Chapter 05

8 1 0
                                    


Chapter 05

Third Person's POV

Hindi na mabilang ang kawal na pagala-gala at nakapalibot sa buong kaharian ng Pyroc. Hindi sila magkandaugaga dahil sa galit ng kanilang hari. "Anong mga klase kayong kawal?! Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang prinsesa?" singhal ng pinuno sa limang kawal na nakayuko sa kanyang harapan, sila ang mga inatasang hanapin ang prinsesa. "Paumanhin mahal na hari ngunit hindi po talaga namin mahanap ang prinses-" hindi natuloy ang salita ng isang kawal ng sampalin siya ng hari, "Oh eh ano pang hinihintay niyo, taglamig? Dali at ipatawag ang royal witch!" hindi nagaksaya ng panahon ang mga kawal at dagling tumakbo upang sunduin ang royal witch.

Bawat palasyo ay mayroon royal witch kung tawagin, sila ang hinihingian ng tulong ng reyna at hari sa mga bagay na hindi na sakop ng kanilang kapangyarihan.. Hindi mapakali ang hari sa pag hihintay sa royal witch, pababalik-balik ang kanyang lakad at kagat-kagat ang kanyang mga kuko. Samantala, kabaligtaran ng kanyang ekspresyon ang reyna, she's just sitting on her throne calmly and expressionless. Seems like she doesn't care at all. "Maaari niyo ho bang hanapin ang prinsesa?" tanong ng hari sa kararating na matanda, ang royal witch. Nakatayo lamang ito sa harap ng hari at saka pumikit, "Ilang araw na siyang nawawala?" nakapikit pa rin ito. "Magtatatlo na ho." hindi na sumagot ang matanda at nagpatuloy sa ginagawa.

Ilang sandali ay kumunot ang noo nito at dumilat ang mga mata animo'y nahigit sa reyalidad. "Wala siya rito." diretsong sabi niya sa hari. Sunod-sunod ang mumunting paghabol ng kaniyang hininga. "Ano ho? Hindi niyo ho ba siya nakikita?" yumuko ng kaunti ang matanda at ngumiti ng makahulugan. "Ang mundong ito lamang ang sakop ng aking kapangyarihan, Mahal na Hari." iyon ang huling mga salita ng royal witch sapagakat bigla na lamang ito naglaho. Naiwan ang hari na nakatulala at animo'y napagtanto na ang ibig-sabihin ng matanda. Na si Cahira, ang prinsesa ay kasulukuyang nasa ibang mundo. Ngunit saan?

* * * * *

Cahira's POV

Kasulukuyan kaming nasa isang gusali na kung tawagin nila ay "mall". Kasama ko ang antipatikong anak ni Ms. Jessa. Yeah A.N.T.I.P.A.T.I.K.O. Tinawag ba naman niya akong 'taga bundok' kanina. Dahil lamang hindi ko alam ang lugar na ito. Napairap ako ng maalala ko ang senaryong iyon. "Dalian mo. Ano pang hinihintay mo diyan?" speaking of the devil, naglalakad kasi kami at medyo bumabagal ang lakad ko. "Eh saan ba tayo pupunta?" inip na inip na ako. "Hindi ba sabay tayong bibili ng mga gamit para sa eskwela bukas." napatango naman ako rito. He's wearing a plain v-neck shirt with maong pants. He seems fond with black. While me? I'm wearing a floral dress. Believe it or not. Karamihan kasi sa mga damit na pinagliitan ni Ms. Jessa ay puro bistida. Kaya no choice.

Narito kami para nga bumili ng mga gamit, pumayag ako sa inalok ni Ms. Jessa na pag aaral. Nandito na rin naman ako ay hahanapin ko na rin ang mga sagot kung bakit may mga normal na tao na kinakaladkad ang kanang kamay ni Ama? Nasisiguro ko na alam ito ni Ama sapagkat hindi magagawang kumilos ni Veno nang walang pahintulot galing Ama. Ganon siya ka-tapat kay Ama. Kung alam nga ito ni Ama, para saan? Nabigla ako, someone grabbed me by waist. Tumingala ako at nakita ko si Lorcan. "Careful, mababangga ka ng mga tao." hindi ako nakaimik. Nagpatuloy kami sa paglalakad ng ganoon ang posisyon namin. Para kaming magkasintahan. Napayuko ako at ramdam ang pagiinit ng aking mga tenga. Marahas kong inalis ang kamay niyang nasa bewang ko, "Next time, don't touch me. I don't need your help." duro ko sa kanya, ngunit sa halip na matakot ay sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi. "What if I want to?" saka niya hinuli ang aking kamay at mahigpit na hinawakan. "See? You can't do anything."

