"MUCH BETTER TO BE BITTER"

126 5 0
                                        


Kuwento natin nagsimula sa isang pantasya.
Kunwari tayong dalawa ang nakatadhana.
Nanangarap ikaw ang hari't ako ang reyna.
Sa pag-iibigan nating wala palang pag-asa.

Natantong 'di lahat ng fairytale may happily ever after.
At mas lalong hindi totoo ang kwento ng forever.
Kaya magmove-on ka na ito'y much better.
At sabihin sa harapan niyang I don't care.

Labanan mo ang tinitibok ng iyong puso.
Patayin muna bago pa ito umootso-otso.
'Wag pumayag sa second chance nais nito.
Sapagkat binibilog lang niya ang iyong ulo.

Huhugot siya hangga't makuha kang muli.
Sasabayan pa niya ito ng mga talumpati.
Bibigkas ng sinungaling na salita ang labi.
Lahat ng iyon isang malaking pagkukunwari.

Dadalaw siya mayroong dala-dalang rosas.
Mag-uusap kayo isisingit ang mga promises.
Ang totoo gawin ka lang part time relationship.
Sa huli nakalista ka na sa kan'yang mga ex.

May magic palaso lang ako lagot ka kupido.
Pangako ititirik ko talaga ito sa iyong puso.
Pagiging brokenhearted ay naramdaman mo.
Mararanasan mo kung paano maging stupido.

Kung hinuhuli ang mga masasamang tao,
Sana hulihin rin ang mga taong manloloko.
Ako mismong magpuposas sa kamay mo.
Igawad ang kaparusang ika'y maging bato.

POETRY: IT'S ABOUT US AND OUR HEARTS Where stories live. Discover now