Ano bang nangyayari sa ating mundo?
‘Di lang ganda ng kalikasan ang naglaho.
Pati ba mga tao nasisiraan na rin ng ulo?
Nasaan ang dignidad na iniingatan mo?Kung kayang ipakita katawang walang damit,
Pasensiya na, hindi namin iyan kakayanin.
‘Di namin kayang makitang ‘di ‘ka respetuhin.
Sapagkat ano’ng meron ka, kami’y meron din.Tama, para sa ‘yo itong mensahe babae.
Sinulat sapagkat ako ay magbakasakali,
Upang ibalik ang respeto sa ‘yong sarili.
Umaasang ito ay pag-isipan mong mabuti.‘Kay daming lumalabas ngayon na malalaswa.
Babaeng nakahubad na ikinatuwa ng madla.
Sex video mo pinipiyestahan nang walang awa.
Lahat ng ito’y hindi mo ba talaga kinakahiya?Kung ayos lang sa’yo tawagin na malibog,
Bilang babae kami’y nasasaktan para sa’yo.
Kung walang pakialam ano’ng iisipin sa iyo,
Makita sana paano tratuhin ang kapwa mo.Para sa amin isa kang kahihiyan.
At halos ikaw ay aming kasusuklaman.
Tinatanong sa Diyos ba’t ka pa niluwal?
Kung ang dala mo lamang ay kalandian.Maawa ka, itigil muna kalokohang ginagawa.
Pati mga inosenteng babae nadadamay na.
‘Di rin nirerespeto akala nila lahat gaya mo.
Sana iyong pakinggan ang hinaing na ito.Bakit ba kailangan mong gawin ito?
Nais lang bang sumikat dito sa mundo?
Ito ba ang paraan mo para mapansin ka?
Kinasaya ba kapag pinagtatawanan na?Kung dito ka talaga maging maligaya,
Sa gawaing lahat ng babae magdurusa,
Re-respetuhin ang iyong maging pasya.
‘‘wag lang kalimutan lahat kami lumuluha.Ito ba talaga ang nais mong ipamana?
Sa mga musmos na batang tinitingnan ka.
Hubad na katawan ang tumatak sa mata.
Lalaki silang iisipin nilang nakita sayo’y tama

YOU ARE READING
POETRY: IT'S ABOUT US AND OUR HEARTS
PoetryIsang koleksyon ng mga luhang pumatak. At mga tawa na sa damdamin ay tumatak. Hinabi't hinulma gamit ang titik ng berso. Upang ilahad kung gaano kahiwaga ang puso. At kahit na ang kwento mo ay hindi mo gusto, Isipin mo nalang dahil dito kaya ka na...