Chapter 5

569 14 1
                                    

Chapter 5 

Awkward 

I'm hoping that Casper and I will not cross path again even if I know that it's too impossible. He's close to the people around me and he is living at the same condo us ours. And kaibigan siya ni Kuya Zairon and Gray na boyfriend ni Zaira. 

Kaya paano hindi magkukrus ang landas namin sa palagay na yun? After what happen between us hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko pag nagkita kaming dalawa. 

Todo iwas at tingin pa nga ako sa paligid ko pag aalis ng condo dahil mamaya nandiyan siya. What a life! 

Mas okay ng mahirapan umiwas kaysa magkrus landas namin. I can't take the awkwardness yet. 

I'm just watching a KDrama at netflix habang inaantay yung apat. May usapan kasi kami ng hangout ngayon dahil nga ilang linggo din kami hindi magkikita because Zaira and I will go to New York para doon magcelebrate ng Christmas until New Year. Kaya we free our schedule para dito. 

Wala naman na akong gagawin dahil may mga pagkain naman na stocks diyan at baka bumili din yun si Zaira dahil papunta pa lang yun dito sa condo dahil dun siya sa bahay nila natulog. Hindi ko nga alam paano niya napapayag si Gray na payagan siya ngayon knowing na flight namin the next day. They should be spending time together. 

Pero ano naman magagawa kung kami na ang pinag uusapan?  

Busy ako sa panonood ng bigla na lang may humarang sa TV at ang nakakainis pa dun na sa thrilling part pa siya humarang. Ang intense na ng nangyayari e. I am watching W ang pogi kasi ni Lee Jong Suk. 

"Ate Chloe naman e! Nanood ako e." reklamo ko sa taong humarang sa TV. Napaka aga niya naman kasi. Kaya nga ang sarap pa ng buhay ko dito dahil akala ko late sila e. 

"Bakit ba ang aga mo dito?"  kunot noong tanong ko sa kanya at tinawanan niya lang ako kahit naiinis na ako. Ayoko pa naman talaga na nagagambala panonood ko. 

Kung si Renzo ayaw maiistorbo pag nagbabasa ako naman pag nanonod yun lang ang pinagkapareho namin ni Renzo syempre bukod sa birthday at kaunting pagkakahawig ng features namin of course we're twins. 

"Seryoso, Raffy? Akala ko nagluto ka?" tanong ni Zaira sa'kin kaya inirapan ko naman siya. 

"Nakakatamad magluto okay? At umaasa ako na may dala kayo. Yun pala wala!" sabi ko sa kanya kaya hindi na siya nakapagsalita dahil tama naman ako. Dapat bumili na sila ng makakain lalo na at magkasama pa sila na dumating ni Ate Chloe papunta dito. 

"Magpadeliver na lang, jusko naman kayo!" sabi ni Ate Chloe kaya yun na nga ang ginawa namin. 

Inaantay na lang namin na dumating si Hannah at Irene dahil mamaya pa naman kasi talaga ang usapan namin pero napaka aga nga dalawa dito. Kaya nga ang lakas pa ng loob ko na manood ng KDrama dahil buong akala ko mamaya pa ang dating nila. 

"What?" Napatingin kami kay Zai ng bigla siyang sumigaw. Nanonood lang kami tapos bigla siyang sumigaw at buti na lang hindi horror ang pinapanood namin my god! 

"Nasa office si Kuya di'ba? Bakit pupunta siya kay Casper?" Hindi pa maprocess ng utak ko pero mabilis ko din namang nagets. Lalo ng ng mabanggit yung pangalan ni Casper! 

"Yes, dito nakatira si Casper di'ba? Hindi ko alam gagawin nila basta sabi ni Gray pupunta daw siya kay Casper kasama sila Drake at Kuya pati ang kambal mo." Napanganga naman ako. 

"What the freak!" Inis na sigaw ko. Ano bang trip nila? Ay mali, ano ba ang trip ng tadhana at bakit kailangang mangayri 'to. 

Bakit nga ba ako nagkakaganito kahit na sa condo naman ni Casper ang punta nila? Dahil kilala ko si Drake alam kong pupunta yun dito ang manggugulo lalo na at kasama pa si Gray at nandito si Zaira. 

Stay With Me Then (Then Series #4)Where stories live. Discover now