Chapter 43

495 11 0
                                    

Chapter 43 

Coming Back 

A week had passed after that Boracay trip at talagang hindi ko pinapansin ni Austin. And ang mas nakakasakit pa is hindi siya pumunta ng dinner noong birthday namin ni Renz habang yung pamilya at kabanda niya nandoon. 

Hindi na ako nagtanong pa kung bakit wala siya dahil baka masaktan lang ako sa magiging dahilan niya. Mas mabuti ng hindi ko alam. 

"Pupunta ka talaga?" tanong ni Renzo sa'kin. We are on our way to The Typicals kasi they are gonna perform at nandoon silang lahat. 

"Yes, manonood lang ako." I said at tiningnan niya naman ako like I said something wrong. 

"Then?" 

"Aalis na ako, alam ko namang ayaw niya akong makita." I said at umiling na lang siya sa'kin. 

And just like my plan nanood lang ako ng performance nila at nakiupo lang sa table nila at nang nakita kong pabalik na sila dito 

"Alis na ako ah." paalam ko sa kanila at parang lahat naman sila nagtaka. Pero hindi pa man ako nakakalayo ng marinig ko na si Austin. 

"Mahal ko 'e." Yun ang narinig kong sinabi niya kaya napalingon ako sa kanya. And I saw him looking at me. 

Shock is written in my face pero siya din ang unang umiwas ng tingin sa'ming dalawa. 

"Sino ba?" tanong ng isa sa kasama namin but Austin just shrugged at dinaanan lang ako. 

"Seriously, Casper Austin Villanueva... Alis na ako." sabi ko sa kanila ta umalis na lang. 

Napakagulo niya talaga! Yung gagawa siya ng kilos na hindi ko maintindihan kasi mas lalo kong hindi malaman kung paano siya kakausapin. Ang dami ko ng nakahandang sasabihin. 

Yun na lang talaga problema ko ngayon 'e. Yung kung paano ko siya haharapin at kakausapin dahil siya ang unang umiiwas sa'ming dalawa. 

Lumipas ang dalawang linggo na talagang bahay at hotel lang ang routine ko at si Zaira naman mukhang ganun din ang ginagawa dahil hanggang ngayon hindi pa din sila ayos ni Gray. Ewan ko lang ano na plano niya. 

In short kaming magpinsan parehas may problema sa dalawang member ng The Typicals.

Nandito ako ngayon sa dating condo namin ni Zai at kasama ko yung tatlo at talagang inaasar lang namin si Zai para makipag ayos naman na siya kay Gray dahil mukhang inaantay lang naman siya nung tao. After our hangouts umuwi na din ako dahil wala naman na akong gagawin dahil si Hannah may date si Irene may lakad kami lang ni Zai ang wala. 

 I receive a message from Liam na puntahan ko daw siya at nang tinanong ko kung saan at sinabi niya nasa Typicals daw siya. 

Seryoso siya diyan? Papupuntahin niya ako doon? Dalawang linggo na nga akong umiiwas sa lugar na yun. Wala na akong nagawa ng sabihin niya na mag-isa lang siya at hindi niya na daw kaya magdrive dahil medyo hilo na daw siya. 

Nagpahatid na lang ako sa driver dahil mukhang ako ang magmamaneho ng kotse ni Liam. Ang plano ko hahatakin ko lang siya doon palabas para hindi na ako makita ni Austin. Dahil masasaktan na naman ako sa pag-iwas niya. 

Pero kung makita ko lang talaga na kaya niya na akong harapin sasabihin ko na yung mga hinanda kong sabihin sa kanya. I am just waiting for him na wag akong iwasan pag nakita niya ako sa harap niya. 

When I enter The Typicals talagang hindi ko na maiiwasan ang walang makasalubong na kakilala kaya binabati ko na din sila hanggang sa makita ko na sa isang table si Liam na nag-iisa. 

Stay With Me Then (Then Series #4)Where stories live. Discover now