Chapter 25

25.5K 501 22
                                    

Date uploaded - 1-24-15

Chapter 25

Ysabelle

"Ate! Naligaw kayo?" Bungad ni Kirsten ng pagbuksan nya kami ng gate. Mukhang naistorbo namin sya sa pagtulog. Gulo-gulo ang buhok nya at pupungas-pungas. Pero kahit na mukhang kagagaling lang nya sa kama ay makapal pa din ang make-up nya na parang nakalimutan nya itong tanggalin kagabi. I can't deny that she's such a beauty. Para syang modelo kahit na kagigising pa lang.

"Naku, pasensya ka na Kirsten, nagising ka namin. Pasensya ka na sa pang-iistorbo, nawala din sa isip kong tumawag. Sige, babalik na lang kami sa ibang araw."

"Ay hindi!" Hinawakan nya ang braso ko para pigilan akong umalis. "Ok lang. Welcome na welcome ka dito. Bahay mo din naman ito."

"Ok lang talaga? Titignan lang naman namin yung paglilipatan namin, especially yung kwarto ni Clyde. Bibilhan na kasi namin ng mga gamit."

"Oo naman, walang problema. Basta ba pakakainin ako ng kasama mo mamaya sa MCDO."

"Iyon lang naman pala." Sabi ni Aldrin.

"Haaay! Hulog kayo ng langit!. Walang pagkain dito, tinatamad naman akong mamalengke."

Pumasok na kami ng bahay at diretso na kaming tatlo sa 2nd floor kung saan nandon ang mga bedrooms.

"Sige, feel free to roam around. Maliligo lang ako. Usapang matino na pakakainin nyo ako sa MCDO a!"

Natawa lang si Aldrin. Para naman kasing bata si Kirsten.

"Oo naman. Sige, mag-ayos ka na. Lilibutin lang namin itong bahay. "

Humikab pa si Kirsten bago pumasok ng kwarto.

"Baka naman kailangan mo pang matulog. Teka nga, wala ka bang pasok ngayon."

"Kakauwi ko nga lang galing sa trabaho, papasukin mo na ako kaagad?"

"Huh? Anong klaseng overtime yan? Inaabot ka ba talaga ng pagliwanag"

"E ganon talaga e. Ayos lang yon. Importante, may trabaho."

Humikab ulit sya at pumasok na sa kwarto.

"Maybe you should hire another maid. Baka mahirapan dito si Maria. Ang laki ng bahay ninyo. Si Kirsten naman mukhang fastfood girl at mukhang palaging wala sa bahay." Sabi ni Aldrin.

"I don't know, Baka hindi ko na maaford."

Umiling-iling sya. "You're always thinking about those things."

"Of couse I should. It's called budgeting. "

Nginitian nya ako. "And I admire you for that. So don't worry, I'm giving you a raise."

"Naku boss, tataasan mo sweldo ko? Hindi pa nga ako nakakapasok ng matino. Baka malugi na Altamerano Industries nyan!"

"Believe me, we can afford it."

"Talaga lang a... "

We've inspected all the rooms and I've decided to give the master's bedroom to Clyde. Malaki yung kwarto, but I think that I can make some part of it into his study area and library. Mahilig magbasa yung bata at marami na din syang mga libro and I know that those books will accumulate over the years. Yung isang part naman gagawin kong play area nya, para hindi naman puro aral yung bata. Na-e-excite na ako sa kalalabasan ng kwarto ni Clyde, and Aldrin shared my enthusiasm.

"How about your room?"

"Yung kay Clyde na lang muna siguro, may bed na rin naman don, kaya ok na yon."

Kung Ika'y Mawawala [complete!!!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon