Chapter 19

1K 23 15
                                    

Hannah's POV

"Time flies when you're having fun. But it's the opposite when you're missing someone." Rinig kong sabi ni Lia sa kausap niya sa telepono. Napabuntong hininga ako at itinuon ulit ang atensyon sa pagbabasa ng mga nakatambak na dokumento sa harapan ko.

Hindi ko alam kung pinariringgan ba ako nitong babaeng 'to, kasi hanggang dito sa kinauupuan ko rinig na rinig ko parin ang boses niya, nasa kabilang bahagi naman siya ng apartment.

Malaki namang itong apartment na'to para sa anim na tao, but because we are used to living in a huge space, it felt stuffy and hot inside. Minsan nga pakiramdam ko wala na kaming privacy privacy e, diretso nalang bubuksan yung pinto at papasok ng kwarto. Yup, hanggang ngayon nandito pa rin kami sa apartment ni Alec. Why? Because until now our house is under renovation. And even if the renovations are done, I don't think we would move back there for a very long time.

It's because I decide to go back to the Philippines. Naisipan ko na, mas makabubuti na bumalik muna kami doon, after all doon din nagsimula yung gulo ng pamilya ko. Hindi ko man gustong madamay ang kambal, it's inevitable.

Alam ko, naguguluhan ang kambal ngayon sa sitwasyon naming dalawa ni Alec, at, oo inaamin ko. Mahal ko siya. Nangako din ako sa sarili ko na sarili ko muna ang uunahin ko ngayon, pero hindi ko naman ginustong madamay ang mga bata sa gulong pinasok naming mag-asawa. Kaya I think, going back this time is the best solution.

"Hannah, sigurado ka na ba talagang babalik ka na ng Pilipinas? Paano na ang business ng family ninyo? Hindi ba dito nakabase sa England ang family business ninyo?" Tanong ni Lia

"Kung gusto kong mabuhay ng tahimik ang mga bata, kailangang ako mismo ang tumapos nito Lia." Malumanay kong saad at binaling ang tingin sa labas ng bintana.

"Y, that's cheating!" Sigaw ni H.

Narinig ko pa ang tilian nilang apat, halatang masaya sa ginagawa nila. Kung hindi lang talaga matatalino yung mga batang 'to hindi  ako mahihirapang protektahan ang kanilang ka-inosentehan

"No it isn't, ate Ashei said that it's a tactic!"

H pouted her small reddish lips and look at Y intently. "You're unfair! I'm your older sister, and I'm a girl! You should yield to me!"

Napapakamot nalang sa ulong naglakad si Y papalapit sa ate niya at niyakap ito. "Sorry… Y is sorry."

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti bahang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa living room ng apartment ni Alec, would it be nice if their family are complete?

Anghel ang turing ko sa kambal, pero pakiramdam ko hinahatak ko lang ang mga anak ko pababa. They deserve all the best that I can give them, but sadly I can't give them a normal family.

Kasi, hindi ako mahal ng daddy nila at nasasaktan parin ako kapag nakikita ko siya, bumabalik yung lahat ng masasakit na alaala, bumabalik yung trauma. Kahit ang ganda ng pakikitungo ng asawa ko sa'kin ngayon, nakikita ko sa mga mata niya… hindi parin niya ako mahal. Maybe ginagawa niya lang to para mapalapit sa mga bata o makuha ang custody nila, but he is definitely not in-love with me.

All of that reminiscing the past act of him, was probably because he realized that living without me is a mess. After all, ako ang nag-aasikaso mula sa maliliit na bagay hanggang sa pinakaimportanteng bagay na pag-aari niya. Kahit totoo man yun, why didn't he realized it sooner? Hindi yung huli na ang lahat. Cause honestly, caring and loving him for a decade almost cost me my life and the twins future.

Hindi niya alam kung anong klaseng pasakit ang dinanas ko para lang mailabas ng buhay ang kambal. Imagine a traumatize and depressed mother with an unstable blood pressure and emotion giving birth naturally…

"Lia, remember when I was in labor?" Tanong ko dito. Muntik na akong napatawa ng bigla nalang nanlaki ang mga mata niya.

"Hannah, tumigil ka… you giving birth to H and Y are the most traumatizing experience I had living here in London," seryosong sabi niya. "We almost lost you that day…"

Huminga ako ng malalim. Totoo naman kasi e, muntik na akong mamatay dahil sa hindi ko gustong hiwain ng mga doktor ang tyan ko. For a mother that's been depress for a long while, alam kong nag-inarte pa ako. But at that time, wala akong ibang maisip kundi yung anak ko.

Actually, okay pa naman nung pinanganak ko si Hazelia, pero nung si Yohan na ang ilalabas ko, bigla nalang tumaas ang blood pressure ko. It almost came to a point where Lia has to chose between me or my son. But luckily, I delivered both of them naturally. Na-comatose nga lang ako ng ilang buwan.

"Alam ko, nakakatakot yun na experience para sayo lalo na at kayo lang ni Kris ang kasama ko ng mga panahon na yun, pero alam mo Lia. I'm thankful that you're by my side."

"Alam mo naman siguro na pipiliin kita kung papipiliin ako ng doktor kung sino sa inyo ni Yohan ang mabubuhay di ba?"

Napatawa ako. "Of course I know. But aren't you glad that we didn't come to that point?"

"Yeah, if that happened, hindi lang si H and malulungkot, even my children will hate me if that happened. Cause as much as they love you, they also love their cousins."

"Tumawag nga pala sa'kin si Alec kahapon, sabi niya nagkukumahog daw na daw ang asawa mong puntahan kayo dito. Anong plano mo ngayon?"

Mapait siyang napangiti. "Alam mo ba kung sino yung kausap ko kanina?"

Umiling ako, pero pakiramdam ko kilala ko ang taong yun. She wouldn't speak that softly to someone who she didn't value. But, I wouldn't assume anything. After all, hindi ko talaga sigurado kong siya ba talaga ang kausap nito kanina.

"Sabi niya sa'kin, parang mababaliw na siya sa paghahanap sa'kin, sa amin. Pero sa tingin ko nagsisinungaling lang siya,"

Napaangat ang tingin ko sa kanya ng maramdaman kong nanginginig ang kamay niya. Tumayo ako at yinakap si Lia.

"Calm down and think carefully, Lia." Bulong ko sa kanya. "You're not alone, you know. Kahit iniwan pa kayo ng mommy ninyo, nandito parin naman kami. We are also your family. Kahit anong magiging desisyon mo, susuportahan ka namin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bringing Her Back (on-hold)Where stories live. Discover now