang tumanggap ng kahihiyan! Ako ang iniwan! And yet, you're taking her side?" She laughed without humor. " You are just so blinded by her charm that in your eyes, she can do no wrong." 

"I will always take her side. You know why? " 

Hindi sya nagsalita. 

"It's because, she is a true friend. She has this so-called 'integrity', that you never had. She will never betray me, like some people I know." 

"She was the one who betrayed me! Alam na alam nya dati na ako ang may gusto kay Spencer. Siguro pinagtatawanan nyo ako noon, ano? Humaling na humaling ako sa kapatid mo, i was so vocal about it, iyon pala, they were already dating! You didn't even had the decency to tell me! Tapos ngayon, inagaw na naman nya sa kin si Spencer for the second time around!" 

"God knows, na mas pinahalagahan ni Sab noon ang pagkakaibigan ninyo. Pinilit nyang iwasan si Spencer for your sake. Kahit ngayon, halos ayaw nyang makipagkita kay Spencer dahil nakatakda kayong ikasal. Pero wala ka nang magagawa, mahal talaga ni Spencer si Sab. And I know that he will do anything to get her back. "

"Not if I can help it! After all that I have done to her, ito pa ang mapapala ko? No! Hindi na ako makakapayag." 

"You have to know when to give up a losing battle.Mas masasaktan ka lang sa ginagawa mo." 

"I don't care!" 

Bumukas na ang elevator at nagmamadali syang pumasok dito. 

"I still have some cards and I will see to it that I will play it right." She said with a sinister face. Nakatitig pa din sya sa akin ng pailalim nang sumarado na ang pinto ng elevator. 

This is bad.

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Where stories live. Discover now