KABANATA 10

14.1K 225 76
                                    

Alex's Outlook

Mabilis lumipas ang araw para sa aming tatlo. Naging busy kami sa kanya-kanyang trabaho idagdag pa ang mga ganap sa birthday ni Kit.

Ayon nga sa napag-usapan ay sa Beach namin napiling i-celebrate ang birthday ni Kit kasama ang lahat ng empleyado ng kompanya.

Dapat masaya kami dahil kaarawan ito ng taong mahal ko pero hindi ko lubusang magawa sa dami ng gumugulo sa aking isipan.

Ano mang oras ngayon ay darating na ang resulta galing sa imbestigador ko na katutuhanan ukol sa totoong relasyon ni tatang at papa.

"Alex are you ready?" Tapatingin ako kay tatang na pababa ng hagdan bitbit ang kanyang maleta. Huminga ako ng malalim bago tumango.

"Yes tatang. Hinihintay ko lang si Kit since siya ang nag-aayos ng gamit namin" tumango naman ito saka dumeritso palabas.

Nitong mga nakaraang araw ay nahihirapan akong makitungo kay tatang pate na rin sa papa ko. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa kanilang dalawa.

"Lex!" Rinig kong sigaw ni Kit mula sa taas kaya tumayo na ako at pumanik pataas. Binuhat ko lang ang mga gamit namin na good for two days at one night pababa at dumeritso palabas. Gagamitin namin ang sasakyan ni tatang papunta sa Beach habang ang mga ka-trabaho ko sa opisina ay nauna na doon.

"Lex are you ok? Pansin kong ang tahimik mo nitong mga nakaraang araw" tanong sa akin ni kit.

Umiling lang ako saka ngumiti. "Ok lang ako babe may iniisip lang" ngumiti naman ako na naging dahilan ng pagkunot ng kanyang noo.

"Ano naman iniisip mo? May iba ka na ba?" Nakangusong tanong nito sa akin. Napatawa ako ng kunti saka umiling. Hinawakan ko ang magkabilang pisnge ni Kit saka ito marahang pinisil.

"Iniisip ko lang kung paano kita papaligayahin ngayong birthday mo" sabi ko sabay kindat at kagat ng labi.

Nakita kong namula ang kanyang mukha na naging dahilan ng malakas kong pagtawa. Gustong gusto ko talaga kapag nahihiya ang kit ko.

"Ahem" natigil lang ang pagtawa ko ng malakas na umubo si tatang. Napatingin ako sa kan'ya saka nag-aalalang nagtanong.

"Ok ka lang ba tatang? Gusto mo bang tubig?" Kinalas ko ang paghawak ko sa pisnge ni Kit at kinuha ang tubig na nasa bag ko. Iniabot ko ito sa kan'ya pero hindi niya ito pinansin at inabot ang tubig niya na nakalagay sa dashboard. Nakaupo kase si tatang sa harap katabi ng driver habang kami ni Kit ay sa likod.

Nagtaka naman ako kung ano nga bang problema ni tatang. Sa buong b'yahe ay taimtim ko lang na pinagmamasdan si tatang habang si Kit naman ay nakatulog na lang sa aking balikat. Minsan nagtatagpo ang tingin naming dalawa sa salamin pero mabilis naman niya itong iniiwas.

Sa kada pagbangga ng aming mga mata iba't ibang emosyon ang aking nakikita. Merong sakit, lungkot, pagkalito at selos. Selos? Nagseselos si tatang? Kanino naman? Hindi kaya nagseselos siya sa amin ni kit? Pero bakit? May nararamdaman na din kaya si tatang sa akin? Nalilito ako.

Tatanungin ko sana si tatang kung may nararamdaman ba talaga siya sa akin ng bigla na lang tumigil ang sasakyan. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa aming pinatutunguhan.

Naunang lumabas si tatang at mabilis na naglakad paalis sa amin. Susundan ko sana ng maalala kong naka dantay si Kit sa aking balikat. Tinanaw ko na lang si tatang na unti-unting lumalayo sa akin. Habang pinagmamasdan ko siya nararamdaman ko nanaman ang kirot sa aking puso. Masakit makitang naglalakad siya paalis sa akin.

Ng tuluyan ng mawala si tatang sa aking paningin ay ginising ko na si Kit. Sabay naming tinungo ang lugar kung saan kami pagpapahinga. Habang naglalakad kami ni Kit ay binabate siya ng mga katrabaho namin sa opisina at ginagantihan naman iyon ng salamat at ngiti ni Kit.

MY BOYFRIEND'S DADDY [BOYXBOY]Where stories live. Discover now