* * * * *

Hindi din kami nagtagal sa mall, kung ano ang mga binili niya ay ganun narin ang akin. Gamit lang naman. Naalala ko na naman ang senaryo kanina sa mall. Once again, I felt my cheeks burning. Pagpasok ko ay nakasalubong ko si Ms. Jessa, "Oh Cahira? Anong nangyari sa'yo at namumula ka?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ramdam ko pa ang presensya ni Lorcan. "Oo nga Cahira? Anong nangyari sa'yo?" pang uuyam ng walanghiya.

"Sisihin niyo ho ang malandi niyong anak." iyon na ang pinaka mahinang bulong na sa buong buhay ko. "Ha malandi?" muntik na akong takasan ng ulirat sa sinabi ni Ms. Jessa. "Hindi ho! May kinain lang ho kami ni Lorcan sa mall!" hindi ko na sila inintay at tumakbo sa bakanteng kwarto. Ng makapasok ako ay rinig na rinig ko rito ang malalakas na halakhak ni Lorcan. Hindi ko na ito inisip at natulog na lamang.

Time flies at ito, unang araw ko na eskwelahan. Pinilit ako ni Ms. Jessa na sumabay kay Lorcan. Kaya narito ako sa sala at kanina pang naghihintay, "Oh Cahira, bakit narito ka pa?" takang saad ni Ms. Jessa. "Ah iniintay ko po kasi si Lorcan." napatampal sa noo si Ms. Jessa, "Kanina pang umalis ang batang iyon. Akala ko ay kasabay ka na niya." mahigpit ang pagpipigil ko sa aking sarili na hindi masunog ang mga gamit sa aking paligid. Lorcan! Nakakadalawa ka na ha! Tumayo na ako at nag pekeng ngiti kay Ms. Jessa. "Ayos lang po! Maglalakad na lang po ako." At saka ako tumalikod at nagsimula ng maglakad. Nang may natanaw akong espasyo na wala masyadong nakapalibot na tao ay tumakbo ako paroon. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Clear. I summoned Vard. He immediately appeared. I carresed his hair, You miss me? I talaked to him using a mind link. Tumango-tango naman siya.

Hindi na ako nagaksaya ng panahon at sumakay sa kanya. As much as I want to summon Ellie instead because I miss her so much, hindi pwede. Kailangan sa kalangitan kami upang hindi kami mapansin ng mga normal na tao. Ilang sandali lamang ang aming tinagal at ipinababa ko na si Vard sa likod ng school. How did I get here? Binigyan ako ng mga palatandaan ni Ms. Jessa kahapon. Nakalapag na kami ng may naramdaman akong presensya, tumatakbo. I didn't properly say goodbye to Vard, I just unsummoned him. After that may nakaharap na sa aking babae, she didn't saw it. I'm sure of it, dahil takang takang siya at parang may ibang taong inaasahan. She has chocolate brown hair.

Lumilinga-linga siya sa paligid, tinatanaw niya kung may ibang tao pa sa paligid. "Anong ginagawa mo rito?" takang tanong niya sa akin. Tumaas ang kilay ko, "None of your business." saka siya iniwan roon. Nagsimula na akong malakad, I need to hurry dahil base sa schedule ko malapit na magstart ang klase. May ilan akong nakakasalubong at ilan sa kanila ay pinagtanungan ko at halos lahat sila ay puro walang kwenta ang mga sagot. Buti na lang talaga at may sumagot na ng tanong ko. Ilang sandali pa at nakaharap na ako sa isang pinto, pinihit ko ang doorknob at pumasok. Lahat sila napatingin sa gawi ko, nagtataka kung sino ako. Hindi din naman nagtagal yun at may naramdaman akong presensya sa aking likuran. Siguro ay ang guro ng klaseng ito. "Pumasok ka na ineng at umupo sa bakanteng upuan." hindi ko siya sinagot, sa halip at inilibot ko ang aking paningin sa paligid at may nakita akong isang pwesto.

"Good Morning Everyone! Kamusta ang summer break nyo?Alam ko nakaramihan sainyo ay sasabihing bitin. But wala tayong magagawa." I didn't bother to listen because that's not part of my business. I got up when I realized na kanina pa niya ata akong tinatawag. "Cahira Escaniel. 17" hindi na naman sila nagtanong ng kahit ano kaya umupo nalang ako

Narito na ako at naglalakad papunta sa 'cafeteria' ng school. Puro kwentuhan lang ang ginawa sa nagdaang dalawang subject ko. Break time namin ng isang oras, nakarating ako sa cafeteria at pumila. Antagal bago ko nakuha ang aking pagkain, paano ba naman. Yung dalawang nagtitinda wala ibang ginawa kung hindi magdaldalan. Dahil sa lihim ko pagsusumpa sa dalawang nagtitinda ay hindi ko napansin ang tatlong taong makakasalubong ko kaya heto hidni maipinta ang mukha ng babaeng nasa gitna dahil sa kanya napapunta lahat ng inorder ko.

"Hell! What have you done!"

Here we go again.

Kahit ba dito uso ang mga bullies?

Thank You For Reading!

Child Of The PastWhere stories live. Discover now