Sa wakas tayo ay muli nang nagkita.
Sa saya'y 'di napigilang tumulo mga luha.
Gusto ko sanang tumakbo't yakapin ka.
Nang lumapit sa'yo ang babaeng maganda.Batid bang parang sinaksak ang puso ko.
Nadismaya't tumalikod ng walang Segundo.
Ayaw kong makita mo akong parang gago.
Pinilit ang aking sarili'ng humakbang palayo.Ang naging kahapon natin ay ating balikan.
Napakasakit noong sandaling ika'y lumisan.
Ngunit pagsinta sayo'y walang kamatayan.
Kaya't naghintay para ibalik ang pag-iibigan.Lahat ng iyon nawasak ng isang eksena lang.
Sana Hindi na lamang kita muling nasilayan.
Upang kirot sa puso'y Hindi na nararanasan.
Tanggap ko na hindi talaga tayong nakalaan.Masakit man tanggapin sa 'king damdamin.
Kasalukuyan ay hindi ka na magiging akin.
Ang tibok ng puso mo'y hindi ko pipilitin.
Masaya akong kahit siya ang iyong pipiliin.Kung mahal mo talaga ang katulad niya.
Hindi kita pipigilang pumunta sa kanya.
'wag kang mag-alala magpapaubaya na.
Dahil hindi sakim ang alay kung pagsinta.Hangad ko ang lubos na kalihayahan mo.
Kung siya talaga ang magpapasaya sa'yo,
Didistansya't magpapaubaya na lang ako.
Dahil nakaraan lang ako't siyang bukas mo.Sana tandaan mo ang mga katagang ito.
Minahal kita higit pa sa lahat-lahat ko.
Katotohang ito ay hindi ko na mabago.
Kahit baliktarin ko man ang buong mundo.

YOU ARE READING
POETRY: IT'S ABOUT US AND OUR HEARTS
PoetryIsang koleksyon ng mga luhang pumatak. At mga tawa na sa damdamin ay tumatak. Hinabi't hinulma gamit ang titik ng berso. Upang ilahad kung gaano kahiwaga ang puso. At kahit na ang kwento mo ay hindi mo gusto, Isipin mo nalang dahil dito kaya ka na...