Chapter 4

1.7K 51 1
                                    

London Heathrow airport

Kalalapag palang ng eroplanong sinasakyan ko dito sa London ng matanaw ko ang mga magulang ko na kinakausap ang asawa ni Drake. Hindi nga nagkamali ang private investigator sa report na ibinigay niya sa'kin.

Nagtatawanan at nagkakasiyahan pa silang lahat habang papalabas ng airport, kung hindi ako nagkakamali, si Lia ang inatasang sumundo sa pamilya ko dito sa airport. Hindi naman siguro nila mahahalata na sinusundan ko sila, hindi ba?

"Lia, kamusta naman kayo dito ng mga bata? Hindi naman siguro sila masyadong nagiging makulit ano?" Natatawang tanong ni mommy.

"Wag po kayong mag-alala, mom. The kids are really responsible, especially H and Y. Pagdating ninyo sa bahay baka hindi na ninyo makilala." Lia said with a chuckle

"Mag-iilang taon na nga sila H at Y ngayong buwan?" Tanong naman ni Karisha na abala sa kanyang cellphone.

"The twins are turning three this May 28. Busy na nga ang mommy nila sa paghahanap ng pina-pabili ng dalawa."

Rinig na rinig ko ang usapan nila, marami pang napagkuwentuhan sila mommy, Karisha at Lia habang nakatayo lang sa likuran nila si dad at walang imik. Patuloy ko parin silang sinusundan ng tingin nang bigla nalang tumunog ang cellphone ko.

"Hello Alec! Asan ka?" Bulyaw ni Drake sa kabilang linya.

"Sinusundan ang asawa mo. Pwede ba Drake, tigil-tigilan mo kakasigaw mo. Nagmumukha kang bakla."

Rinig ko ang sunod-sunod niyang mura bago bumuntong hininga. Kung katabi ko lang talaga ang pinsan kong 'to kanina ko pa sinapak ang pagmumukha nito. Siguradong nakailang balik na ito sa bahay at opisina bago ako naisipang tawagan o kung hindi man ay napagdiskitahan muna nito ang kawawa kong sekretarya bago nito nalamang umalis ako ng bansa.

"Gago ka talaga Alec. Umalis ka pala ng Pilipinas, bakit hindi mo ako sinama."

"May pagkakaiba ba kung isasama kita. Ang tanga mo rin talaga ano, sino ang mamamahala sa kompanya kapag sinama kita. Wag ka nang mag-inarte diyan at hintayin mo ang magandang balita."

Napairap nalang ako ng bababaan ako nito ng tawag. Stupid, Drake. Walang kwentang kausap. Nilibot ko ang paningin sa labas ng airport, nagbabakasakaling makita ko kung saan pumunta sila Lia. Ngunit, pagminamalas ka nga naman. Hindi ko na sila nasundan. Kung nandito lang talaga ang pinsan ko sa tabi ko, hahabulin ko talaga yun ng itak.

Isang linggo na akong nandito sa London, nalibot ko na ang mga sikat na tourist attraction dito. Habang naglilibot ako ay makailang ulit ko nang nakita si Hannah sa mga billboards at advertisements, pati na rin sa dyaryo. Mukhang naging maayos ang buhay niya ng umalis siya ng Pilipinas. I mentally laugh. Ang tanga ko talaga.

Puno ng pagsisising nakatingin ako sa mala anghel niyang mukha. Namimiss ko na ang magagandang ngiti niya. Alam ko na ang address niya, pero wala na akong lakas ng loob na makipagkita sa kanya. Wala akong lakas ng loob para harapin pa siya.

"Sir, there's someone that would like to meet you." Nakangiting sabi ng staff na dinala ko dito para may maglinis ng apartment na tinutuluyan ko.

"Let them in. You can already go if you're done with your job." Walang gana kong sabi habang nakatutok parin ang paningin sa magazine na si Hannah ang nakafeature.

"Ehem..." tikhim ng isang batang sa tantiya niya ay naglalaro ang edad sa dalawa hanggang tatlong taong gulang.

"Hi there!" Bati ko dito.

For some reasons I felt connected to this child, medyo pamilyar din ang itsura nito sa akin, pero hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita.

"Goodmorning mister, I'm Y Anderson. Son of Hannahria Crystalline Carson. I would like to talk to you." Seryosong sabi nito.

I nodded and guide him to my study room. Nakaupo ako sa likod ng aking mesa habang nakaupo naman siya sa may visitors chair.

"Umm, what do you want to talk about?" I asked knowing that he only came here to know something from me.

"What did you do to make mommy leave? Daddy..." Mahinang usal nito habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. "What happened to the both of you? What happened to our family."

Nang una ay nagulat pa ako sa itinawag niya sa akin pero hinayaan ko nalang rin sa huli. Buntis si Hannah ng umalis siya ng bansa at malaki ang chance na si Y ang anak naming dalawa. I silently and mentally slap my self for not knowing right away that he is my son, as for his question yun rin ang gusto kong itanong sa sarili ko, what happened to our family indeed.

"Why don't you stay for dinner child, I can tell you everything in my point of view. You understand Tagalog right?" Tanong ko na ikinatango niya.

"I don't quite know how to speak Tagalog but I can understand it now. But I can't stay for dinner. My twin sister are waiting for me in the car. We just sneak out so that we can talk to you. Unfortunately she is close to mommy and doesn't want to talk to you. Mommy didn't forbid us from knowing you so I think it's okay to get close to our daddy. This is my phone number, this is my twin's and this is mommy's." May inilapag siyang tatlong calling card sa mesa ko at umayos ng upo.

Napangiti nalang ako dahil sa inakto niya. He just like me when I was younger, well before the incident happened. Mukhang maayos ang pagpapalaki ni Hannah sa mga anak namin. Nakakapanghinayang lang at hindi ko sila nasubaybayan sa paglaki, I didn't even meet my own daughter.

Bringing Her Back (on-hold)Where stories live. Discover now