Prologue

12 1 0
                                    


Prologue

Third Person's POV

Naghihikahos na tumatakbo ang tatlong pigura ng tao sa tahimik at madilim na kagubatan. Batid mo sa kanilang mga mata ang takot at pagod. Hindi lamang silang tatlo ang naroon dahil bitbit ng dalawang magkasintahan ang tig isa na sanggol. Sa hindi kalayuan, hindi na mabilang ang kawal na sakay sa kanilang mga kabayo animo'y may hinahabol. Nangunguna sa kanila ang Prinsipe ng Pyroc Kingdom. Si Zad.

Patuloy parin sa pagtakbo ang tatlong pigura ng tao ngunit nahinto sila ng maramdaman nila ang malakas na enerhiya na papunta sa kanila. Hindi naman nag aksaya ng panahon ang lalaki at at gumawa ng lupang pangga. Dahil sa bigla nilang paghinto ay tagumpay silang na abutan ni Zad. Dahil sa pangamba ay dinagdagan ni Maylea, ang kasintahan ni Calyx ang panggang ginawa nito. Dagling bumaba ng kanyang kabayo si Zad,

"Wag na kayong magbalak tumakas dahil hindi ko kayo hahayaan!" wika niya at saka nag palabas ng itim na bolang apoy at binato sa pangga nina Maylea. Patuloy niya itong ginagawa dahil alam niyang nauubusan na ng lakas ang dalawa isama pa ang mga kawal niya na inaatake rin ang panangga. May kasama mang isa pang babae sina Maylea ay wala rin itong magawa sapagkat hindi panlaban ang kanyang kapangyarihan. Hindi nagtagal ay bumigay ng tuluyan ang dalawa. Hindi na nagaksaya ng panahon si Zad at nilapitan sina Maylea at Calyx na ngayon ay nakaluhod na dulot ng sobrang kapaguran. Bago pa man niya ito magawa ay lumitaw sa harapan niya ang babaeng kasama nina Calyx. Matapang ang mga mata nito at animo'y hindi natatakot sa kaharap niyang prinsipe. Bagot na bumaling ang tingin sa kanya ni Zad at sinabing

"Umalis ka sa harapan ko Ms. Monteveros dahil kaibigan man kita ay hindi rin kita sasantuhin!" bago pa makagawa ng hindi kaaya-ayang kilos si Zad ay sinakal na siya ng babae. Sa pagsakal niya kay Zad ay tumigil rin ang lahat, ito ang nangyayari kapag ginagamit niya ang kapangyarihan niya. Her eyes turn into lavender just like her hair. Pinagkatitigan niyang mabuti si Zad saka ngumisi sa kaharap na lalaki. "Oh natahimik ka ata prinsipe ng apoy?" nginitian niya ng matamis si Zad "hindi mo ba natatandaan? Na hindi man kita kayang pantayan sa lakas ng paggamit ng mahika, kaya naman kitang higitan sa pisikalan" after she uttered those words, her hands glow and a tatto was created in Zad's neck. It's a chain around his neck. Saka niya itinulak si Zad palayo, sa pagkakabitaw niya kay Zad ay bumalik ang daloy ng oras. Handa na sana silang atakihin ng mga kawal ngunit napaatras silang lahat ng mapansin ang kalagayan ng kanilang pinuno. Pinalibutan nila ito at hinahayaan na makabawi ito ng lakas. Bumalik naman ang babae sa tabi nina Calyx. "Anong ginawa mo?" pagtatanong ni Maylea sa kanyang kaibigan. Ngunit isang ngisi lamang ang tinugon niya kay Maylea.

Hindi na sila nakatakas sapagkat bantay-sarado pa rin sila ng maraming kawal. Tuluyan ng nakabawi ng lakas si Zad, galit ang mga mata nito at handang ng pumatay. Ngunit kapansin pansin na humina ang kanyang presensya, animo'y may mahalagang nawala sa kanya. Hindi na siya nag dalawang isip ang lumikha ng atake........ Ngunit walang lumabas. Ni isang liwanag ng apoy ay wala. Nanlaki ang mata ng lahat dahil sa nasaksihan. Gulat na napabaling ang magkasintahan sa kaibigan nila na bakas ang galak sa kanyang mga mata. "Ginawa mo?!" singhal ni Maylea sa kanya, nakangiting tumango-tango ang babae. Animo'y pinagmamalaki pa ang kanyang ginawa. "Ano meron prinsipe ng apoy? Got a problem with your power now?" saka siya gumawa ng bolang apoy at hinagis sa kanya, na siya namang sinangga ng ilang kawal na nagdulot ng kanilang pagpanaw. Yeah.... That girl? Has the power to seal and steal someone's power. But not everytime she can do that, especially the stealing. Her main power really was to seal someone's power for how long she wants but because they enter the academy she learned to expand her power. Nanlaki ang mata ng lahat sa ipinamalas ng babae, they never thought she's capable of this. They underestimated her.

Child Of The PastWhere stories live. Discover now