Chapter 03

14 2 0
                                    


Cahira's POV

It's been 3 days since I went to the hills with Kaira, after that day I feel that we became closer than usual. I know that it may sound so fast but I just feel it. For the 3 days that have passed, our routine is always the same. Every noon when I know that Kaira's classes are done, I go to her dorm. Minsan nga nauuna pa ako sa kanya. She has her own dorm just like what I requested to the Headmaster. We usually just watch a movie, read a book together and just tell stories to each other. But now I can't go to her, the King asked me to go to the main city. The same place where I and Kaira went.

He asked me to check on the people here, since they don't recognize me as a royal. So here I am, nag lalakad habang pinagmamasdan ang iba't ibang mukha ng mga mamamayan. Nahagip ng aking paningin ang isang matanda, si Manang Isla. Kumakaway siya at minustra na pumunta ako sa kanya, so I did. "Ano ho iyon?" hindi siya sumagot sa halip ay may inabot siya sa akin. Isang maliit na babasaging bote na may laman na kulay rosas na likido. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung ano ito. Isa itong potion!

"Inumin mo iyan iha kung sa palagay mo ay wala ka na sa kinagisnan mong mundo." napakunot ang aking noo sa huling parte ng kanyang sinabi. Tatanungin ko na sana siya ng may lalaking tumawag sa kanya, "Nanay Isla!" sabay kaming napalingon ni Manang Isla sa pinanggalingan ng boses.

There is a guy wearing a simple black v-neck shirt and a pair of black jeans with a chain hanging on it. I wouldn't deny it, he is hot, he has a black hair with silver highlights so I must say that he came from the Nobles. "Nana, tayo na po. Magagalit na po si Ama." nakahawak siya sa braso ni Manang. Hinawakan ko ito at tinanggal, "Manang kilala niyo ba itong lalaking ito?" mahirap na at baka isa siyang manloloko na pakalat-kalat sa tabi at naghihintay ng mabibiktima niya. Ngumiti sa kin ang matanda, "Huwag kang mag alala iha, apo ko siya." ngumiti na lamang ako sa kanya at marahang tumango. "Eh ikaw sino ka ba?" the guy butt in. "And why would I answer you?" baling ko sa lalaki, "Uh because I asked you?" he's being sarcastic, I know that but he is challenging the wrong person. "And what makes you think that I would answer 'your question'?" nakangisi kong sagot sa kanya, napatulala naman siya dahil dito.

Nagpaalam muna ako kay Manang Isla bago umalis, napansin kong wala parin sa sarili ang lalaki. Kaya humarap ako sa kanya at, "Boo!" napaatras siya at nanlaki ang mga mata. I laughed so hard because of that to the point that my shoulders are shaking. Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang. Habang naglalakad ay pinagmasdan ko ang potion na ibinigay sa akin ni Manang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiintindihan ang kanyang tinuran. I almost dropped the bottle when the ground shook terribly, what's happening? Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang mga tao na nagtatakbuhan sa direksyon na ito. Nahawakan ko ang isa sa mga tumatakbo at tinanong siya.

Ayon sa kanya, mayroon na naman daw isang halimaw na ipinadala ng Dark Kingdom. Napangisi ako, It's play time!

Pumunta ako sa pinakamalapit na madilim na eskinita at doon ginawa ang kailangan kong gawin. Nagawi ang tingin ko sa bracelet na nasa aking kaliwang kamay, it's just a simple gold bracelet with pearls around and a ruby in the middle. It's time to do the magic. Nagpalabas ako ng asul na apoy at pinatama rito. Everything happened so fast that I didn't realize I'm already wearing my combat suit. It was all black.

Agad naman akong lumabas sa madilim na eskinita, bawat buwan ay nangyayari ito sa main city. May halimaw na galing sa Dark Kingdom ang umaatake, Dark Kingdom is our enemy. Nasanay na ako na sugpuin ang mga halimaw na ipinadadala nila kagaya ngayon, ang halimaw na ipinadala nila ngayon ay halimaw na halimaw talaga kung pagkakatitigan mo. Malaki siya at may mataba na pangangatawan, nakalabas ang kanyang mahabang dila kung kaya't makikita mo ang matutulis nitong ngipin . After I and my Ellie defeated him. The people are praising me for the job well done but I just ignored them at nagteleport papunta muli sa madilim na eskinita at doon muli pinawala ang aking combat suit.

