Chapter 8

489 12 0
                                    

Chapter 8 

The Typicals

"Raffy, alam mo ba nagresearch ako, hindi daw maganda laging nagsusungit mabilis daw tumatanda yun. Gusto mo ba yun?" Napapikit na lang ako at pilit kinakalma yung sarili ko. 

Masasabi ko na nasusubok yung patience ko habang nandito siya. Wala siyang ibang ginawa kung hindi asarin ako hanggang sa hindi ako naiinis sa kanya. Natatawa na nga lang si Zaira sa'min at sinasabi na nagiging close na daw kami. The fuck? 

Hindi ba alam ni Zaira na todo iwas ako kay Casper pero si kupal hindi ako tinitigilan. He's really persistent na maging kaclose ako. Kaya habang tumatagal mas tinitibayan ko yung harang ko sa sarili ko. 

"Tigilan mo muna ako please!" Frustrate na frustrate na sabi ko. Mas gusto ko talagang wala sila dito. I heard na nagpapractice daw sila because my great great cousin nagrequest na magperform sila Gray. 

Wala naman akong pakialam doon. Talagang naiinis lang ako dahil pag nandito si Casper hindi niya ako tinitigilan ng pang-aasar. Minsan nga hindi na ako makapagantay na mag umaga dahil alam ko na kinabukasan wala na naman siya dahil may practice sila. 

"Titigilan kita pag payag kang maging kaibigan ko." he said at tiningnan ko naman siya ng masama at ngumiti lang siya sa'kin. Ang sabi ko bagay sa kanya laging nakangiti ngayon binabawi ko. It's frustrating me so bad. 

Pag naiinis ako all he will do is to smile na talagang nagpapakulo ng dugo ko. 

"Sa ayoko nga e!" sabi ko sa kanya pero umiling lang siya. "Why do you want to be my friend so bad? You have so many friends!" sabi ko dahil yun namang ang totoo. 

May mga kabanda siya at siguro naman dahil may ari siya ng bar marami na siyang kakilala he don't need a girl like me as his friend. Idagdag pa yung mga pinsan at kakambal ko hindi pa ba sapat sa kanya yun na kailangan niya pa ng bago?! 

"Because you're different!" Pinagpapasalamat ko na nasa likod kami ng bahay kaya walang makakarinig ng sigawan naming dalawa. Mamaya ano pa isipin nila. 

"Anong pinagkaiba ko sa kanila?" tanong ko sa kanya at parang wala naman siyang masagot dun. "See? Wala akong pinagkaiba sa mga kaibigan mo. Makuntento ka na lang sa kanila stop asking me to be your friend. Dahil I'm telling you. I don't need a new friend in my life." I said while looking straight to his eyes. 

Wala naman akong mabasa na kahit ano sa mga mata niya at parang wala din siyang masabi. Akala ko wala na talaga siya masasabi pero meron pa pala. 

"But I need a new one, a friend like you!" Napapikit naman ako. I don't really understand him. 

"Bakit nga? Hindi ko talaga maintindihan ang logic mo kung bakit ba kailangan mo pa ng bagong kaibigan!" sabi ko sa kanya. 

"Because you're different from them, you make me want to stay with you not like to the other friends I have. Kaya ko silang hindi pansinin but when it comes to you it's different." Natigilan naman ako at wala ng masabi hanggang sa iwan niya na akong mag-isa dito. 

What is he saying? 

Hindi ko na lang inisip pa yung sinabi niya at bumalik na lang sa kwarto ko. This is the first time na makita ko siyang magsalita na ang seryoso ng mukha. He always look so playful pag kinakausap ako pero nung sinabi niya yun he's expression become different. 

So different...  

I woke up late kahit na maaga naman akong nakatulog kagabi. Nakita ko pa nga kagabi na nasa sala silang lahat pero hindi ko na lang sila pinansin at sinabing gusto ko ng matulog. Lalo na at nandoon din si Casper. Ako na lang ang umiwas. 

Stay With Me Then (Then Series #4)Kde žijí příběhy. Začni objevovat