Chapter 06

3 1 0
                                    



Cahira's POV

"Hell! What have you done!"

Matataray na kilay, pulang pula ang labi at sobrang puti ng mukha. Required ba talaga na mag mukha kang payaso kapag 'bully' ka?

Tatlo sila at malapit na silang maging magkakambal dahil sa ayos nila.Pare-parehas na puro kolorete ang nasa mukha. Napatingin ako sa mga pagkain ko, lahat natapon sa kanila.

"Hey you! Tingnan mo nga ang ginawa mo!" napaaangat ang tingin ko sa babaeng nasa gitna.

"Oh nakita ko na."

"Alam mo ba na mas mahal pa to sa existence mo?" napairap ako sa mga sinasabi niya.

"Huwag mo akong pinagloloko. Uniform lang naman ang natapunan sa'yo." biglang nagtawanan ang mga taong nakapaligid sa amin. Lahat sila nakatutok sa bawat galaw namin. She raised her hand and akmang sasampalin na ako. I was ready to block it when someone did it for me.

"I didn't know that you stooped down already Angeline." It was a guy's voice. None other than Lorcan. Agad namang binawi nung 'Angeline' ang kamay niya. Wait, there's an 'angel' in her name but she's acting the opposite of her name. Hindi ko na napansin na hila-hila na ako ni Lorcan. Nang magising ang diwa ko sa mga nangyayari, binawi ko agad ang kamay ko.

"Ano ba?!" singhal ko sa kanya. Nawala yung mga pagkain ko. Dahil sa tatlong babaeng yun! Humanda sila sa akin. Aalis na sana ako ng hilain uli ako ni antipatiko. "Oh saan ka pupunta?" binawi ko ang kamay ko bago ko siya sagutin. "Sa cafeteria ulit! Gutom na ako." sabay himas sa kumukolo kong tiyan. Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad. Nabigla ako at muntik ng magpalabas ng kapangyarihan ng may umakbay sa akin. Tumingala ako at si Lorcan, "Samahan na kita." I nudged him. "Hindi naman kailangang naka akbay diba."

Ilang sandali ay mag isa akong nakaupo sa isang bakanteng table. Lorcan insisted na siya na ng bibili ng pagkain. I remembered his actions kanina, si Conrad ang huling umakbay sa akin. It was when I was crying because I found out the truth. He was my crying shoulder back then but it all changed when we're growing up. It's a shame that hindi na kami ganun ka-close because of all that had happened. It seems like as we grown up, we grew apart. Nabalik ako sa realidad ng inilapag ni Lorcan ang isang tray sa harap ko, sa likod niya ang isang tao na may dala-dala pang isang tray.

"Kain na." Agad kong nilantakan ang pagkain. Not minding his presence in front of me. Sa kalagitnaan ako ng pagnguya ng may sinabi siya, "Sa akin ka sasabay mamaya." muntik na akong mabulunan dahil doon. Agad siyang nagbigay sa akin ng tubig. "Dahan dahan lang kasi, hindi naman kita aagawan."

"Anong sabi mo?! Sa'yo ako sasabay?"

"Oo, may problema?" marahas akong tumayo at kinapa kapa ang noo niya. "Teka. May sakit ka ba?" patuloy ako sa pag kapa sa noo niya ng inilayo niya ang mukha niya. "Ano ba?!" bumalik nalang ako sa upuan ko. "Sa'kin ka sasabay mamaya. Naiintindihan mo?"

"Yeah. Whatever."

* * * * *

Bagot na bagot ako buong araw ko sa klase. Uwian na namin at ako ata ang pinaka unang lumabas ng idineklara ng guro namin na uwian na. Muntik ng malaglag ang puso ko ng makita ko sa Lorcan na nakasandal sa pader malapit sa classroom namin. "Bakit ka nandito?"

"Mahirap na at baka tumakas ka." hindi ko nalang siya pinansin at nauna na ng naglakad. Ilang minuto lang kaming walang imik sa isa't isa. Nang lingunin ko siya ay panay ang balik ng kanyang mga mata sa likuran namin. Kumunot ang noo ko dahil rito. Is he finding someone? Tumigil ako sa paglalakad at muntik na niya akong mabangga dahil sobrang occupied ng isip niya.

Child Of The PastWhere stories live. Discover now