KABANATA 14

8.4K 160 26
                                    

Alex's Outlook

"Nandito na tayo" tawag atensiyon ni tatang sa akin ng huminto ang sasakyang aming sinasakyan.

Sumilip ako sa labas at nakitang nasa harap na kami ng bahay nila tatang.

Napabuntong hininga ako saka napatanaw sa malayo.

Walang nagsasalita sa aming dalawa ni tatang.

Kanina ang lakas ng loob kong umuwi ng makita ang mga larawan na nilagay ni Kit sa kan'yang Facebook account pero habang nagba byahe kami, ang dami kong naisip na bagay.

Una sa lahat, ako ang unang nag loko. Mas malala pa nga dahil sa kan'yang ama pa mismo. Pangalawa, ako ang nag kulang sa aming dalawa. Ako ang nagpabaya. Kaya siguro nawalan siya ng gana sa akin at naghanap na din ng iba.

Hinawakan ni tatang ang kamay ko na nakaagaw ng ating atensiyon. "'Lex? Anong plano mo?" Tanong nito sa akin saka tiningnan ako sa mata.

Hindi ako nakapag salita't tiningnan lang din siya sa mata. Nagtitigan kaming dalawa ng hindi ko alam kung gaano katagal. Napakaganda ng kan'yang mata! Puno ng damdamin at sobrang nakakahalina.

Pero sa kabila ng napakagandang mata na iyon ay nababalutan ito ng napaka daming misteryo at sekreto. Sekreto na ayaw kong malaman dahil baka makasira sa mga bagay na meron kami ngayon.

Ano nga bang meron kami ngayon? Nag sex kami. Nag 'I love you' ako sa kan'ya. Nag hahawak kamay kami. Ano nga bang tawag doon? Hindi ko alam.

Umiling ako kay tatang para ipaalam na hindi ko alam kung anong gagawin. Tumango siya sa akin saka hinawakan ang aking pisngi.

"Just do what you think that can makes you happy" masuyong wika nito gamit ang mahinang boses.

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa kan'yang sinabi. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.

"Ano nga bang nakakapagpasaya sa akin 'tang?" Tanong ko sa kan'ya.

Ngumisi siya sa akin saka lumapit.

"Isipin mo ang mga ginawa natin sa isla at magagasagot mo ang iyong tanong" sabi niya na akin na akin namang ginawa.

Inisip ko ang mga bagay na aming ginawa. Simula sa pagdating namin doon hanggang sa pag alis.

Kalahating araw lang kaming nandoon pero iba na ang saya na nadulot noon sa akin.

Nagliwaliw din naman kami ni Kit pero hindi ako naging masaya katulad ng naranasan ko noong mga panahong nasa isla kaming dalawa ni tatang.

"Natatakot ako" sagot ko sa kan'ya ng mapagtanto ko ang bagay na gusto niyang ipahiwatig.

"Nandito ako. Aalalayan kita" sagot niya na nakapagpangiti sa akin.

"Mahal kita 'tang. At handa akong gawin ang lahat para sayo" ngumiti siya pagkatapos ko sabihin ang mga katagang iyon.

Lumapit naman siya lalo sa akin sabi binigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Alam ko Alex. Alam ko at nagpapasalamat ako sayo doon" naramdaman ko pa na hinalikan niya ang likod ng aking batok.

Tumango tango ako. Desidido na ako sa aking desisyon.

Mahal ko si Tatang. Minahal ko siya kahit karelasyon ko pa ang anak niya.

Pero kagaya ng sabi ng iba, 'hindi ka magmamahal ng pangalawa, kung nakuntento ka sa una'.

Siguro'y may mga bagay lang talaga na hindi ko nakita kay Kit na nakita ko kay tatang.

Unang kita ko pa lang kay tatang iba na ang aking naramdaman. Kakaiba ang kan'yang dating. Iba ang pakiramdam na naibibigay niya sa akin.

MY BOYFRIEND'S DADDY [BOYXBOY]Where stories live. Discover now