Chapter 04

8 1 0
                                    


Cahira's POV

Luminga ako sa paligid, nagtataasang puno, kulay berdeng kapaligiran, at mumunting huni ng mga ibon. Hindi mapagkakailang nasa isa akong kagubatan, maihahalintulad mo siya sa gubat sa Pyroc ngunit may isa akong napansin, walang buhay. Wala akong enerhiyang nararamdaman sa gubat na ito. Di gaya sa Pyroc. Nasaan ako? Nagsimula ako sa paglalakad, hindi ko alam ang aking patutunguhan ngunit sa aking palagay ay nasa tama naman akong daan.

Suot ko pa rin ang itim na cloak, may nakapa ako sa maliit na bulsa nito. Ang potion! Muntik ko ng makalimutan ang tungkol rito. Naalala ko ang mga salitang lumabas sa bibig ni Manang Isla. "Inumin mo iyan iha kung sa palagay mo ay wala ka na sa kinagisnan mong mundo." At sa palagay ko ay ito ang oras na ito. Agad kong nilagok ang laman ng maliit na bote. Ilang segundo na ngunit wala naman akong naramdamang kakaiba kung kaya't nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.

Hindi naman nagtagal ay mayroon na akong natanaw na mabibilis na mga bagay. Tumakbo ako paroon upang makalabas sa kagubatan, at ng makarating ako sa bungad ay tumambad sa akin ang malalayo ngunit matataas na gusali. Nakakamangha itong pagmasdan, patuloy lamang ako sa pagmasid rito habang naglalakad patungo roon. Nakakailang hakbang na ako ng may narinig akong malalakas na tunog at may bagay na tumama sa akin na siyang dahilan ng medyo pagtalsik ko. Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko magawa, isang matangkad na lalaki ang huli kong napagmasdan bago ako lamunin ng dilim.

* * * * *

Munti kong minulat ang aking mata ngunit nabigo ako, masyadong maliwanag at hindi ito kinakaya ng mata ko lalo na at kagigising ko lamang. So I just tried to get up but before I did, "Stay put." a baritone voice coming from someone, stopped me. Hindi ko siya nakikita pero narinig ko na may tinawag siya. There is someone saying that my condition is fine and many other things, which I don't understand. Nang makalipas ang ilang minuto ay sinubukan ko muling buksan ang mata ko, and my second try is a success. The first thing I saw as I opened my eyes was a gray ceiling. Ilang segundo akong tumitig lang doon at saka binaling ang tingin sa taong nasa gilid ko. "Sino ka?" I hope my voice doesn't sound sarcastic.

Hindi sumagot ang lalaki sa halip sinalubong ako ng isa pang lalaki. Ang kaibahan lang ay may mas matanda ng istura nito sa binatang tinanong ko."Ayos ka lang ba iha?" worriedness is evident to his eyes. Napakunot ang aking noo dahil rito, Sino ba sila at anong ginagawa ko rito? Napabaling ang aking tingin sa kaliwang braso ko, may benda ito. When I tried to move it, napangiwi ako sa sakit. Shit! Ano ba itong pinasukan ko? "What the hell happened to me?" hindi ako sinagot nito sa halip ay isinandal niya ako muli sa headboard ng kama. "I'm very sorry iha but you met with an accident. My son accidentally hit you with his car. I'm very sorry about it." So ang lalaking nakasandal sa pader at nakahalukipkip ay anak niya? At siya ang nakabangga sa akin?! How dare he!

"How many times do I have to tell you that it's not entirely my fault!" angal ng lalaking nakasandal sa pader. Napairap ako sa inasta niya. Antipatiko! "Behave yourself Lorcan! Napag usapan na natin ito diba." seryoso ang tono ng lalaking nagpakilalang ama ng nakabangga sa akin. Umirap nalang yung Lorcan, sa patuloy nilang pagdidiskusyon mag ama, may napansin akong kakaiba. Why don't they have the same features? I mean wala silang pagkakahawig dalawa. I just shook my head and brushed it off my head. Bumaling muli sa akin ang ama ni Lorcan, nagpakilala siya bilang Reid Smith. He asked me if I'm okay and if I need something. I said, "I'm okay Mr. Smith but can I sleep again? Just to gain my strength." he instantly agreed and he, with his son, left the room.

When I finally couldn't sense their presence anymore, I tried my best to get off the bed and went to the full-body mirror. Nanlaki ang mga mata ko. Ako pa ba to? I didn't do any makeover but I literally can't recognize my face! From my red cognac hair to a plain black, while amber eye color to a black one. My curly hair turns into a straight one! What the hell happened to me? The realization hits me. The potion. Pumikit ako at huminga ng malalim, I tried to release a normal fire around my body. Nakahinga ako ng maluwag nang kaya ko pang magamit ang kapangyarihan ko. I walked to the window next to the bed I was lying on minutes ago. At kagaya ng nakita ko sa bungad ng gubat, mga matataas na gusali ang bumungad sa akin.

