KABANATA 08

16.2K 263 58
                                    

Alex's Outlook

Nasa hapag kainan kaming tatlo nila Kit, tatang at ako. Kakatapos lang naming lumipat ni Kit dito sa bahay nila. Pagkatapos kase ng pangyayaring iyon sa amin ni tatang ay agad naman niyang tinawagan si Kit at inutusang samahan ako sa paglilipat ng aming mga gamit.

Ilang beses kong kinumbinse si tatang na hindi na kailangang lumipat kami ni kit sa bahay nila pero kahit na anong gawin ko ay hindi ko na mabago ang kanyang isipan.

Pagkatapos tawagan si Kit ni tatang ay agad naman niya akong inutusan na sundin ito sa site na kanyang pinag ta-trabahuhan at magkita na lang daw kami sa bahay nila. Wala na akong nagawa kaya't sinunud ko na lang ang kagustuhan ni tatang at ngayon nga ay narito kami't kumakain magkakasama.

"How's the site going kit?" Pagsisimula ni tatang sa usapan. Tumingin muna si tatang kay Kit at ng makitang hindi ito nakatingin sa kanya ay tumingin ito sa akin at pasempleng kumindat. Umiwas ako ng tingin at binaling ang tingin kay Kit na nagpupunas ng kanyang bibig.

"O-ok naman da-dad. Nag pa-process ang site according sa napag-usapan" sa pagsasalita ni Kit ay ramdam ko pa din na hindi pa siya ganong ka komportable sa kanyang daddy. Mas naunahan ko pa nga yata si Kit na makasundo ang kanyang ama.

Tumango tango si tatang sa narinig mula kay Kit. "That's good kid. Ayokong magkaroon ng conflict na mag ko-cause ng pagka delay ng project."

"Yes dad. I'll do my best para masiguradong maayos ang lahat. I won't disappoint you dad. I won't, never." Napakagat ako ng labi sa narinig ko mula kay Kit.

This is how serious he is para lang kilalanin ng kanyang ama and I'm afraid na dumating ang time na pag nagkaayos na sila ay ako ang maging cause ng muling paglabo ng kanilang pagsasama.

I look at to Kit at tinimbang ang aking nararamdaman. Alam ko sa puso ko na totoo ang nararamdaman ko sa kanya and up until now wala pa ding nagbabago doon. Willing ba akong I risk ang walong taon naming pagsasama just because of this burning fire na nararamdaman ko para sa kanyang ama?

Kaya ko bang iwan ang taong nagparamdam sa akin ng salitang pagmamahal? Ang taong inalagaan ko? Ang taong binuo ang puso gamit ang pagmamahal ko? Kaya ko bang basagin ang puso ng taong katulad ni Kit?

Naramdaman ko ang kirot sa puso ko na para bang pinipiga ito. Hindi ko kaya. Marami kaming planong dalawa para sa isa't isa. Gusto naming gumawa ng pamilya na puno ng pagmamahal. Isang masayang pamilya na nagkakaisa at may pagkakaunawaan. At hindi ko kayang sirain iyon ng dahil lang sa init ng aking katawan.

"I know son. Alam kong hindi mo ako i-de-disappoint. You never do that and I know you will never do that. Masyado lang akong kinain ng galit at hindi ko iyon nakita. But I hope this time magawa ko na ng maayos ang pagiging ama ko sayo." Pagkatapos magsalita ni tatang ay natahimik ang paligid.

Walang nagsasalita sa aming tatlo. Si tatang ay nakatingin lang sa malayo samantalang si Kit naman ay nakatingin sa baba at ako na naghihintay lang ng kung ano ang sunod na mangyayari.

Narinig ko ang mumunting singhot ni kit. Umiiyak siya! "Dadddddyyyyy!" Napalakas na sigaw niya at nagmamadaling tumayo at tinungo ang daan kung saan naroroon ang kanyang daddy. Tumayo din naman si Tatang at sinalubong si Kit ng isang masayang yakap.

"Dadddyyyy! Hindi niyo po alam kung gaano ko katagal hinintay ang araw na ito. Sobrang saya ko po dahil kahit papaano tanggap niyo na ako." Patuloy pa din sa pag-iyak si kit habang mahigpit ang yakap sa kanyang daddy.

Sa puntong iyon ramdam ko ang sinseridad ni tatang sa kanyang anak. Ramdam ang pagmamahal mula sa kanilang dalawa.

"Daddy sorry kung hindi ako naging anak na gusto niyo. Sorry daddy kung naging ganito ako. Sorry dahil hindi ko kayo mabibigyan ng apo" hingi ng tawad ni kit kay tatang.

MY BOYFRIEND'S DADDY [BOYXBOY]Where stories live. Discover now