KABANATA 02

23.8K 274 21
                                    

Alex's POV

Maaga akong gumising para makapag luto ng agahan namin ni Kit. Sa ganitong paraan man lang mapawi ang lungkot na kanyang nadarama.

Habang nagluluto ng itlog at tusino hindi ko mapigilang alalahanin ang nangyari kahapon. Bakit sa dami ng p'wedeng pagnasaan bakit ang halimaw na daddy pa ng nobyo ko? Pero ang mas ipinagtaka ko bakit ako tinigasan kahapon at bakit ako tinitigasan ako ngayon?

Hinawakan ko ang aking pag-aari at marahan itong hinimas.

"Hindi ito p'wede. Mali ito! Maling mali."

Ano ba naman Alex? Anong nangyayari sayo? Anong nangyayari sa katawan mo? May nobyo ka na at mahal na mahal mo siya at mahal na mahal ka din niya.

Umiling na lang ako saka pinag patuloy ang aking pagluluto. Hindi din naman nagtagal ay natapos na ako kaya inilagay ko na sa tray para ihatid kay kit. Siguro magiging masaya iyon.

Pumasok na ako sa kwarto at nakitang mahimbing pa ang tulog ng mahal ko kaya naman inilagay ko muna ang pagkain sa gilid ng kama para gisingin si Kit.

"Kit gising na" malambing kong bigkas sa kan'yang tenga. Tanging ungol lang niya ang natanggap kong sagot. Napangiti naman ako saka muling pinagpatuloy ang paghalik sa kanya.

Unti-unti namang gumilat siya kaya sinalubong ko siya ng ngiti. "Good morning Kit halika bangon ka na. Naghanda ako ng pagkain natin" pag-aaya ko sa kanya saba turo bg pagkain na aking niluto na nasa tabi ng kama.

Ngumiti naman siya saka akmang tatayo. "Saan ka pupunta?" Takang tanong ko. "Banyo" simpleng sagot niya habang nakatakip pa ang kanyang kamay sa kanyang bibig. Ngumiti naman ako saka umiling. Pinaupo ko ulit siya sa kama at tinabihan.

"Maya ka na mag banyo. Kain muna tayo. Lalamig na iyon mamaya eh" malambing kong sabi sa kanya.

Umiling naman siya saka tinakpan ang bibig. "Hindi pa ako nag to toothbrush" nahihiya niyang sabi.

Ihinarap ko naman siya sa akin saka nakipag titigan sa kanyang mata. Tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa kanyang bibig. "Ano ka ba hindi mo kailangang mahiya sa akin. Boyfriend mo ako at kahit ikaw pa ang may pinakamabahong hininga sa buong mundo mamahalin pa din kita" nanggilid naman ang aking luha sa mga sinabi ko.

Nakakataba lang isipin na pitong taon na kaming mag nobyo at ngayon nakatira na kami sa iisang bahay. At malaya na kaming ipahayag sa mundo ang aming nararamdan ng hindi inaalala ang kung anong sasabihin nila.

"Mahal na mahal din kita Lex. Pangako ikaw lang" tumango ako bilang sagot sa kanya. Hinalikan ko lang uli siya sa kanyang labi at nagsimula na kaming kumain.

Napuno ng lambingan, asaran, harutan, landi at pagmamahal ang buong kwarto habang sinusubuan namin ang isa't isa.

Hanggang sa natapos kami at niyaya ko siyang manuod sa telebisyon.

"Kit anong plano mo?" Pag ano anong tanong ko kay Kit habang nanunuod kami ng paborito niyang cartoon character na si SpongeBob SquarePants. Timingin naman siya sa akin at nanlulumong ngumiti.

"Hindi ko alam Lex. For sure hindi naman na ako makakapasok sa kompanya pagkatapos ng nangyari. Siguro maghahanap na lang muna ako ng trabaho? Iyon lang ang naiiisip ko sa ngayon eh. Gusto ko magsimula ng bago lex kasama ka"

"Bakit hindi ka na lang pumasok sa firm ng papa ko? For sure naman tatanggapin ka doon kit. Ang galing mo kaya. At isa pa ayaw mo noon? Palagi na tayong magkasama kahit sa work"

Umiling naman siya saka umupo paharap sa akin. Kinuha ko ang kamay niya at ipinulot iyon sa aking kamay.

