"NAGDURUGONG PUSO"

57 5 0
                                        

Alam mo bang hinangaan kita parang artista?
Inakit mo ang aking puso katulad ng bida.
Pinaikot ang aking mundo gaya ng pelikula.
Pero pina-ibig mo lang para paglaruan pala.

‘Di ko malilimutan ang alaalang nagdaan.
Sa buhay ko ika’y aking iniingat-ingatan.
Higit pa sa aking minimithing kapalaran.
At handa akong samahan ka kahit saan.

Pero sa’yo damdamin ko’y walang halaga.
Sinasabihan mo nga akong mahal kita,
Pinaparinig ang salitang ika’y mahalaga.
Huwad rin pala ito at nagpapanggap pa.

Napakasakit! Sana ako’y pinatay mo na lang.
Para maibsan ang hapding nararamdaman.
Tunay kang mahal ngunit puso ay sinakal.
Iniwan sa ereng walang paalam man lang.

Gusto mo bang makita luha’y pumapatak?
Heto na, ‘wag mong pigilang humalakhak.
Masaya ka ba na nangyari iyong binabalak?
Aking inosenteng damdamin iyong sinaksak.

Nagdurugo ang dibdib ko sa kasalukayan.
Sawi’t kasakit ang aking pinagdurusahan.
Saksi ng aking dalamhati ang kadiliman.
Nagmumukmok sa isang sulok at luhaan.

Kung ang lahat ng ito’y isang bangungot,
Sana’y may gumising sa akin sa peligro.
Umaasa ako na sana siya ay makaabot.
Bago tuluyang magsira ang aking puso.

Kung makikita mo lang ang aking puso.
Masasaksihan mong naliligo na ito dugo.
At mayroon pang nakatarak na kutsilyo.
Ito ang naging bunga ng kapusukan ko.

Pagsisisi ang nangibabaw sa’king isipan.
Daming tumatak sa akin na katanungan.
Pero isa lang ang nais maging hantungan.
Gusto kong wakasan ang aking kabaliwan.

POETRY: IT'S ABOUT US AND OUR HEARTS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon