Chapter 17 part 2

32.8K 720 44
                                    

Date uploaded : 12-13-14

Chapter 17 part 2

Francine

Halos mag-iisang oras na kaming nakaabang sa gate ng isang malaking bahay dito sa may bandang Taguig. Walang ilaw sa loob ng bahay kaya sigurado kaming walang tao. Kinatok na rin namin pero walang sumasagot.

'Sigurado ka bang dito nakatira si Kirsten?" Tanong ni Aldrin kay Shaun na kanina pa halos hindi maipinta ang mukha.

"Dadalhin ko ba kayo dito kung hindi ako siguradon dito sya nakatira?! "

"Well, you were also sure that she's working in that company, but it turns out that she doesn't."

Mas lalong nainis si Shuan.

"Oo na oo na. Sige na, naisahan nya ako. I shouldn't have trusted that liar.."

"Ang sakit mo namang magsalita. Baka naman hindi ka mukhang mapagkakatiwalaan kaya hindi nya sinabi sa yo ang totoo. " Hindi ko mapigilan ang sarili kong biruin sya. Nakakatawa kasi sya, parang napaka-big deal sa kanya na naisahan sya ni Kirsten. Parang kahit kelan ay wala pang nakakagawa non sa kanya.

"Sinayang nya ang oras ko."

"Ano ba naman yung ilang minutong pag-iintay? Para namang tatlong araw ang kinuha nya sa 'yo at ganyan na lang kung maghimutok ka. Ano ka ba para kang bata!" binatukan ko sya at tinignan nya ako ng matalim. Pero sa halip na mainis ay napangiti sya.

"Hmmmm.. mukhang unti-unti na talagang bumabalik ka na sa sarili mo a. Marunong ka na ulit mambatok. Dapat talaga ni-record ko yung mga sinabi mo dati at may nalalaman ka pang po! Baka kapag bumalik ka na talaga sa sarili mo, hindi mo na talaga agalang ng tuluyan."

Narealize ko ang ginawa ko at bigla naman akong na-guilty. Palagi ko kasing nakakalimutan na part owner sya ng kompanyang pinag-t-trabahuhan ko. Ang gaan gaan kasi ng loob ko sa kanya.

"Ay SORRY! Nakalimutan kong boss din pala kita! Hindi ka naman kasi mukhang big boss. "

"Sa itsura kong ito, hindi akong mukhang boss? Excuse me sab, lahat ng mga tao kahit hindi namin empleyado, ginagalang ako. And with this face? Nagpapatayan mga babae para lang maka-date ako." He looks at me smugly.

Pinipilit ko na lang yung sarili kong hindi matawa. Ang kulit nya kasi.

"Hindi ka lang pala makamandag, mapanganib pa pala. Delikado palang magkagusto sa 'yo, nagpapatayan!"

Tinignan nya ako ng masama at hindi ko na napigilan ang pagtawa ko.

"Nagka-amnesia ka na nga at lahat, korny ka pa din. You need to practice your sense of humor, para hindi lang ikaw ang tatawa sa sarili mong joke."

"Uyyyyy, napikon."

"I'm anything but that."

"Talaga? Sure ka?"

"Bakit? Parang alam na alam mo a."

Napahinto ako sandali. Oo nga, paano ko nalaman yon? Is it a fact? O feeling ko lang na ganon sya? Nginitian ko na lang sya.

"I'm trying cope up. Gusto ko na ring malaman ang lahat, pero parang may malaking bara sa utak ko na kahit na anong gawin ko ay hindi ko ma-penetrate ang nakakulong na mga alaala. Kaya nga gusto ko na ding ma-meet si Kirsten, baka kapag nakakwentuhan ko sya ay may mga bagay akong malaman tungkol sa mga nakaraan ko. "

Inakbayan nya ako.

"Are you embracing your true self now? Naniniwala ka na ba talaga na ikaw si Ysabelle?"

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Where stories live. Discover now