KABANATA 17

6.8K 115 20
                                    

Alex's Outlook

'Lintik lang ang walang gante.' linya na madalas nating marinig sa bawat pelikula o teleserye sa telebisyon.

'Lintik lang ang walang gante.' salita na isasa-katuparan ko ngayon. Kung si tatang, ginamit KUNO ang kahinaan naming mga bakla na sa paniniwala niya ay sex, gagamitin ko din ang kahinaan niya.

Madalas niyang ipagmayabang ang kayamanan niya. Na kaya n'ya daw gawin ang lahat sa pamamagitan ng pera. Na pa-paniwalaan ko sa puntong ito.

"Noel ayos na ba ang lugar?" Tanong ko kay Noel, isa sa guard ni papa.

"Yes young master. Maayos na po ang lahat!" Sagot niya sa akin.

Tumango ako kahit alam kong hindi n'ya iyon makikita sa labis na kasiyahan na aking nadarama.

May nakalimutan lang kase si tatang. 'Yon ay mas makapangyarihan pa din ang pamilya ko kesa sa kan'ya.

"Good" ibinaba ko na ang tawag at muling nag dial.

"Christian ready na kayo?" Tanong ko sa isa pang guard ni papa.

"Yes young master. Ikaw na lang po ang kulang." Sagot niya na talaga namang kinatuwa ko.

"Good. I'll be there in five." Ibinaba ko na ang tawag at kinuha ang cellphone ko sa study table at dali-daling lumabas.

'This will going to be fun.' bulong ko sa sarili ko.

Nasa baba na ako ng salubungin ako ni Christian. Tumango lang ako sa kan'ya saka naglakad palabas.

Sumunod siya at pinag buksan ako ng pinto. Pumasok ako sa loob at tumambad sa akin ang apat pang men in black ni papa.

"Bilis at may trabaho pa kayong dapat gawin." Pagmamadali ko kay Christian na siyang magmamaniho.

Hindi rin naman nagtagal at nakapasok na siya sa Van at madaling pina-andar ito.

Tinahak namin ang daan papunta sa kompanya ni tatang.

I dialed someone on my phone.

"Hello. Papunta na kami. Anong ginagawa n'ya?" Tanong ko.

"Ok naman po. Nasa meeting pa siya sir pero patapos na din in a minute. Everything is set na po. Nasabihan ko na din ang iba ko pang kasamahan ko tungkol sa plano n'yo." Sagot ng kausap ko sa kabilang linya.

He is one of the bodyguard ni tatang.

And what's our plan? To kidnap tatang at ibalik sa kan'ya lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin that night.

That night.

Wala akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Akala ko ok na ang lahat. Nalinaw na namin ni Kit ang tungkol sa amin. Pinalaya niya na ako. Mas pinili niyang patawarin kaming dalawa ni tatang na dapat ikasaya naming dalawa pero hindi. Dumating si tatang galing sa opisina niya at sinabing "He Succeeded" that everything that happened are all his plan.

I was so broken and devastated. Iyon ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko. Hindi ako makatulog knowing that someone just broke my heart for the first time.

Unlike Kit, I'm choosing revenge than forgiveness. Ang ginawa ni tatang ay walang kapatawaran. Kailangan n'yang mag bayad. Kailangan makaganti ako sa kan'ya in any means.

"Sir tapos na po ang meeting. Palabas na po kami ng company." Sabi ng kausap ko sa kabilang linya.

"It's perfect. Malapit na kami. I'll hang this up. See you in a few minutes." Sabi ko saka binaba ang tawag.

Tanaw ko na ang company ni tatang. Ilang minuto na lang ma-isasakatuparan ko na ang plano ko.

"Let's just wait here." Sabi ko kay Christian at ipinarada sa gilid ng kalsada. Mula sa 'di kalayuan ay tanaw ko na papalabas na bulto ni tatang. Firm, strong, powerful and authority ang awra na lumabas sa kan'yang katawan.

MY BOYFRIEND'S DADDY [BOYXBOY]Where stories live. Discover now