* * * * *

Because of my battle between the monster, I wasn't able to go to Kaira. Which is frustrating. 12:03. It's already midnight pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi na ako nakatiis, I wore my plain black cloak at lumabas sa balcony. The cold wind brushed my skin as I watched the light coming from the moon. Everything was peaceful from here. I summoned Vard at sumakay ako sa kanya. Ilang sandali lang kami sa mga ulap sapagkat nais kong mag ensayo. I sat on the ground and concentrated, I'm trying to summon my earth dragon yeah earth. Technically I have two powers, fire and earth. I don't know when this started but when my anger ate me up, my earth element was activated. No one knows this. Even Kaira. As I continued concentrating, I was able to summon him. The dragon, who is supposed to be my guardian, roars at me. Halatang hindi niya pa ako kinikilala bilang kanyang amo.

Every night whenever I feel sleepiness will not visit me, I go here and practice my other element. But kinakailangan kong magingat because no one must know anything about this. Tumayo na ako at sinimulan ng kalabanin ang dragon na nasa aking harapan. Napagdaanan ko na ito kay Ellie, ang kaibahan lang ngayon ay kailangan ang gamitin kong kapangyarihan ay ang lupa. Dahil mas lalong hindi ako kikilalanin ng aking guardian kung apoy na kapangyarihan ang gagamitin ko. Pinalabas ko ang aking espada at sinimulan na siyang atakihin. Nagawa ko siyang sugatan sapagkat maliliksi ang aking mga kilos. Naglabas ako ng mga veins at ipinulupot sa kanya, umalulong siya dahil rito. Sinugatan ko ang dalawang paa niya, kung kaya't natumba ito. Nilapitan ko siya at tinitigan sa mata, "Tama na. Hindi ako kalaban. Ako ang bago mong amo." hindi siya tumugon ngunit pumikit na lamang, and for me it's a sign of defeat. Pinabalik ko na siya sa kanyang mundo, kasabay nito ay ang pagkaupo ko sa sahig. Hindi birong enerhiya ang pinakawalan ko kaya normal lamang na manghina ako. Patuloy ang pagbubuntong hininga ko nang makarinig ako ng mga mumunting sigaw.

I got up and followed the sounds, when I could finally hear the shouts clearly. Bumungad sa akin ang kanang kamay ni Ama na si, Veno, kasama ang dalawang kawal na may hawak na lalaki at babae, na parehong nakasuot ng itim na cloak. Na kaparehas na kaprehas ng saakin. Hindi ko namukhaan ang dalawa sapagkat madilim at natatakluban ng cloak ang kanilang mga mukha. Nagpatuloy lamang ako sa pagsunod sa kanila. Tumigil sila sa isang malaking puno, napakunot ako ng noo dahil sa mga nangyayari. Ano ang ginagawa rito ng kanang kamay ni Ama? Veno uttered some words that I seemed familiar with but....Nanlaki ang mata ko ng nagbukas ang gitna ng puno at bumungad sa amin ang isang lagusan?

"Huli niyo na itong pagkakataon, na saan ang taong hinahanap namin?" tanong ni Veno sa dalawa, nagpumiglas ang dalwa. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo? Wala kaming alam!" umiling si Veno at basta na lamang itinulak roon ang dalawa na dala-dala nila,

"Siguraduhin niyo na walang nakakakita sa atin." sambit ng kanang kamay ni Ama. Tumango naman ang dalawang kawal na kanyang kasama, naunang maglakad si Venon. Habang ang dalawa ay luminga-linga sa paligid. Nang napansin kong hindi nila ako makikita, lumabas ako sa aking pinagtataguan at pumunta sa puno. Nakatayo lamang ako ng may humawak sa braso ko, "May naiwan na isa." Oh shit! sabay nila akong hinawakan sa magkabilang braso kaya hindi ako nakapalag. At saka nila ako tinulak papasok sa lagusan.

Nakakahilong pakiramdam, parang masusuka ako. Bigla na lamang akong bumagsak sa lupa. Bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag ng araw.

Where the hell am I?!

Child Of The PastWhere stories live. Discover now