"Lex hindi naman pwedi iyon. Gusto kong mag simula ng bago pero hindi kasama ang pagpasok sa architectural firm niyo. Ayokong sabihin ng iba na pinagsasamantalahan kita saka gusto ko ding patunayan sa mga magulang natin na deserve natin ang isa't isa"

"Ano ka ba kit. Hindi mo naman na kailangang patunayan sa magulang ko eh. Tanggap ka nila, tayo, tanggap nila tayo at abg relasyon natin. Ewan ko na lang doon sa daddy mo" nalungkot naman bigla si kit sa pagkarinig ng huling sinabi ko

Sh*t!!! Bakit ba hindi ako nag-iisip? "Kit sorry I don't mean what I Said" mapanoyong sabi ko sa kanya.

"Ok lang lex. Totoo naman eh. Hindi talaga tayo matatanggap ng daddy ko. Kata siguro ito na ang oras para pagtuonan ko ng pansin ang sarili ko at syempre ikaw"

"Pero seryoso lex. Ayaw kong may apply sa firm niyo. Gusto kong mag try ng ibang environment kaya sa iba ako mag a apply. Saka this time may gusto akong patunayan hindi para sa daddy ko kundi para sa ating dalawa at sa future anak natin" na excite naman ako ng marinig ko ang mga salitang anak namin.

May usapan kase kami ni Kit na nakag alam na namin sa sarili namin na kaya na namint bumuhay at bumuo ng pamilya mag a ampon kami.

"Sige na nga. Basta sabihin mo sa akin kung mag bago ang isip ko. Our firm is always open for you"

"Yes mr. Architect" natawa naman ako sa tinawag niya sa akin.

Lumipae ang oras wala naman kaming ibang ginawa kundi ang manuod ng palabas sa telebisyon. Ng bandang 10 am ay nagsimula na akong magluto para sa lunch namin ni kit. Habang si kit naman ay napag desisyonang mag linis ng condo unit ko.

Bilib talaga ako sa nobyo ko. Lumaki siya sa katutuhanang anak siya ng isa sa pinaka mayamang business man sa Pilipinas at talaga namang kung iisipin ay buhay prinsepe pero alam na alam niya pa din ang mga gawaing bahay.

11:45am ng matapos na akong magluto. "kiiittt" tawag ko kay kit ng handa na ang pagkain. Nakita ko naman siyabg galing sa kwarto namin at basa ang buhok. Siguro ay naligo siya pagkatapos maglinis ng condo.

"Kain na tayo" pag yaya ko sa kanya. Magsisimula na sana kaming kumain ng may biglang kumatok sa pinto.

"Ako na" sabi ko kay kit ng akmang tatayo siya para tingnan kung sino ang kumakatok. Sinilip ko ang kung sino man ang nasa labas at kinakunot ng noo ko ng makitang mga pulis ito.v

Binuksan ko ang pinto para tanungin ang kung ano ang kailangan nila.

"Ano iyon sir?" Tanong ko.

"Ikaw po ba si Alex Dawfold Rushton?" Tumango naman ako bilang tugon.

"Ano pong maitutulong ko sa inyo?" Takang tanong ko ulit.

"May warrant of arrest po kami para sa inyo sa kasong physical injury na kinaso ni Mr. Nielsen Oxford" hindi nag process sa isip ko ang sinabi nila kaya hindi ako nakapagsalita. Binasahan na nila ako na nagsasabi ng mga karapatan ko ng dumating si Kit.

"Anong nangyayari Lex? Anong bang nangyayari? Bakit niyo pinupusasan ang syota ko?" Naiiyak na tanong ni kit sa mga pulis.

"Dito ka lang muna Kit. Ako na bahala dito. Tawagan mo ang abogado ko papuntahin sa police station. Wag kang mag-alala makakalabas din ako. Makakabalik ako sayo pangako 'yan".

***

_unedited

MY BOYFRIEND'S DADDY [BOYXBOY]Where stories live. Discover now