Chapter 33

399 10 0
                                    

Chapter 33

Fight

Isang linggo ang lumipas na bahay at hotel ang routine ko minsan nga hindi na ako umuuwi at sa hotel na lang natutulog dahil tuwing nagkakasalubong kami ng kakambal ko sa bahay parang may gusto siyang sabihin na ayaw ko naman marinig.

Ano ba sasabihin niya? About Austin's girl? Wala na akong pakialam doon because he knew he have my support dahil umpisa pa lang yun na ang role ko dito. Hindi ko lang alam kung matupad niya yung sa kanya.

Because I can feel him slowly staying away from me.

Pero dahil sa nangyayari sa'min nakakatulong yun na mawala yungnararamdaman ko para sa kanya. At doon ko sinabi sa sarili ko na pag wala na baka kaya ko ng harapin na siya. But every time I will think about that moment parang ang sakit. Ganun pa din yung nararamdaman ko parang hindi nagbabago.

"Ano, hindi ka na naman uuwi?" Napatingin ako sa screen ng laptop ko kung nasaan kausap ko si Zaira na mukhang nasa office niya din at may ginagawa.

Si Zaira lang ang nakakaalam ng ginagawa ko dahil sa kanya ko lang naman nakwento ang lahat bago ako umuwi. Hindi siya nagsalita at sinabi niya lang na naiintindihan niya ako at wala siyang maisip na sabihin at humanda na lang daw ako pag may naisip na siya.

"Uuwi, magagalit na sa'kin si Mommy at baka dito na ako sa hotel patirahin." I said at natawa naman siya sa sinabi ko. Tumawag kasi si Mommy kanina at pinapauwi ako dahil hindi na daw kami nagkakasabay kumain kaya wala akong choice talagang uuwi ako ng maaga today.

"You know what Raffy, feeling ko hindi na mawawala yan 'e. But if you really want to stay with him ang pwede mo lang gawin ay magpanggap. Pretend that you don't have that kind of feelings for him. Yun nga lang ikaw ang masasaktan." she said while busy reading something at nang hindi ako sumagot doon lang siya tumingin sa screen at binaba yung binabasa niya.

"Dahil ayaw mo namang tanggapin 'e. But you want to stay as his friend at yun lang ang tamang gawin. Yun lang ang naisip kong gawin mo. But it's not bad to try" she said and smile at me and napaisip naman ako sa sinabi niya.

How would I? Baka pag nakita ko lang siya na may kasamang babae hindi ko na agad kayanin. But I can't admit to myself that already fall kahit na napapansin ko na din naman yun sa mga kilos ko at alam ko na yun. I know myself more than anyone else at alam ko din yung nararamdaman ko para sa kanya but I choose to ignore it at hindi ko tinatanggap.

Kaya pinipilit ko yung sarili ko na lumayo sa kanya umaasa na baka mawala din. Baka infatuation lang. Baka mabilis lang at mawala din. I am trying pero it feels like I am just fighting with myself.

"Think about it, Raffy." Zai said at binaba na yung call. Ilang oras lang akong tulala at nag-iisip ng maisipan ko ng umuwi dahil tumatawag na sa'kin si Mommy.

Mabilis lang akong nakarating ng bahay but what caught my attention is a two familiar car na nakapark sa harap ng bahay namin. Kotse ni Casper at Calix.

"Should I stay at the hotel?" bulong ko sa sarili ko pero mabilis din naman akong umiling doon dahil talagang magagalit na sa'kin si Mommy kaya wala akong choice kung hindi lumabas ng kotse ko at pumasok ng bahay namin.

Walang tao sa sala at mukhang tahimik din naman yung dining.

"Umuwi ka nga, they are at the pool area." Biglang pagsulpot ng kakambal ko na kakababa pa lang.

"Hindi ko tinatanong." Masungit na sabi ko at tinawanan naman ako ng loko.

"Pati ba naman ako na kakambal mo iiwasan mo? For what? Scared that I might tell you something? Don't worry I will not say anything that will hurt you. Remember I love you." he said at iniwan na ako mag isa at nauna na sa pool area kaya wala na akong choice kung hindi sumunod na lang din kung nasaan sila.

Stay With Me Then (Then Series #4)Where stories live. Discover now