"MAKASALANANG INA"

52 8 0
                                        

Babae! Babae! Bago mo ibigay ang iyong katawan,
isipin mo sana ang magiging kahahantungan.
‘wag kang magpadala sa isang gabi ng kasiyahan.
Kung ikaw ay hindi pa pala handa sa kalalabasan.

‘wag kang padalosdalos sa iyong desisyon.
Kung magsisilang ka lamang para iyong itapon.
Kinitilan ng buhay ang walang kasalanang sanggol.
Hindi lang siya isang sanggol, siya’y iyong supling.

‘Di ka ba talaga nahihiya, dugo mo ang nanalaytay,
sa batang sa basurahan natagpuan walang malay.
‘wag naman sanang maging iresponsabling nanay.
Sana naman yung sanggol ‘wag nating idamay.

Hindi ba ginusto mo, kaya sana iyong panindigan.
Kung ‘di mo siya kayang buhayin ipamigay mo nalang.
Kasi wala naman siyang kasalanan sa iyong kaharutan.
At naging bunga lang naman siya ng iyong kalandian.

Swerte ka kasi binigyan ka ng karangalang magsilang.
Isang karangalan na hindi lahat ng babae binayayaan.
Pero ikaw basta-basta mo na lang itong itapon sa kanal.
‘Di ka ba nakokonsensiya, namatay sa putik ang iyong
anak

Wala kang kaluluwa, bumuo sa sanggol iyong laman.
Hindi iyan pusa na basta mo na lang itapon kung saan.
Hindi iyan dumi na kung gustuhin idispatsa mo nalang.
Tao iyan, humihinga tapos para mo na lang tutang iniwan.

Nakakapangdidiri ka iyo bang nararamdaman?
Pinatay mo ang isang batang walang muwang.
Hindi pa sapat sa’yo ang mabulok sa kulungan.
Isa kang kriminal na dapat hatulan ng kamatayan.

Kung ikaw ay wala ng respeto sa sarili mo,
sana respetuhin mo ang damdamin ng ibang tao.
Pahalagahan mo sana ang buhay na iyong binuo.
Isipin mo sana ang mararamdaman ng kapwa mo.

‘wag mo sanang iisipin na hinuhusgahan kita.
Ginigising lamang kita na mali ang iyong ginagawa.
‘Di kasi rason ang salitang nagkamali para kumitil ka.
Lalo na sa isang anghel gusto lang mundo’y makita.

POETRY: IT'S ABOUT US AND OUR HEARTS Where stories live. Discover now