"MAGKAIBANG MUNDO"

80 4 0
                                    

Mahirap umibig sa 'di tamang panahon.
Lalo na kung ito ay maraming tumutol.
Pati mga magulang daming angal.
Sabi nila, ang pag-iibiga'y isang hangal.

Sa 'ting pagmamahalang walang sigurado.
Nilalabanan natin ang tinakda ng mundo.
Kahit pinipintasan tayo ng maraming tao.
At may pursigido pang paghiwalayin tayo.

Mayaman ka at mahirap lamang ako.
Ito ang katutuhanang hindi mababago.
Pag-ibig nating dalawa'y pinaikot nito.
Ginawang sangkap upang magkalayo.

Kung minsan nanaginip ako ng gising.
Nakatingin sa mga tala at humihiling.
Pagtanggap ng pag-iibigan ay darating.
Basbas ng mga magulang maging atin.

Kailangan pa bang wakasan Ang hininga,
upang makapiling lamang ang isa't isa?
Ito bang nais mong gawin namin ama?
Masaya ka na kung nakatali leeg ko Ina?

Nagdurugo tayo sa 'ting magkaibang mundo.
Pinarurusahan sapagkat hindi tayo pareho.
Ika'y langit samantalang lupa lamang ako.
Kahit na kailan malabong maging iisa ito.

POETRY: IT'S ABOUT US AND OUR HEARTS Où les histoires vivent. Découvrez maintenant