Chapter 42

500 11 0
                                    

Chapter 42 

Partners 

"Austin," I called him but he excuse himself. Everyone is looking at me at mukhang nararamdaman na yung awkwardness kaya bumalik na lang sila sa dati at nag-usap. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila habang yung mga mata ay hinahanap si Austin. 

And I saw him sa table ng mga babaeng hindi ko kilala. Natawa na lang ako. Dinaan ko na lang sa tawa yung nangyayari. 

"Okay ka lang?" tanong ni Ate Chloe at ngumiti naman ako sa kanya. 

"Hoy, Casper!" sigaw ni Drake at mukhang nakita naman niya na tinatawag siya kaya lumapit siya. I look at Drake and he is looking at me and sinamaan ko naman siya ng tingin. 

Lumapit si Austin at akala ko kung anong sasabihin ni Drake pero nanghingi lang ng inumin. Tangina? Kinabahan ako na baka ano ang sabihin niya kay Austin. 

Tumayo na lang ako at nagpaalam na pupunta ng washroom pero hindi pa man ako nakakatatlong hakbang may nakasalubong na ako kaya nahulog ang shot glass na hawak niya na naging dahilan ng pagkatapilok ko

"Raffy!"sigaw nila dahil matutumba na sana ako nang may humawak sa bewang ko. 

Dahil kung hindi niya gagawin yun mapapaluhod ako sa shot glass na nabasag at nakadress lang ako ngayon natapilok kasi ako nang mabunggo niya ako. 

"Sorry, oh my god." she is not a filipino dahil mukha siyang taga ibang bansa. 

Tiningnan ko yung taong nakahawak sa bewang ko and it's Austin. 

"It's okay." sabi ko at mukhang napanatag naman siya at umalis na. 

"Saan ka ba kasi pupunta?" tanong niya sa'kin with his serious face. 

"Washroom lang," I said at binitawan niya na ako at nilapag na yung hawak niyang whiskey sa lamesa namin. 

Nagpunta ako ng washroom at doon ko napansin yung paa ko na may dugo dahil mukhang natalsikan nung nabasag kanina pero parang cut lang naman siya pero kita siya sa pointed heels na suot ko. 

"Ouch!" I said ng hawakan ko dahil ang hapdi. Bahala na wala namang makakita at madilim. Paglabas ko ng wash room nagulat ako ng biglang may humila sa'kin at dinala ako sa parte ng bar na wala masyadong tao. 

"Austin!" tawag ko sa kanya pero pinaupo niya lang ako at lumuhod sa harap ko at may nilagay sa cut na nasa paa ko bago niya lagyan ng band aid at ako nakatitig lang sa kanya. 

He still care...

Magsasalita na sana ako pero hindi ko na nagawa ng tumayo na siya at umalis. I just sigh heavily while watching him walking. Bumalik na lang ako sa table namin at nakita kong nandoon na din siya katabi ni Gray kaya bumalik na lang ako sa upuan ko kanina. 

Pinalinis niya na ata yung nabasag kaya wala na. Well kailangan naman talaga dahil baka may madisgrasya pa. 

Natapos ang gabi na talagang hindi ako pinapansin ni Austin kahit ang sulyapan ako wala. At hindi ko din naman alam kung paano siya kakausapin. 

Kahit na gustong gusto ko ng ayusin ang meron kami hindi ko naman alam kung paano siya aaproach knowing na galit siya sa'kin at ayaw niya na. He told me to stay away from him. Pero mukhang hindi ko na kailangang gawin dahil siya na ang kusang gumagawa ng paraan para mawala ako sa paningin niya. 

Nasa loob ako ng office ko ng magulat ako ng biglang dumating si Liam. Ito na naman siya! Ano na naman kaya ang kailangan niya. 

"Raffy, can you go with me?" tanong niya agad sa'kin ng makalapit siya sa table ko. 

Stay With Me Then (Then Series #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora