Chapter 15 part 2

30.6K 642 18
                                    

Chapter 15 part 2

Francine

"I'm sorry about the mess." Nagmamadali si Aldrin na tinanggala ang mga kalat sa malaki nyang lamesa na para bang hiyang hiya siya.

"Ok lang, para lang namang may sumabog na atomic bomb dito. " Tumingin ako sa paligid. malinis naman ang lahat maliban sa lamesa nya. Ako lang kasi ang pinapayagan nyang maki-alam at mag-ayos ng mga gamit nya. Now I really feel guilty. He badly needs my services pero hindi nya ako pinapapasok dahil may mga personal problems ako. Kung sa ibang empleyado yon, baka nasesante at napalitan na.

Nagkamot sya ng ulo and I find it really cute. Parang may pagka-boyish? Palagi kasi syang seryoso dati. Hindi ko naman masisisi, dahil sya ang boss sa branch namin at ang bata pa nya. It's as if he have to prove himself sa mga datihan ng mga boss doon. Kaya palagi syang matured at seryoso for his age kapag nasa opisina sya. It paid off because they all treated him with respect and all praises sa kanya ang lahat ng mga naging ka-trabaho nya. HIndi lang ang mga ka-trabaho nya, kahit ang mga clients ng kompanya ay mataas ang tingin sa kanya. He earned everybody's respect and with that, I am so full of pride for him.

Tinignan ko ang mga nagkalat na mga papel sa lamesa nya at nagsimula na akong i-sort-out ang mga ito.

"Frans, thanks for doing this. Alam kong marami ka pang dapat na ayusin sa buhay mo. But I really appreciate your doing this for me. "

"You don't have to say that. Trabaho ko nga ito, dapat lang na gawin ko to. And Besides, tama lang siguro na i-divert ko muna sa iba ang atensyon ko. I've been so absorbed with myself lately at sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang mga nangyari sa nakaraan ko. Now that you have confirmed that...." Bumuntong hininga muna ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang yakapin ng buong buo ang pagkatao ni Ysabelle, " I am the person they are claiming me to be, well, parang kakailanganin ko muna ng time para talagang matanggap ko ito. I know I have to face my reality sooner or later, but I think that I want it to be later. Everything is going so fast and I want to take it one step at a time. At siguro mapapabuti na rin na ipagpatuloy ko na ang pag-t-trabaho ko para maalis muna sa isip ko ang mga bagay na ito. " Tumingin ako ng diretso ay Aldrin at sana ay makita nya ang pinupunto ng sinasabi ko sa kanya. "So please Aldrin, kung pwede ay hayaan mo na akong pumasok bukas. It will really means a lot to me."

He is lost in thought when he sat down at his chair. Ipinatong nya ang mga siko nya sa lamesa at ipinagdikit nya ang mga kamay nya. A gesture that says that he is in deep thought.

"Ok... sige, you'll start working again tomorrow. Maybe it will benefit us both, cause as you can see..."

Natawa na ako. " Hindi mo na kailangang sabihin at obvious naman. " Natawa na din sya na dahilan para may kakaibang kurot akong naramdaman sa dibdib ko. May nakita din akong kakaibang saya sa mga mata nya, sana nga ay palagi syang ganyan. I always wished that he'll be happy dahil napakadami na nyang pinagdaan sa buhay nya and he deserved to have a break. Maybe the good things in his life are now knocking at his door. He's now the co-CEO of one of the biggest companies in this country and I know that he will sour higher, sa galing ba naman nya.

"Ok so let's go to work? Well, at least for a few hours."

May inabot sa akin na notebook si Aldrin.

"Ano 'to?"

"My 'suppose to be' schedule? Medyo magulo, pwedeng paki-ayos na din?"

Kinuha ko ang notebook at binuksan ito, unang tingin ko pa lang ay parang nahilo na ako! Talk about 'magulo'! Walang sinabi ang iniwang kalat ng Ondoy sa dumi ng mga sulat! Ang daming bura at para kinahig ng milyon miyong sarimanok ang sulat, na para bang palaging nagmamadali ang may-ari ng penmanship nito.

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Where stories live. Discover now