"WHAT IF?"

82 8 0
                                    

What if sa aking buhay ay hindi kita nakilala?
What if sa umpisa pa lamang nilayuan na kita?
Panigurado ang mundo ko ngayon ay masaya.
Sigurado walang tutulo na mga luha sa mata.

What if pinigilan ko ang aking puso na mahalin ka?
What if pinatay ko ang aking puso para ibigin ka?
Hindi na sana nadurog ang damdamin kong ito.
Hindi sana ito nabiyak at ngayon ay nagdurugo.

What if pinigilan kong tadhanang magkita tayong dalawa?
What if may kapangyarihan akong ibalik lahat sa simula?
Lilihis ako’t ‘di ko hahayaang kasalukuya’y magaganap.
Tatakbo ng malayo upang ang kapalara’y matakasan.

Kung ‘di man tayo ang nakatadhana sa henerasyon na ito.
What if sa susunod na buhay makikiusap ako sa mundo?
What if ngayon pa lang sisimulan ko na ang magplano?
Kahit alam na alam kong sa elosyon lamang ito mabuo.

What if sa susunod na buhay sisiguraduhin ko ang tayo?
What if sa susunod kong buhay ‘di papayag na magkalayo?
What if sa susunod na buhay hindi ako basta susuko?
Magaganap kayang inaasam na habang buhay na tayo?

Milyon-milyong what if ang tumatak sa aking isip.
Mga katanungan na sa aking alimpatakan nangigalig.
Gulong-gulo ako kung paano ko kaya ito buburahin.
Balisa kasi ‘di alam hanggang kailan kita mamahalin.

Mahal, kahit na nasaan ka man sa daigdig naroroon.
Magkaiba man ang landas na ating tinatahak ngayon.
‘wag kalimutan na naging bahagi ka ng aking mundo.
‘wag mo sanang kalimutan ang wagas na pag-ibig ko.

POETRY: IT'S ABOUT US AND OUR HEARTS Where stories live. Discover now