"BASURA NALANG AKO SAYO."

41 6 0
                                        


Bawat gabi nakatulala sa mga bituin.
Minimithi na ang hiling ko ay dinggin.
Ang ibig ko sinta na ikaw ay akin pa rin.
Ang pag-iibigan ay muling magniningning.

Tila isang bulkang sumabog ang puso.
Nang pinagtapat mong ‘di muna gusto.
Ang pag-ibig mo sa’kin biglang naglaho.
Dahil pinagpalit mo ako sa ibang tao.

Tuwing makikita kayong magkasama,
Pinipikit ko nalang aking mga mata.
Dinadaya ang sariling ‘di kayo nakita.
Binubulog sa hangin nakamove-on na.

Hiling sa mga nagkikislapang bituin,
Sana’y hindi matapos nakaraan natin.
Ang ating bukas ay hindi na darating.
Siguro ngayon sa’yo pa rin at ika’y akin.

Hindi ko matanto kung ano’ng kasalanan ko.
Ba’t mo iniwang nagdurugo ang aking puso.
Ginawa mong impyerno ang aking mundo.
May mali bang nagawa para ganituhin mo?

Ito ba ang ganti mo sa aking pag-ibig?
Kailanman walang binigay sayong sakit.
Para iyong parusahan ako ng paulit-ulit.
Itatapon lang dahil hindi na magagamit.

Dati-rati ang iyong mga matamis na ngiti,
Nagbibigay kulay gaya ng isang bahaghari.
Ngunit ngayon ay isa na itong dalamhati.
Kirot at hapdi ang nadama bawat sandali.

Ba’t mo ba ako iniwan nang walang paalam?
Okay lang kahit meron kang pagkukulang.
Basta ‘wag ka lang mawala sa aking kiliran.
Magtitiis ako basta sa huli ay akin kalang.

Mga luha’y dulamoy dahil sa kalungkutan.
Parang basurang inagos patugong karimlan.
Lumubog ako sa lumpay ng hindi ko alam.
Hindi ko batid saan mahanap ang kalayaan.

POETRY: IT'S ABOUT US AND OUR HEARTS Where stories live. Discover now