Chapter 14

471 9 0
                                    

Chapter 14 

Celebration 

Time flies so past at ganun siguro pag wala kang masyadong iniisip. Well, naging busy dahil nga graduating pero kinakaya naman. And Casper is always there for me. Talagang tinutupad ang sinabi that he will stay. 

"Congrats! Graduate na tayo!" sigaw ko at yumakap sa pinsan ko na nakasimangot lang dahil wala pa si Gray pero sure naman ako na pupunta yun. Sa pagmamahal na meron si Gray sa pinsan ko impossibleng hindi yun magpunta. 

But I know Zaira is happy that she hug us so tight kaya napangiti na lang ako. At tama nga ako dahil dumating si Gray na may dalang flowers para kay Zaira kaya mas lalo akong natuwa. Gray is only my cousins happiness at hindi ko alam kung anong pwedeng maramdaman ni Zaira if Gray will never be in her side. 

I can say that I can give up my happiness for my cousin? Kaya ko yun wag lang siyang makitang masaktan. She is too precious to me. 

"Eya!" Napapikit na lang ako dahil sa taong narinig kong sumigaw. Casper is a big help to me nitong nagdaang buwan talaga dahil pag talagang stress na ako sa mga last requirements na kailangan ipasa nandiyan siya to cheer me up pero dadating pa din naman sa point na maiinis ka na lang sa presence niya. 

Pero ako naman kasi ang laging nasa The Typicals kaya ako din may kasalanan. I just find it fun knowing many people. Hindi man ganun kalalim like my other friends but at least I started to know people. Nagulat pa nga si Renzo na madalas ako sa The Typicals pero wala na din naman siyang sinabi and he just said na nandiyan naman daw si Casper to guard me. 

Pero si Casper halos hindi ko mahagilap sa The Typicals yan pag nandoon ako dahil kung saan saan napupunta at buti na lang may mga nakilala naman na ako kaya kahit papano pag nandoon ako may kausap ako. 

"Wag ka nga sumigaw!" sabi ko ng makalapit siya sa'min pero nawala din naman yung pagkasimangot ng mukha ko ng makitang may hawak siyang flowers kaya tumingin ako sa kanya na halatang nagulat dahil sa sinabi ko ng makalapit siya. 

"Akala ko kasi late na ako." sabi niya and of course Drake and Kuya Zairon is here. Isama mo na si Gray na alam kong wala ng pakialam dahil na kay Zai na ang atensyon. 

"At hindi ka pa talaga late sa lagay na yan, napakatalino mo pre!" sabi ni Drake. 

"Late ka na talaga, gago! Tapos na graduation oh!" sabi ni Kuya Zairon at napakamot naman sa noo niya si Casper at natawa na lang ako at kinuha yung flowers na dala niya. 

"Thank you." sabi ko at nginitian siya. Alam ko naman kasi na malilate siya dahil may inasikaso pa siya pero sinabi niya naman kasi na hahabol siya kaya naintindihan ko naman and after all hindi niya naman responsibilidad na umattend dahil alam ko naman na meron siyang sariling buhay niya. 

"Congrats! Dahil diyan hahayaan kitang saktan ako today." sabi niya na ikinatawa ko at mabilis siyang binatukan at mabilis naman siyang umaray. 

Ewan ko ba pag nakikita ko si Casper parang lagi niyang ang sarap saktan. Dahil siguro siya ang lagi kong kasama pero nakakasama ko din naman yung girls madalas dahil graduating din naman sila. 

I look at Drake at mukhang okay naman siya pero anong akala niya sa'min ni Zai walang alam! We already know what's between him and Hannah. Nagulat na lang kasi kami na makitang umiiyak si Hannah sa cafe malapit sa RU at ayaw malaman ni Drake na umiiyak siya. 

She explained everything at doon din namin nalaman na siya yung babaeng playgirl na pinang aasar kay Drake nila Casper and also Gray knows it. 

Pero ang alam ko iniiwasan niya si Hannah at hindi na lang kami nakialam ni Zai because it's their own story. Papasok lang siguro kami sa eksena pag dapat na kaming pumasok. Hindi kami manghihimasok. 

Stay With Me Then (Then Series #4)Where stories live. Discover now