* * * * *

Sumapit ang gabi at hindi ako kailanman lumabas sa silid.May mga pumupunta rito upang dalhan ang ako ng makakain. Sa ialang oras kong pag iisip ay mukhang nalaman ko na kung na saang mundo ako. Sa Mortalìs World. Natatandaan ko pa noong unang beses kong nalaman ang tungkol sa mundong ito. Bata pa lamang ay mahilig na ako sa pagbabasa, tambayan ko noon ang library sa palasyo. Dapit hapon noon kung hindi ako nagkakamali, nagiikot-ikot ako sa buong library upang maghanap ng panibagong librong babasahin. Masaya akong tumatakbo sa loob ng library ng hindi ko napansin ang kumpol ng mga libro na nasa gilid pala ng isang shelf. And me, being a 13-year old girl didn't mind the books and continued running and the accident happened. Natalisod ako sa dahil sa libro kaya tumama ako sa katabi nitong shelf. Dahil dito, umuga ito. Tumayo ako non at paalis na sana pero may malakas na tunog akong narinig. I jumped backwards at pinalabas ang aking sandata, just to found a book lying in the floor.

And that's how I found the book, madami iyong nilalaman pero nabasa ko na ito lahat. Just to make things simpler, we actually have three worlds. The Fantazia, Mortalis and the Spirit. In Fantazia, obviously where I came from, where magic happens. Spirit World, our guardians' own world. Kadalasan ay naroon lamang sila kapag hindi sila sinusummon ng kani-kanilang amo. And lastly, the Mortalis, being the world between the two, is considered as the neutral one. Kabligtaran ito ng una kong mga nabanggit. Dito naninirahan ang mga normal na tao. I still can't believe that nandito ako ngayon. Bumaling ang aking atensyon ng may kumatok sa pinto, "Iha? Lumabas kana sa kwarto at sabayan mo na kami sa hapunan." I didn't bother to answer back, instead, I got up on the bed and made my way to the dining room. Hindi naman ganoon kahirap itong hanapin dahil hindi naman ganoon kalakihan ang bahay na ito. Idinertso nila ako sa mismong lamesa kung saan kakain, umupo na ako ng deretso dahil wala na naman atang iba pang kailangan. Sisimulan na sana namin kumain ng may narinig kaming busina sa labas. "Your Mom arrived, Lorcan. Salubungin mo siya." his son didn't bother to utter some words and immediately went outside.

"Kapagod sa opisina, honey." I heard a female voice, it must be Loracn's mother. Rinig ko ang mga yapak nila papunta rito sa dining area. Lumapit agad ang babae sa kanyang asawa kaya hindi niya kaagad ako napansin, pagkahalik niya ay bumaling sa akin ang kanyang mga titig. Ilang segundo kaming nagtitigan ng basagin niya ang katahimikan, "Who are you?" I don't know why but I can't find the words to answer her. Patuloy lamang ako sa pagtitig sa kanya. How ironic, we have the same hair and eyes.

Tumikhim si Mr. Reid, "Narito siya dahil sa anak mo." speaking of, biglang dumating si Lorcan. Nagsimula na kaming kumain, muntik na nga ako mabilaukan sa sinabi ni Mrs. Smith. "Girlfriend ka ba ng anak ko?" nakataas ang kilay nito. Teka girlfriend? Hindi bat kasintahan ang ibig sabihin non? Nataranta ako at nabilaukan. Agad naman ako inabutan ng anak niya ng tubig. "Hindi po!" pagtutol ko. "Ano ka ba naman mahal? Andito si-" lumingon sa akin si Mr. Smith. Dahil sa pagkaratanta, "Cahira po." Nasabi ko ang tunay kong pangalan! Kulang nalang ay sampalin ko ang sarili ko sa harap nila dahil sa ginawa ko. Pero wala na akong magagawa. "Andito si Cahira dahil sa kapabayaan ng anak mo." then he eyed to Lorcan. "Oh. What did my baby do?" baby?! WTH? Kulang nalang ay itago ko ang mukha ko sa ilalim ng lamesa sa pagpipigil kong tawa.

"Mom!" sita ni Lorcan sa mama niya. "Nabangga ng anak mo si Cahira." from a playful smile to a poker face. "You did what? Lorcan Smith?" a tension suddenly envelopes all of us. Lorcan massaged the bridge of his nose, "I'm sorry, Mom." That's where the tension dinner ends. Pinagpahinga na ako ng mag-asawa sa kwarto. Nakahiga ako rito at tahimik na nakamasid sa kulay abong kisame nito. Patuloy lamang ako sa pagtitig rito ng may kumatok, "Cahira? Are you still awake?" dahan-dahan akong bumangon at binuksan ang pinto, si Mrs. Smith. "Bakit po?" she didn't answer me, instead she walked inside the room. Umupo siya sa kama, "I'm terribly sorry for what my son have caused to you." ganto ba talaga ang mga tao? I mean they've already told me they're 'sorry' a hundred times already. "It's nothing Mrs Smith. Hindi naman po ako masyadong nasaktan." Nakatayo pa rin ako, hindi ako komportableng umupo katabi siya. Tumayo siya bigla na siya kinaatras ko. "Tita Jessa nalang. Para makabawi sa'yo, pwede kang magstay rito for how long you want. At pwede rin kitang pag aralin sa eskwelahan rito, kung gusto mo."

Thank You For Reading!

Child Of The PastWhere stories live. Discover now