Chapter 02

14 2 2
                                    

Cahira's POV

Bagot lang ako nakatingin sa babaeng nakapamewang at galit na nakatayo sa throne room, si Queen Vereen, ang nanay ko. Pinatawag niya kasi ako rito para pagsabihan, "Ano na naman ba Cahira?! Ano itong nabalitaan ko galing sa Headmaster na pinahiya mo raw siya sa harap ng mga estudyante niya?!" her face is as red as tomato, not because of the heat or whatsoever kundi dahil sa galit niya sa ginawa ko kahapon. I turned my back to her and walked out. "Cahira! Where do you think you're going?! We're not done yet!" rinig kong sigaw niya habang papunta ako sa aking kwarto sa itaas. Ramdam ko naman na sumusunod siya sa akin kung kaya't nagteleport na lamang ako sa loob mismo ng silid ko. And I sensed that she did the same, she teleported directly into my room. Pero sa halip na makapasok siya ay tumalsik siya 4 meters away from my room. She was immediately rescued by the guards within the area.

But she didn't give up, she walked towards the open door of my room and attacked it. Her attack just bounced off but that didn't stop her, she attacked it all over again. Napailing nalang ako sa ginagawa niya. Go, try and try but you won't succeed. I walked towards my door and faced her, "Oh my dear Mother, just stop it. Kahit anong gawin mo ay hindi kayo makakapasok sa silid ko." naglakad na siya paatras, naramdaman niya yatang wala na siya pag asa makapasok sa aking silid. "Makakarating to sa Papa mo Cahira!" I just ignored her and just sat on my bed.

Ever since I found out that King Kiel and Queen Vereen are not my real parents, I've changed. I've changed to someone they've never expected. I used to be fun, jolly and a smiley princess but now? It's all the opposite. Hindi nila alam na may ideya na ako sa totoo kong pagkatao. Kasabay ng pagbuo ko ng barrier sa aking kwarto, siya ring paglayo ng loob ko sa lahat ng taong dating malapit sa akin. No one can enter here except for me, even the King. I built this barrier for months and it is worth it. My room became my escape to my painful reality. This is my safe place.

Before I became too emotional, I once again teleported.

* * * * * *

"What took you so long?" bungad ko sa kalalabas lang na babae galing sa kanyang silid-aralan. Muntik ko ng mabuga sa mukha niya ang iniinom ko dahil sa itsura niya! Nanlalaking mga mata at magkahiwalay ang kanyang bibig! Sige nga, sinong hindi matatawa kapag ganyan ang bumungad sa iyo? Ng mapansin kong hindi parin siya kumukurap ay iwinagayway ko ang aking kamay sa harap niya, "Earth to Kaira! Yohoo!"

"W- what are you doing here?" Tsk. Tsk is she still in shock being my friend? Humawak naman ako sa dibdib ko at nag iinarteng nasasaktan, "Ayaw mo ba akong makita? Kaira?" napalakas ata ang sabi ko dahil ang atensyon ng mga estudyante ay napunta sa amin. Naalerto naman siya kaya hinila niya ako at nagpatianod na lamang ako. Nang mapagod siya ay ramdam kong tumigil na siya. Hingal na hingal siya samantalang hindi man lang ako pinagpawisan, "Ano po bang kailangan niyo sa akin mahal na prinsesa?" napairap na lang ako sa tono ng paggalang niya sa akin. "I already told you diba? Cahira is fine." nagawi ang tingin ko sa kwintas na suot niya, ang kwintas na bigay ko, napangiti naman ako dahil rito.Napansin niya ito kaya agad niya itong tinakluban, umalingawngaw ang tawa ko sa buong kagubatan. Yeah, dahil sa pagmamadali niya ay hindi na niya napansin na nasa kagubatan na kami. Tumikhim ako, "I want you to come with me." I said with finality. "W-where?" napangiti naman ako dahil dito.

* * * * * *

Narito kami sa harap ng dorm ni Kaira at kanina pa kami nakatunganga rito dahil ayaw pa ni Kaira na pumasok kami, ewan ko ba dito. Naiinip na ako kaya binuksan ko na ang pinto at dahan-dahan na naglakad papasok. Ramdam ko ang kapit ni Kaira sa aking braso, parang pinipigilan ako. Nakakailang hakbang na kami ng may nakinig kaming mga boses, "Ang epal talaga ng Kaira na yun. Porke nandyan na si Princess Cahira ay yayabang yabang na siya." rinig ko sabi ng isa. Tumigil ako sa paglalakad at hinayaan kong pakinggan ang ilan pang sasabihin nila. "Kaya nga. Alam niyo ba kanina nagpapahanga na naman siya kay Prof." Sige pa, konti nalang. "Feeling maganda at matalino, malandi naman" napantig ang tenga ko sa huli kong narinig kaya hindi ko na nakayanan at sumali sa usapan nila, "Oh talaga ba?" nakangiti ako ng matamis sa kanila. Para silang nakakakita ng multo dahil sa putla ng mga mukha nila.

Child Of The PastWhere stories live. Discover now