Chapter 48

599 9 0
                                    

Chapter 48 

Double Date 

"Boss, breaktime muna ako." Rinig kong sabi ni Erik at yung mata ko nasa babae pa ding mukhang gulat na makita ako. 

"Anong breaktime? Wala kang breaktime, gago!" Rinig kong sabi ni Austin. 

"Casper," tawag ko. 

"Yes, my Eya?" Siinamaan ko siya ng tingin at nakita kong napalunok lang siya. 

I look at the flirt in front of me at tinaasan ko siya ng kilay at nakita ko naman kung paano siya matakot doon at mabilis ng umalis at nakita ko siyang pumunta sa isang table. May mga kasama naman at may table sila sa bar counter pa naisipan lumandi at talagang yung akin pa. 

Nilingon ko si Austin na nakatingin lang sa'kin at nakatayo pa siya ng diretso. 

"Promise, Eya. Wala akong ginagawa." he said at tinaas pa yung dalawang kamay niya na parang sinasabing nagsasabi talaga siya ng totoo. 

Alam ko naman yun at hindi niya na kailangan sabihin sa'kin yun dahil alam ko naman ang nangyari. Ang kasalanan niya lang talaga ay yung nakangiti niyang mukha. Kaya nagkaroon ng lakas ng loob yung babaeng yun na landiin siya dahil alam niyang Austin will still respect her. 

"Really? Ano yung sinabi ko sayo?" tanong ko sa kanya at mukhang nag-isip pa siya. 

"Alin doon?" he ask at napanganga naman ako. 

"I told you not to be friendly! Lalo na sa mga babae. Just what the heck Austin isang ngiti mo lang sa babae talagang mahuhulog sa'yo!" sabi ko sa kaniya at imbes na matakot sa'kin nginitian niya pa ako. "Anong nakakangiti sa sinabi ko?" tanong ko sa kanya. 

"So, inamin mo na din, isa sa dahilan bakit ka nahulog sa'kin dahil sa ngiti ko." he said at inirapan ko naman siya. 

Of course it is. Una pa lang naman hindi na mawala sa isip ko yung ngiti na binibigay niya sa tao. Hindi ko na itatanggi yun dahil isa din naman yun sa magiging dahilan bakit mo mamahalin at magugustuhan ang isang Casper Austin because his smile will gave you so many butterflies in your stomach and will really comfort you. 

Talagang hindi mo makakalimutan. 

"Wag ka mag-alala Eya, nahulog naman ako sayo dahil sa kasungitan mo 'e." he said at kinuha ko yung shot glass na nakapatong sa gilid ko at tinakot na ibabato ko sa kanya kaya napaiwas agad siya. 

"Mahal ang shot glass bakit ko ibabato sayo," I said at parang hindi pa din siya makapaniwala doom. 

"Eya naman 'e. Mas mahal naman kita kaysa sa shot glass na yan." he said kaya napangiwi na lang ako. 

"Ang tamis mga boss, hindi na makalapit sa inyo mga gustong uminom." Erik said na kakarating lang at nag-umpisa ng magtimpla ng drinks. 

"Last day mo na yan." Austin said at kinuha yung kamay ko at hinila ako paalis. 

"Boss naman, joke lang 'e!" sigaw ni Erik pero hindi na siya pinansin ni Austin at tuloy tuloy lang paghatak sa'kin. 

Hinatak na ako ni Austin paakyat ng second floor at pumasok kami sa isang VIP room and I was shock to see Hannah and Drake there. 

"Favorite place niyo ba talaga ang bar?" tanong ko sa kanila at natawa naman silang dalawa doon. I look at Austin at parang gusto kong matawa when he avoided my eyes. 

"Bakit parang may ginawa kang masama, Casper?" tanong ni Drake at umiling na lang ako at umupo. 

"Wala akong ginagawa!" pagrereklamo niya. 

Stay With Me Then (Then Series #4)Where stories live. Discover now