WAKAS

6.5K 106 25
                                    

[UNEDITED]

To much typos and grammatical error

Alex's Outlook

"Walang relasyon na nagsimula sa mali ang tumatagal."

Kahit saang anggulo natin tingnan, ang relasyon namin ni tatang ay nagsimula sa mali. May mga nasaktan, nagpaubaya, at mga nadamay sa gulo.

Maraming luha at sakit ang naramdaman naming dalawa sa pagsasama namin.

May mga pagkakataon na susuko na ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin pero tinibayan ko. Tinatagan ko ang aking loob at nanalig sa pagmamahalan naming dalawa ni tatang.

Madaming naghusga, nangmataas, nandiri, kinuwestiyon ang relasyon namin pero nanindigan kami.

Noon, sinabi ko sa sarili ko na handa ako kung sakali man na magbago pa ang isip ni tatang. Hindi ko na s'ya pipilitin kagaya ng ginawa ko noon. Kase tinanggap ko na, na nagsimula kami sa mali at maaring hindi kami magtagal.

Pero sino nga bang makapagsasabi na tatagal kami ng ganito.

Three years na kaming nagsasama sa iisang bahay. Katulad ng ibang magka relasyon, hindi perpekto ang pagsasama naming dalawa. May mga away, may nagkakasakitan ng physical, may pagkakataon na susuko na ang isa sa amin pero sa huli, nanaig pa din ang pagmamahalan naming dalawa.

"Daddy Alexxxx!" Rinig kong sigaw mula sa loob ng bahay na agad ko namang kinalingon.

Napangiti ako ng makita ko si biboy na tumatakbo papunta sa akin. Sa likod n'ya ay si Chichay, Nonoy, Ben at Miguel.

"Yes biboy?" Pasigaw ko din na sagot sa kan'ya at binukas ang aking kamay para salubungin sila.

Yumakap sa akin ang mga bata na ginantihan ko naman.

Si biboy ay isang pulubi na nakita namin ni tatang sa gilid ng simbahan dalawang taon na ang nakakaraan.

Simula kase ng magka ayos-ayos na kaming lahat, napalapit na din kaming dalawa ni tatang sa panginoon. Nagpasalamat kami sa kan'ya na binig'yan n'ya kaming dalawa ng pagkakataon na makita ang isa-t isa. Na sa kabila ng mga panloloko at pananakit na ginawa namin kay Kit noon ay naramdaman pa din namin ni tatang na hindi kami pinabayaan ng panginoon.

Noong araw ngang iyon ay kakatapos pa lang ng misa at palabas na kami ng simbahan ng mapansin kong sa iba nakatingin si tatang. Nakita ko s'yang nakatingin sa 'di kalayuan na akin namang sinundan at doon nga nakita ko ang isang bata na pilit naghahanap ng pagkain sa basurahan.

Para namang piniga ang puso ko sa nakita. Hinawakan ko ang kamay ni tatang dahilan para mapatingin s'ya sa akin. Binig'yan ko s'ya ng isang ngiti na agad naman n'yang tinugon.

Magkahawak kamay kaming tinahak ang lugar na kinaroroonan ng batang naghahanap ng pagkain.

Para namang nagulat ang bata at natakot ng mapansing papalapit kami. Tatakbo sana s'ya ng pigilan ko sa pamamagitan ng sigaw.

Tinanong namin s'ya kung nagugutom na ba s'ya na agad naman n'yang tinugon ng 'oo'. Dinala namin s'ya ni tatang sa pinaka malapit na fast food chain saka pinakain. Habang kumakain ay panay ang k'wento ng bata. Sobrang daldal nila na sa kabila ng kan'yang kalagayan ay napaka masiyahin.

Nalaman namin na naglayas pala s'ya sa kanila dahil madalas s'yang saktan ng dating nobyo ng kan'yang ina. Namatay ang kan'yang ina noong s'ya at apat na taong gulang pa lamang, ngayon ay pitong taong gulang na si biboy.

Napakagaan ng loob ko sa batang ito. Parang ganon din si tatang dahil tudo asikaso s'ya sa bata. Sinusubuan n'ya nga eh hanggang sa nag desisyon kami ni tatang na iuwi sa bahay si biboy. Noong una ay ayaw pa sana ng bata pero ng sabihin ko na bibilhan namin s'ya ng napaka raming laruan ay pumayag ito. Tuwang tuwa s'ya ng makita kung gaano kalaki ang bahay.

MY BOYFRIEND'S DADDY [BOYXBOY]Where stories live. Discover now