Chapter 4

533 10 1
                                    

Chapter 4 

Kissed 

I am just smiling while looking at Zaira. She look happy now. Hindi katulad nang nagdaang buwan na hindi mo maintindihan kung anong nararamdaman niya. Seeing her smiling because of Gray it makes me feel at peace. And I won't stop it. 

Bakit ko naman pipigilan kasiyahan ng pinsan slash bestfriend ko. Pero sana lang talaga wag dumating sa point na makita kong masaktan na naman si Zaira dahil hindi ko na talaga alam gagawin ko. 

Just seeing them happy is enough for me. 

I'm on my way home now after hanging out with my friends. Mom call me to come home kahit gusto ko na lang magstay sa condo dahil nakakatamad pa umuwi but I don't have a choice. While busy driving napatingin ako sa labas and a bar caught my attention. 

The Typicals

If I'm not mistaken that is Casper's bar. Narinig ko lang I didn't stalk him for god's sake. The name is weird but damn it. It's making me curious again. The feeling that I want to know everything about him. 

Ganun nararamdaman ko ngayon but I don't like him. He just caught my attention in different way. May something sa kanya na gusto kong malaman. And I don't like this feeling dahil hindi ako ganito. 

I work hard to build the barrier in myself and I will not someone like him ruin it. At hindi ko hahayaan na magpatuloy pa 'tong curiosity na nararamdaman ko because this will not do me good. 

Inalis ko na yung tingin ko doon and just decided to go home at saktong paguwi ko they are already eating dinner. 

"Come on, sweetie. Let's eat." Mom said kaya ngumiti ako bago umupo sa tabi niya. 

I look at my twin brother at parang gusto ko siyang batuhin ng kutsara dahil kahit nasa lamesa nag-aaral siya. My god. He have his Ipad with him at my pen pa. Umirap na lang ako dahil baka mag away pa kami pag pinakialaman ko. 

"Mommy, hindi niyo ba sasawayin yan?" bulong ko kay Mommy at tumawa muna siya bago umiling. 

"Mapipigilan mo ba yan?" balik na tanong sa'kin at umiling din ako. 

Kumain na lang ako at hindi na lang tiningnan si Renzo dahil naiirita lang ako. Ewan ko ba bakit ba naging magkakambal kaming dalawa. 

Mukhang mas mapagkakamalan pa nga na kambal si Kuya Zairon and Zaira kaysa sa'min. Paano ba naman napakalayo talaga ng ugali namin ni Renzo at sobrang tahimik at sungit pa not like Kuya Zairon na talagang open. 

But I understand it dahil ganyan talaga yan si Renzo, he's not open, he's more into actions. 

Matutulog na sana ako ng marinig ko na nagbukas yung kwarto ni Renzo na nasa tabi lang ng kwarto ko kaya mabilis akong lumabas ng kwarto ko at sinilip siya. 

"Saan ka punta?" tanong ko sa kaniya. 

"Nagpapasama si Drake." Yun lang ang sinabi niya at tinalikuran na ako. Ewan ko ba diyan kay Drake dinadamay pa kambal ko sa kagaguhan niya. Buti na lang hindi naman nahahawa sa kanya si Renzo kahit na sila ang madalas magkasama. 

Nawala na yung antok ko at naisipan ko na lang magbukas ng IG at napangiti ako ng makita ko yung story ni Gray. It's a picture of Zaira. Hindi na ako magugulat kung sila na. Nagtaka nga ako bakit pa nagpaligaw magaling kong pinsan e halata namang gusto niya ng maging boyfriend si Gray but it's her decision I should respect it. 

Nakafollow ako kay Gray because of curiosity kaya hindi naman siguro masama kung ichecheck ko din IG niya di'ba? Instagram lang naman hindi naman lahat ng social media accounts niya kaya hindi yun stalking. 

Stay With Me Then (Then Series #4)Where stories live. Discover now